Chapter 10

2.6K 35 1
                                    

Chapter 10
His girlfriend

Nanlalaki parin ang mata ko. I'm not moving. Nakapikit si Zhack pero ako dilat na dilat parin. Hindi ko alam kung pipikit ako o ano. Nakakashock naman kasi.

Humiwalay siya sa paghahalikan namin at dinikit ang noo sa noo ko. Pulang pula na yata ang mukha ko pero wala akong pakielam. Kinikilig ako!

“I want to know you more, Ab.” napalunok naman ako. Shet, ang hot ng boses niya! Amoy na amoy ko ‘yung hininga niya. Ang bangoo!

“A-Ah, s-sige.” wala na tuliro na ako. Hindi ko na alam kung anong pinagsasasabi ko ang mahalaga nakatitig sakin si Zhack ngayon.

“Kuya!” napahiwalay kami nang biglang sumigaw si Myra.

“Kuya please let's talk.” hinihingal na sabi ni Myra. Tinignan ako ni Myra na parang nagsosorry tapos hinila na niya si Zhack at naiwan akong magisa dito sa cafeteria. Lahat ng estudyante nakatingin ng masama sakin.

“Monte! Halika umalis na tayo dito.” buti nalang hinila ako ni Jaxon palayo.

-

“Kuya, are you thinking straight? Bati ba naman si Ab?” galit na sabi ni Myra kay Zhack.

“Why? What's wrong with Ab?”

“Don't play innocent kuya. I know you're planning something. I saw Charina a while ago sa cafeteria. I know she's the reason behind that kissing scene. Don't you ever use Ab.”

“I am not using her.” tapos nagiwas ng tingin si Zhack sa kapatid niya.

“You are. Please, wag si Ab.” mahinahong sabi ni Myra. Pagkatapos ng paguusap nila umalis na si Zhack. Gulong-gulo siya. Alam niyang napakadesperado ng ginawa niya pero nilamon na siya ng galit kanina.

Simula nung nakita niya si Charina kumulo agad ang dugo niya. Niloko siya nito. Si Charina ang kaisa-isang babaeng minahal niya bukod sa kapatid at mommy niya. Kaya naman ganun nalang ang galit na naramdaman niya nung nakita niya muli ito.

Sa ngayon kailangan na muna niyang magisip.

-

“Ano ba Monte! Kanina pa ako nagsasalita dito pero ikaw busy sa pagtulala.” natauhan lang ako nang sumigaw si Jaxon.

“Wag ka nga. Kinikilig ako dito ‘e.” naginit naman agad ang pisnge ko. Naalala ko nanaman tuloy ‘yung kiss.

“Ewan sayo Monte. Anong nakakakilig don? Parang kiss lang.” hinampas ko siya sa braso.

“Kiss lang? Tanga ka ba? ‘yun ang pinakaromantic na nangyari sa buhay ko.”

“Tss, romantic na ‘yun sayo? Kiss romantic? Ang romantic ay ‘yung nangako ang isang tao na papakasalan ka at handang antayin ka sa harap ng altar. ‘Yun ang romantic at nakakakilig.”

“Isa pang salita mula diyan sa madumi mong bunganga. Bubusalan talaga kita.” inismiran niya lang ako. Sabi ko na nga ba bak---

“Hindi ako bakla.” ako naman ang napairap. Bwiset talaga sa buhay ko ‘tong si Santos ‘e.

“Teka, libre mo pala ako. ‘Yung paghila ko sayo kanina may bayad ‘yun anong akala mo?”

“Oo na patay gutom ka.” hinila na niya ako papunta sa may iyawan.

“Limang isaw, limang betamax tapos anim na bituka nang manok.” sabi ni Jaxon sa tindera tapos tinignan ako na parang nangaasar.

Letche ubos nanaman pera ko dahil sa patay gutom na ‘to.

“Ate, 75 po lahat.” nagbayad ako ng 80 pesos.

“Ito na po sukli.”

“No ate, keep the change.” nakangiting sabi ko. Binatukan naman ako bigla ni Jaxon.

“Letche ka. Makasabi ka ng keep the change akala mo naman ang laki laki ng sukli. Limang piso. ‘Yung totoo?”

“Syempre para kunwari mayaman ako. Tapos kunwari generous akong tao.” tumatawang naglakad kami pabalik sa loob ng campus.

“Penge ako isaw Santos!”

“Ayaw! Nakalimang betamax ka na nga. Hindi na nga ako nakatikim ‘e. Abuso na.”

“Sino nagbayad?”

“Sino ililibre?”

“Edi sayo na lahat. Napakapatay gutom mo.”

“Sakin na talaga. Matagal ko nang alam na patay gutom ako, no need to remind me.” mabilaukan sana siya.

“AB!”

“Shy!” lumapit siya samin tapos hinablot niya ‘yung isaw na kinakain ni Jaxon.

“Hala? Akin na ‘yan.” hindi siya pinansin ni Shy. Humarap sakin si Shy tapos hinila ako bigla.

“Teka, si Jaxon.”

“Okay na siya. Malaki na ‘yun.” kaya naman nagpahila nalang ako sakanya.

“Ano ‘yung nabalitaan ko? Hinalikan ka daw ni Zhack kanina sa may cafeteria? Buti walang nasuka.”

“Heh, manahimik ka nga diyan. Oo, bes. He kissed me. Wha!”

“Asa ka naman agad?”

“Matagal na po akong umaasa.”

“Hay ewan ko ba sayo. Basta kapag umiyak ka dahil kay Zhack kakalimutan kong kapatid siya ni Myra. Sinasabi ko sayo.” nagkibit balikat nalang ako.

In all fairness, concern ang mga kaibigan ko sakin. Tapos support pa nila ako kay Zhack. Haha, I'm so lucky talaga.

Humanda ka bukas Zhack. Dahil simula nung nilapat mo ang labi mo sakin I consider myself as your girlfriend na. Desperada na kung desperada pero iba na ang naninigurado ‘no.

Waiting For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon