Chapter 26

3K 50 0
                                    

Chapter 26
Who is she?

“Ano ba ‘yan shy? Ang dami mo namang dinala.”

“Syempre, iba na ‘yung ready! Like duhh.” Kasalukuyan kaming nasa airport ngayon dahil may out of the country meeting kami. Ang dami niyang dala na parang d'on na kami sa Canada titira.

“Yung inimpake mo pang tatlong tao.”

“Syempre, we should look fresh. Nukaba, even if I'm already married hindi naman ibig sabihin non na kailangan losyang na ako! Ikaw din, well, kung titignan mukha kang teenager parin kahit may dalawa nang junakis. Kabogera ka rin ‘e. Mas lalong naganda habang tumatagal.” Hinampas ko siya.

“Ano ba kailangan mo? Libreng plane ticket?”

“Hinde, meron na ako. Kailangan ko ng foods. Hahahahaha.”

“Patay gutom!” Sigaw ko sakanya tapos hinila ko na siya dahil tinawag na kami.

-


Nakasakay na kami ngayon sa eroplano pero hindi parin talaga matigil tigil ang bunganga ni Shyril.



“Can't you just shut up?”


“Can't you just listen? I'm talking! And as a friend you should be the one who will understand my situation! You should listen to me.” May paghawak pa siya sa kanyang dibdib na tila nasasaktan.


“Napakadaldal mo naman kasi. Kanina ka pa, hindi ka ba napapagod?” Inirapan niya ako tapos humarap siya sakin ng seryoso.


“So, ganun? Walang pagsupport? Bakit nung naglihi ka naman sinuportahan naman kita ah? Ba't pagdating sakin walang pagsuporta?” Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya.



“OH MY GASH! You're already pregnant! I'm so happy for you.” Tumawa naman si Shy at niyakap ako. I'm really happy for her. I know kapag naging mommy na siya magiging isa siya sa mabubuti. After 10 years of being in a relationship and 1 month of being engaged, alam ko na, na deserve ni Yvan ang bestfriend ko.



“By the way bes, ba't ka pala sumama sakin? Diba masamang umiyahe kapag buntis?”


“Duh, strong kaya kami ni baby.” hinimas niya pa ang tyan niya. Napangiti naman ako, naalala ko tuloy nung pinagbubuntis ko palang ang kambal. Nung una, nawiweirduhan ako sa laki ng tyan ko then, after kong magpa ultra sound yun nga, na kambal pala ang babies ko.



“Mmmh, Ab.”


“Oh? Bakit may masakit ba sayo?” Nagaalalang tanong ko sakanya.



“May balita ka pa ba kay Myra?” Napayuko naman ako sa tanong niya.


“Wala na. Para saan pa diba?”



“Sabagay, pero kasi, nung isang araw I saw her with a little girl. Nung una akala ko anak niya pero hindi pala.”


“Bakit? Kaninong anak ba ‘yun?” Tumingin sakin ng seryoso si Shy.



“Kay Zhack daw. You know, may pagkahawig kay Taki ‘yung girl pero mas maganda si Taki syempre.” Natahimik naman ako agad dahil doon.


“Ab, hindi ko naman sinabi yun para malungkot ka. I say that to you para maging handa ka. Na, makagawa ka ng desisyon kasi kahit saang anggulo mo tignan, Zhack deserves to know na may dalawa siyang anak na nangangailangan ng ama.” Bumuntong hininga ako. Alam ko naman na, na may anak na si Zhack e. At dahil doon mas lalong natakot akong ipakilala ang kambal.


Waiting For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon