Chapter 4

2.5K 53 0
                                    

Chapter 4
Bouquet

"ATEEEEEE! AB. WAKE UPPP!!!" Napatayo ako bigla dahil sa sumigaw. Tss, si Ef lang pala.

"Kung makasigaw ka naman! Nahilo tuloy ako." Umupo muna ako sa kama. Tapos 'yung magaling ko namang kapatid nagtatatalon sa kama ko.

"Tigilan mo nga yan Ef!" Ang aga aga masyadong maharot.

"Ate, Lola is waiting for you downstairs. She said that you're going to be late so I hurriedly go to your room to wake you up. So don't blame me sleepyhead. Blame your useless alarm clock." Nakacross arms pa siya habang sinasabi 'yun.

"Tss, ikaw talaga. Sige, bumaba ka na." Binuhat ko pa siya pababa pero sinimangutan niya lang ako.

"Why?" Nagtataka kong tinignan. Ano nanamang reklamo ng bata na 'to. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"You're going to be late." Tinaasan niya pa ako ng kilay. Napakabossy talaga nito. Minsan nagtataka ako kung totoong five years old lang 'to e.

"Yeah, I know. Magaayos lang ako dito." Tinalikuran ko na siya tapos nagsimula na akong magtiklop.

"Hello, yaya. I'm here at Ate Ab's room. I'll give you 2 minutes to be here. And please bring dust pan and a broom." Napaharap ako sakanya. Binulsa niya 'yung cellphone niya tapos tinaasan niya ako ng kilay. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagtitiklop kaso bigla niya akong hinila.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako. Nagtitiklop ako e." Reklamo ko habang hinihila niya ako pababa.

"You're going to be late. It's already 5:00 am. And your first class starts around 6:30 am. You always spent one hour taking a bath. And if you're going to move like a turtle you will not going to receive your diploma on March. So if I we're you, I will going to have my breakfast right now." Napatulala ako sa sinabi niya. Seriously? 5 years old ba talaga 'tong kapatid ko. Para kasing mas matanda pa siya sakin kung magisip.

"Good morning Ab." Nakangiting bati sakin ni Lola. Lumapit ako sakanya tapos hahalikan ko sana siya kaso may epal na humarang sa pisnge ni Lola. Matalim kong tinitigan si Ef.

"Don't kiss Mamu if you're not yet brushing your teeth." Inirapan niya pa ako tapos kumain na siya.

"Edi sorry na." Nadabog akong umupo sa harapan niya. Inirapan ko siya tapos siya naman bumulong pa.

"Childish." Sabi niya pa. Tapos nilagyan niya ako ng hotdog sa plato ko. Dyusme, feeling ko ako talaga 'yung bunso. Kapikon 'tong bata na 'to ah?

"Tigilan niyo na nga yan. By the way, Ab. Do you want to cook for Zhack?" Napangiti naman ako agad sa sinabi ni Lola.

"Mamu, she's going to be late. Maybe some other time." Sabi ni Ef habang kumakain siya ng lettuce. Diba? Bata palang healthy living na ang peg!

"Baby, she can manage. Right Ab?" Napangiti ulit ako tapos mabilis akong napatango. Ang supportive talaga nila. Well, maybe kasi alam nila na anytime pwede na akong mawala. Hays.

"Ate. You. Listen. To. Me." Napalunok naman ako agad doon. I know five years old lang ang nasa unahan ko. Ang nagpapangaral sakin pero I know that he's just concern and I don't want to discriminate him.

Sa pamilya namin binibigyan namin ng karapatan ang mga bata. I mean kahit bata binibigyan namin ng karapatan na magbigay ng opinyon sa mga bagay bagay. Kaya rin siguro lumaking mature kung magisip si Ef.

"Okay na po kuya. Hindi na." Mahinahong sabi ko tapos kumain nadin ako. Nakita kong napangiti si Lola. Si Ef naman kumuha ng sliced apple tapos kinain.

Waiting For You Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang