Prologue

9.8K 103 4
                                    

Waiting For You
Written by : ImCalledJhaizen

Zhack Rickson Castro. Isang pangalan na kapag narinig ng mga kababaihan ay talagang mahihimatay sa kilig. Oh, pangalan palang ‘yan ah?

Famous siya. Mayaman siya. Hindi naman siya basagulero pero napakaloko-loko niya. Minsan naman masunget. Walang matino sa pagkatao niya. Lahat siguro sakanya mali. Pero isa lang ang tama at pinakamatino sakanya. Ang kanyang napaka gwapong mukha.

Siya 'yung tipo ng lalaki na kapag nakasalubong mo sa daan susundan mo talaga siya ng tingin. Na kapag nakasalubong mo siya tatatak sa pagkatao mo 'yung bango niya. Sobrang gwapo niya na kahit wala siya ginagawa hot parin siya sa paningin ng iba.

Maputi siya, matangkad, mahaba ang legs, at matipuno. Mapupula din ang kanyang labi na kapag nakita mo pagpapantasyahan mo talaga. Mas mapula pa ang lips niya kesa sa mga babae. And natural color 'yun ng lips niya. 'Yung ilong niyang napakatangos at napakaperfect. 'Yung jawline niyang napakaperpekto. Ang mga mata niyang napakaganda. Ang kulay chocolate nitong mga mata na kapag tinititigan mo parang lahat ng iutos niya mapipilitan kang sundin.

'Yung kilay niyang makapal. Sobrang perpekto talaga ng pagkakagawa sakanya. Kaya hindi nakakapagtaka kung makandapatayan na ang mga babae dito sa campus mapansin lang sila ni Zhack.

Ako naman, ako si Ab c-d Roth Montenegro. Yes, 'yan po ang pangalan ko. Weird right? Ewan ko ba sa mga magulang ko. Parang pinagtripan lang nila ako 'e. Ako si Ab c-d ang babaeng patay na patay kay Zhack. Ewan ko ba, basta may something sakanya na gustong gusto ko.

Mahal ko na yata siya. Pero alam kong maling mangarap. Maling umasa ako sa taong kasing taas niya. Mayaman siya. Mayaman naman ang pamilya ko pero kasi, ampon lang ako. Kaya sa totoo lang, mahirap lang ako. Famous siya ako hindi. Sobrang gwapo niya tapos ako, ‘yung mukha ko medyo okay naman. Mapagtyatyagaan na.

Alam ko namang masasaktan ako 'e. Pero wala 'e, mahal ko kasi. Halos lahat na 'yata ng kalokohan nagawa ko na magpapansin lang sakanya. Kapag nagbabasketball siya may megaphone akong dala. Kapag nasa school grounds siya sumisigaw ako para makita niya.

May mas malulupit pa akong ginawa pero kahit ganun, wala. Wala parin. Kasi may mahal siya at ang babae na 'yun ay hindi ako.

Pero simula nung araw na nalaman ko na may mahal na siyang iba. Pinangako ko sa sarili ko na, hindi pwedeng ganun nalang. Kailangan hindi ako sumuko. Hanggang ngayon 'yon parin ang ginagawa ko.

Ang magpapansin sakanya para lang makita niya na ako. Na kahit hindi siya saluhin ng taong mahal niya, handa ko siyang saluhin kahit masakit...

###

A/N : Hello! I'm back🙈 namiss ko din ang wattpad world ah? Haha. Ito na po ang story ni Zhack sa lahat ng nagrerequest. Thanks for reading 💖

Waiting For You Where stories live. Discover now