Chapter 5

2.3K 46 0
                                    

Chapter 5
Misunderstanding

"Hi, Ab." Nginitian ko agad siya at kinamayan. Umupo siya sa tabi ko.

"Kamusta ka na?" Tumingin ulit ako sa field.

"Ito. Naghihintay parin." Tumingin nalang ako sa malayo baka kasi umiyak nanaman ako dito. Nakakahiya naman kay Jex.

"May hinihintay ka nga ba?" Napatingin ako sakanya. Seryoso na siyang nakatitig sakin. Hinawakan niya 'yung kamay ko.

"Jex." Hinalikan niya 'yung kamay ko. Kaya naman napatitig na ako sakanya, nagba-baka sakaling baka magiba pa 'yung mode niya pero hindi na.

"You don't have to do this, Ab. I'm willing to be with you. Stop wasting your time for someone that doesn't even care about you. I can love you. I can love you the way you supposed to be love. You deserve everything. You don't deserve him." Naluha na talaga ako. Umiling nalang ako habang tumutulo 'yung luha ko.

"He doesn't force me to love him. Jex, And I also can't force myself to unloved him. He's my life Jex." Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko.

"But, he's into someone else. Ab, you should open your eyes. Nandito ako. Tignan mo naman ako. Puro nalang siya."

"I don't want to give you false hope. Please, Jex. Wag ka nang makisabay." Binawi ko 'yung kamay ko tapos dumaretso ako ng upo. Nagulat ako nang nakita ko si Zhack na naglalakad papunta samin. Hawak niya 'yung bouquet na binigay ko sakanya kanina.

"Z-Zhack?" Hindi niya ako sinagot at hinila niya ako patayo.

"Dude, wag ka namang manghila nalang bigla. Lalo na kung hindi naman sayo 'yung hinihigit mo." Galit na sabi ni Jex. Nasasaktan na ako sa pagkakahawak ni Zhack.

"Yes, she's not mine. But, she's into me. So I guess, I should not explain myself to you because at the first place you're not the boyfriend." Kalmado parin 'yung ekspresyon ni Zhack pero 'yung pagkakahawak niya sakin hindi na kalmado. Ang higpit na.

"Zhack, masakit." Mahinang sabi ko pero hindi siya nakinig imbes na bitawan ako hinigit niya pa ako. Halos madapa na ako dahil ang bilis niyang maglakad.

Huminto siya at padabog na binitawan 'yung kamay ko. Matalim niya akong tinitigan. Nanginginig na ako. Nakakatakot siya ngayon.

"After you gave me this trash, you're flirting with that guy." Tinaasan niya ako ng kilay.

"H-hindi naman e-e. H-Hindi ko a-alam 'yung s-sinasabi mo." Nanginginig parin ako. Nagulat ako nang itapon niya 'yung bouquet sa harapan ko.

"Oh, you're not just a slut. You're a liar too." He smirks. Nangingilid nanaman 'yung luha ko.

"No, I'm not. Hindi a-ako nakikipaglandian at h-hindi ako m-malande." Hinarap ko na siya kahit hindi ko pa napupunasan 'yung luha ko.

"Oh? Really? Wag ka nang magsinungaling. I hate liars."

"H-hin----"

"Oh, common. Stop crying. Ginawa mo wag mong pagsisihan. So, what? Kung naglande ka? Diba? Why are you crying in front of me? I'm not really concern."

"Bakit mo ko hinila?" Nilakasan ko na ang loob ko. Pinipigilan ko na talaga 'yung luha ko. Mahal ko siya pero 'yung tawagin niya akong slut ibang usapan na 'yun.

"I just want to return that flowers. I don't need any of it. Itapon mo nalang. Wag mong hintayin na apak-apakan ko pa 'yan sa harapan mo. And by the way, I brought you tissue. Alam ko namang madrama ka. I'm straight forward, I don't sugarcoat words. But, I still know how to respect women's." Binigay niya sakin 'yung tissue bago siya naglakad papaalis.

Napaupo ako sa sahig tapos napahawak ako sa bulaklak na binigay ko sakanya kanina.

Kinuha ko 'yung notebook ko sa bag tapos nagsulat ako.

September 26, 20**

Unang beses kong magbigay kay Zhack ng flowers pero itinapon niya lang sa harapan ko pero ito rin sa araw na 'to binigyan ako ng tissue ni Zhack. Ang saya ko at the same time nasasaktan din ako.

-ABCD

Yumuko ako at niyakap 'yung notebook ko. Pumitas ako nang tatlong petals tapos inipit ko sa notebook ko.

Kahit na masakit ang alaala na meron itong mga bulaklak nato at least naging ebidensya ito na nag-effort ako para sa pagmamahal ko para sakanya.

PUMUNTA ako sa parking lot. Malamya parin ako. Wala parin akong lakas para maging masaya ulit. Kanina nakasalubong ko si Myra pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko pa kayang magkipagusap sa ngayon.

"AAaaaaaaAAAaaaaaaBbbbbBbbb!" Napatakip ako sa tenga. Nilingon ko si Shyril na nakangiting aso. Hinampas ko siya nang malakas.

"Bunganga mo!! Sarap tapalan ng karton." Bulyaw ko sakanya tapos sumakay na ako sa kotse ko.

"Kasi, mmh. Bes? 'Yung kotse ko kasi naflat. Hihihi. Pasabay ah? Lam you." Sabi niya sabay sakay.

"Baba." Sabi ko.

"Lalalala~~" nagsuot pa nang earphone ang gaga. Hays. Sabi ko nga sasabay na siya.

I start the engine tapos gorabels na. Tahimik lang ako buong byahe si Shyril lang ang maingay. Kumakanta ng kpop songs. Nakakarinde dinudugo ako sa mga kinakanta niya.

"Aray." Binato ko siya ng bag.

"Baba na. Nandito na tayo." Nagmamadali naman siyang bumaba. Sumunod ako sakanya.

"AB! BAKIT BAHAY NIYO 'TO?" Gulat na gulat na sabi niya.

"Bakit? Dito ako nakatira. Dito ako lumaki. Malamang dito ang uwi ko. Commonsense Shy." Sabi ko sabay dare-daretso akong pumasok.

"Ab!?! Ihatid mo ko!!!!" Napadyak padyak pa siya. Tinawanan ko lang siya.

"Heh! May paa ka gamitin mo." Sabi ko tapos tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay.

"Sweetie, may bisita ka." Bungad sakin ni Mommy.

"Sino po? And by the way why are you here? Mom?" Sumenyas lang siya na sumunod kaya sumunod nalang ako.

Pagpunta namin sa living room nagulat ako kasi nakita ko si Jex. What?

"Sweetie, I'd like you to meet your future husband. Jex Erick Grayson."

"What?!!!!!!?"

To be continue..

Waiting For You Where stories live. Discover now