Chapter 22

2.7K 51 1
                                    

Chapter 22
Beg

Kanina pa ako lakad ng lakad. Hindi 'ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam 'ko lang ay namamanhid na ako. Hindi na ako makapagisip ng matino.

I never thought, na ganto 'ko mamahalin si Zhack. Yes, I become so desperate to have him. Kaya wala akong karapatan masaktan at malungkot dahil in the first place, ako lang naman ‘yung nagmapilit.

Hindi ko na alam kung nasan ako. Tumingin ako sa paligid, maraming puno, malakas ang hangin at madilim. May isang playground doon sa may dulo, pumunta muna ako doon. Umupo ako sa may swing. Siguro kung hindi lang ako nasasaktan ngayon ay matatakot talaga ako sa lugar na 'to.

Walang tao. Ang tanging maririnig lang ay ang simoy ng hangin. Napatingin ako sa paligid, ngayon 'ko lang narealize na I belong in this place.

‘Yung madilim. Magisa. Malungkot. Lalo akong napaiyak. Simula pagkabata 'ko hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ina. Nangungulila ako sa atensyon ng aking ama. Tanging si Lola lang ang tumanggap sakin. Pero, nung malaman 'kong nakabuntis si Daddy ng babae, imbes na malungkot ay naging mas masaya pa ako. Naisip ko kasing, kahit wala akong magulang atleast may kapatid ako.

And then, Ef came into our life. Because of him naging masaya ako. Naging sandalan ko sila ni Lola. Pero, sobra naman akong nalungkot nung malaman 'kong namatay ang mama ni Ef sa isang car accident. Pinaliwanag naman namin kay Ef ang lahat. At para sa isang batang katulad niya nakakaproud na makita siyang maayos.

Hindi 'ko alam lahat nalang yata ng problema sinalo 'ko na. Napayuko nalang ako. Sanay na naman akong iwanan ‘e. Kailangan 'ko narin yatang masanay na wala nang Zhack sa buhay 'ko.

Pupunta ako sakanila. For the last time, gusto 'ko siyang makasama. For the last time, gusto 'kong magpakatanga. Tatanggapin 'ko ang lahat. Pero, pagkatapos nito. Tapos na. Ayaw 'ko na.

-

Huminga ako ng malalim. This is it. Ginusto 'ko 'to ‘e. Gusto ko lang naman na makita siya at makasama kahit ngayong araw lang. Kasi, sobrang mamimiss 'ko siya kapag umalis ako.

Nagdoorbell ako at ang unang bumungad sakin si Myra.

“What are you doing here?” Napayuko ako. I know magagalit talaga sila sakin kasi nga engaged na si Zhack at ito akong si Ab, na sobra paring habol at napakadesperada.

“G-Gusto ko lang makausap si Zhack.”

“What for? He's with Ate Charina.”

“I want to see him for the last time.”


“Ab, stop it. Please? He's happy with or without you. Can't you see? Mahal niya si Ate Charina.” Napahagulgol na ako. Malamig na tumingin sakin si Myra.

“P-Please, kahit ngayon lang.”

“TUMIGIL KA NA!” Napaatras ako. Ngayon lang ako nasigawan ni Myra ng ganto.

“Let her in.” Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Mommy Miracle pala. Hindi ito nakangiti, nakatingin lang siya sakin ng seryoso.

“Ako nang bahala kay Ab.” sabi ni mommy kaya umalis si Myra. Pinapasok niya ako at sumunod ako sakanya sa garden. Umupo kaming dalawa pero wala paring nagsasalita. Hikbi ko lang ang naririnig.

“Ab, you know, I see myself in you, 20 years ago. Halos lahat sila sinasabi na, ang tanga ko daw. Pero dahil mahal ko ang daddy mo, I ignore them. And look at us now, masaya na kami. Pero, Ab. Hindi lahat ganun.” Umiyak ako lalo. Alam ko na kung saan patungo 'to.

“I know you love my son. And, I'm very happy knowing that you are very vocal about it. If I am to decide, I will happily choose you as his wife. Pero, Ab hindi 'ko hawak ang desisyon ng anak ko. I want him to handle his life without us his parents. I know that, he's mature enough to decide for himself. And he decide to be with Charina. And as a mother, I believe that my son choose the best for him. I know you're hurting, and I guess it's normal. Ab, I want you to be happy. You're like my own daughter. You deserve to be happy.”

“Mommy, for the last time, gusto 'ko po siyang makita at makasama, please po.” ngumiti sakin si mommy at niyakap ako.

“Sige.”  at iniwan na niya akong magisa. Lumakas ang ihip ng hangin kaya huminga akong malalim.

Tama narin siguro ang desisyon 'kong ito. Mas mabuti pang lumayo na muna ako sakanya. Ayaw kong makasakit pa. Alam kong nasasaktan din si Zhack nang dahil sakin. Dahil parang pinipigilan ko siyang maging masaya kasama ang taong mahal niya.

Okay nang ako nalang ang masaktan. Sanay na naman ako. Pero, mas masakit kung makita ko ‘yung taong mahal ko na nasasaktan dahil sakin. ‘Yun ang bagay na hindi ko yata kakayanin.


“Ab,” Napalingon agad ako. Niyakap ko agad siya. Biglang bumuhos ang luha ko. Ngayon palang miss na miss ko na siya, pano pa kaya kung ilang taon kaming hindi magkita.


“Ab, please...” Lumalayo si Zhack sakin. Pero hinigpitan ko parin ang pagkakayakap ko sakanya.


“Hanggang ngayon nalang 'to. Please? Kahit ngayon. Umarte ka namang mahal mo 'ko. Kahit hindi totoo. Gusto 'kong may mabaon na mga alaala bago ka ikasal sa taong totoong mahal mo.” Mahinahong sabi ko sakanya.



“You don't have to do this, Ab.” Hinigpitan niya ang kapit sa aking bewang.



“I have to. P-Pagbigyan mo na ako. Please?” Humagulgol ako lalo nang yumakap pabalik sakin si Zhack.


“Shhhh, stop crying. Please, baby...” Pumikit ako. Ang sarap pakinggan. Sobrang sarap. Pero, alam 'kong pagkatapos ng gabi na 'to, babalik na ulit kami sa dati. Babalik siya kay Charina at maiiwan nanaman akong magisa.




Waiting For You Where stories live. Discover now