Chapter 24

3.1K 46 1
                                    

Chapter 24
New life



"Pwede next week, magbakasyon naman tayo?" Sinimangutan ko naman si Shyril. Puro gala nalang ang nasa isip.


"Shy, I'm busy. May mga investors akong imemeet next week." Inirapan niya ako at umupo sa desk ko.


"Bilis na! Alam mo bang stress ka na masyado? Hindi ka na maganda. Sige ka, papayag ka? Mas maganda na ako sayo?" Pagiinarte niya habang inaayos niya pa ang buhok niya. Tinuloy ko ang pagtatype ko.


"Pwede ba? Tigilan mo ako. Wag mo 'kong itulad sayo na puro pagbabakasyon nalang ang nasa utak."


"Duh, uso kasi magenjoy muna. Masyado mong dinidibdib yang trabaho mo. Look at me, nalago naman ang negosyo namin kahit parelax relax lang ako." Nagflip hair pa siya.


"Pa'no kasi, nandyan naman ang asawa mo para magtrabaho para sayo." Ngumuso lang siya at nanahimik na. Buti naman, nakakastress kasi 'tong babaita na 'to 'e.


It's been 6 years. Si Shyril may asawa na pero wala pa naman silang anak. Si Myra? Wala na akong balita. Hindi narin naman ako sumasagap ng balita mula sakanila.


"Ab, alis na muna ako ah? Nagtext kasi 'yung husband 'ko nasa baba na daw siya para sunduin ako. Gege, babusssh, gurl. I love you." Sabi niya tapos hinalikan ako sa pisnge. Nagmamadali siyang lumabas. Nakangiti nalang ako.



Tinapos 'ko na muna lahat ng gagawin 'ko para wala na akong gagawin mamaya sa bahay. Pagkatapos ko niligpit ko agad ang mga gamit 'ko at lumabas na ako.



Lahat ng bumabati sakin ay nginingitian ko nalang. Pagkababa ko naman sa may lobby napangiti ako lalo dahil may naghihintay sakin na napakapoging lalaki.



Nakapamulsa pa ito at nakakunot ang noo nito. Maputi, matangkad at matipuno. Kahit sino sigurong babae mapapalingon talaga sakanya kapag napadaan ito sa harapan mo.



"Just so you know, I waited you here for almost 2 hours." Lumapit siya sakin at kinuha ang bag 'ko.


"Sorry naman." Sumimangot nalang ito at hinawakan ako sa bewang.


"Ano ba Ef?!"


"What? I'm just holding your waist. Look at those guys, they're all staring at you." Napatingin naman ako sa mga lalaki. Oo nga naman.


"See?" Napanguso nalang ako. Edi siya na ang protective brother. Sa paglipas ng mga taon, lumaking napakagwapo ni Ef. Kung titignan mo siya mukha na siyang 18 years old. Ang tangkad kasi niya at sobrang matured magisip. 11 years old palang siya pero lagi kaming napagkakamalang magjowa.


Sumakay na kami sa kotse niya. Yes, siya parin 'yung Ef na sobrang protective sakin. Hatid sundo niya ako sa trabaho at kapag namamasyal ako lagi siyang sumasama. Okay narin 'yun, para walang umaaligid na mga lalaki sakin.


"So how was your day?"


"Okay lang naman. Medyo marami lang ginawa pero okay pa naman ako. Kaya 'ko naman."



"Good. By the way, I want to inform you that, this afternoon me and Taki have a photoshoot to attend to." Napatigil naman ako sa pagtingin sa labas ng bintana.


"What?! No!" Humarap naman agad sakin si Ef.


"Ate, don't react as if you're not yet informed that, Taki wants to be a model and many companies we're dying to have her as a model for their products."


Waiting For You Where stories live. Discover now