Chapter 17

2.4K 41 1
                                    

Chapter 17
Accident

Ilang araw narin ang nakalipas magmula nung nahospital ako. After nun, natuloy parin ang vacation. And today, last day na namin dito. Nakakalungkot isipin na, hindi ko manlang naenjoy ‘yung one week vacation namin.

Ang maganda lang siguro na nangyari ay ‘yung araw-araw akong inaalagaan ni Zhack. Naaawa narin ako sakanya kasi, imbis na nagrerelax at ine-enjoy siya, inaalagaan niya nalang ako. I appreciate his efforts. I know that he's just worried about me.

Hindi ko parin pinapansin si Myra. Parang hindi ko pa kasi kaya. Paminsan-minsan, nahuhuli ko siyang tinitignan ako pero umiiwas nalang ako ng tingin.

Si paepal na Charina naman, ayun. Nagmamaganda parin. Lagi niya akong iniirapan. Hindi ko nalang pinapansin kasi ayaw ko nang makipagaway pa sakanya.

“Hey, you're awake. Gigisingin sana kita ‘e.” Napatuwid naman ako sa pagkakaupo dahil pumasok bigla si Zhack. Nakawhite t-shirt lang ito at nakapants. Ang simple lang ng suot niya pero bakit ang hot niya paring tignan? Hustisya naman!


“Ganun ba? Kakagising ko lang rin naman.”


“Last day na natin ‘to. Anong gusto mong gawin?” Bigla naman akong naexcite sa sinabi niya.

“I want to swim. Tapos, magikot-ikot.” He just nooded.

“Alright, I'll wait for you downstairs. Make sure, before you go down you already take a bath. Para matagal din tayong makapagikot.” Tinanguan ko siya tapos nagmadali na akong pumasok ng banyo na agad naman niyang ikinatawa.

Kinuskos ko talaga ang buong katawan ko. Mahirap na, at baka mapansin pa ni Zhack na may tinatago akong mga libag sa katawan ko.

Pagkalabas ko, nagbihis na agad ako. Napagdesisyunan kong suotin ang black one piece ko. Tapos, binalot ko sa aking bewang ang manipis na telang kulay puti. Ayaw ko namang magsuot ng masyadong revealing. Nakakahiya!

Bumaba na ako at agad kong nakita si Zhack na mag isang nakaupo sa may dining area.

“Nasan sila?” Umupo ako sa may unahan niya. Pinagsandukan niya ako ng kanin at ulam.

“Nagsuswimming na sila. I just told them to wait for us there.” Tumango na lamang ako. Kasama kaya si Charina? Ano kayang suot nun? I know, she have a very gorgeous body. Kung ikukumpara ang katawan niya sa katawan ko ay lamang talaga siya. Nakakainsecure lang naman.

“Make it fast. Para mailibot pa kita dito.” Binilisan ko na ang pagkain. Nakakahiya naman kasi sakanya ‘e. Wala manlang ka sweet sweet! Tapos, napakatrue niya pang magsalita. Minsan, you also need to sugarcoat words. Dyusme, well, Zhack will always be Zhack.

“Halika na.” Pagaaya ko sakanya pagkatapos kong kumain. Tumayo naman siya agad at sinundan ako papalabas. Hinintay ko siya tapos hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin naman siya sakin.

“Oh? Why? Girlfriend mo 'ko! Anong masama kung hawakan ko kamay mo?”

“I should be the one who do that thing first, before you do!”

“Ang bagal mo ‘e. Nakakainip! Don't worry, I don't really care if I do the first move.” Sabi ko tapos hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya.

“Tss, I should be the first one to do that. I'm the boyfriend! A guy always makes the first move!” Medyo inis na ang tono ng pananalita niya.

“Well, if the guy can do that, kaya rin naming mga babae. My goodness, we're in 21st century so, it's no big deal if a girl make the first move.”

Waiting For You Où les histoires vivent. Découvrez maintenant