Chapter 36

3.3K 53 2
                                    

Chapter 36
The truth


Tahimik lang kaming dalawa dito sa may terrace. Tanging simoy lamang ng hangin ang maririnig. Napatingin lang ako sa may langit. Madilim na at marami naring mga bituin. Nakakailang ang katahimikan na bumabalot saming dalawa. Kanina, pagkatulog ni Zach ay inaya niya akong makipag-usap. Agad din naman akong pumayag. Kung ano mang paguusapan namin sana naman malinawan na kaming dalawa.

"Ab, thank you." Napatingin naman ako sakanya. Nakatalikod parin siya sakin.

"P-Para saan?" Sabi 'ko. Umupo ako ng maayos. Narinig 'ko naman siyang huminga ng malalim.

"For giving me a chance to be a father to them. Kahit na, tito lang ang pakilala mo sakin sakanila." Napayuko naman ako at nilaro na lamang ang kamay 'ko. Nahihiya akong harapin siya dahil alam 'kong isang maling desisyon ang ginawa 'ko. Tama ba namang ipakilala 'ko siyang 'tito' 'e. Siya ang ama.

"I don't know how to start again. I don't know what should I do to get you back. I know your point Ab. I know that you're afraid of introducing them to me because you might get close to me again and you're afraid of the idea of falling in love with me again. And it hurts... I want to get close to you. But, how can I do that if you, yourself don't want to get close to me. I always wish to have a son or a daughter but I'm so lucky because you gave me two of that. And I'm so thankful for that. I want them to know about me. I want them to know that I am their father. Masakit na kasi Ab. It hurts, para bang pilit mo akong tinatago sakanila na in the first place, hindi naman dapat. I know I hurt you many times already pero sana naman, kahit mga anak nalang natin." Humarap siya sakin ng tuluyan ang nakita 'ko ang luha galing sa mga mata niya. Napaiwas ako ng tingin sakanya.

"Zhack, mahirap kasi. Hirap na hirap na akong umunawa. Simula pa dati ako nalang lagi ang umiintindi sayo. Ako ang nagparaya para sayo. Lahat ng bagay na gagawin 'ko iniisip 'ko kung anong mararamdaman mo. Kung anong magiging epekto nun sayo. Buong buhay 'ko pinoprotektahan kita sa mga bagay na maaaring ikasakit ng damdamin mo. Lahat ng 'yon ginagawa 'ko. Pero, sana naman Zhack, ako naman ang unawain mo. Ako naman 'yung intindihin mo. Nakakapagod din pala kasing umunawa. Alam 'kong sasabihan nila ako ng maarte at madrama pero 'yun ang nararamdaman 'ko. Nauubos din ako. Nasasagad din naman ako. Laging ikaw 'yung inaalala 'ko na nakalimutan 'ko nang alalahanin ang sarili 'ko. Naiintindihan mo ba? Hindi madali para sakin ang gusto mong mangyari." Hindi ako iiyak. Yan ang paulit-ulit 'kong sinasabi sa isip 'ko ngayon. Ayaw 'kong ipakita ulit sakanya na mahina nanaman ako. Gusto 'ko nang maging malakas para sa sarili 'ko at para sa mga anak 'ko.


"Ab, kahit mga anak nalang natin." Nagmamakaawang sabi niya. Napatingin ako sakanya. Naaawa ako sakanya pero mas naaawa ako sa sarili 'ko. Dahil, isang pagmamakaawa niya lang bumibigay na ako agad. Oo mahal 'ko padin siya pero hindi lang ganun kadali ang pagmamahal na 'yun. Alam 'kong masasaktan nanaman ako kaya habang maaga pa nilalayo 'ko na ang sarili 'ko.


"S-Sige, pagiisipan 'ko." Simpleng sabi 'ko sakanya. Ngumiti naman ng pilit sakin si Zhack. Lumapit siya sakin at hinaplos ang buhok 'ko.

"I respect you. You know that. Pero sana respetuhin mo rin ang desisyon 'ko. I want them to know about me. At respetuhin mo rin ang magiging desisyon 'ko na ito. I want you back. Hindi naman ikaw ang magmumukhang tanga diba? Ako naman. Kaya please lang." Mariin niyang sabi sakin at umalis na siya. Napahinga naman ako ng malalim.

-

Maaga akong nagising or should I say na hindi ako natulog. Nagluluto ako ngayon ng almusal nila. Dito natulog si Zhack. Sa may guest room siya natulog. Hinayaan 'ko nalang din. Pagkatapos 'kong magluto ay inayos 'ko na ang lamesa at nilipag ang mga niluto 'ko.


"Mommy!" Napangiti agad ako. Hindi 'ko pa man nakikita ang mukha ay alam 'kong si Taki 'yun. Siya lang naman kasi ang maingay sa bahay. Tumakbo siya papalapit sakin kaya agad 'ko siyang niyakap.

"Hello, baby." Niyakap niya din ako.


"Kain na baby." Tumango naman siya. Hindi pa siguro gising ang dalawang Z 'ko. Napangiti ako bigla. Para tuloy kaming isang buong pamilya.

"Morning, Ab." Nakangiting sabi sakin ni Zhack. Nginitian 'ko din naman siya.

"Morning." Simpleng sambit 'ko. Napangiti ako dahil buhat buhat niya si Zach na ngayon ay tulog parin sa bisig ng kanyang ama.

Umupo na si Zhack at pilit na ginigising ang anak namin. Umuungol lamang ito pero ayaw paring magising. Napatawa naman ako. Lumapit ako sakanila.


"Hey, baby. Wake na. Kakain na tayo oh." Kinusot ni Zach at mata niya at mabagal na humarap sakin. Agad naman siyang iniupo ni Zhack. Umupo narin ako sa may lamesa. Si Zhack ang naghain sa dalawa naming anak habang ako naman ay tahimik lang habang tinititigan sila. Maybe I should give this family a chance. Gusto 'ko nang isugal ang lahat para sa mga anak 'ko. Ibabalik 'ko 'yung dating Ab na walang pakielam kung anong mangyayari basta nagawa ang gusto.



"Tito, can we go to amusement park?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Taki. Si Zach naman ay tahimik lang na nakain.


"Sure, when you want to go?" Nakangiting sabi ni Zhack. Kumunot naman ang noo ni Taki na tila nag-iisip.


"Maybe, today!"


"Anong today? Baby, wag muna ngayon." Nahihiyang sabi 'ko. Bakit naman kasi agad siyang nagdedesisyon?


"No, it's okay, Ab." Sabi sakin ni Zhack. Humarap si Zhack kay Zach.


"You, buddy? You want to go with us?"

"Of course!" Nakangiting sabi din ni Zach. Napatitig naman ako kay Zach. Ngayon 'ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan kaganda.

"Oh, I guess, my babies are now excited." Nakangiting sabi ni Zhack.


"Your babies?" Nakakunot ang noo ni Zach habang tinatanong iyon. Nanlaki naman ang mata 'ko. Omg!

"Uhm, kasi a-ano.." Hindi 'ko alam ang ipapaliwanag 'ko. Alam 'kong kahit anong palusot ay hindi kami makakalusot ni Zhack. Matalino ang anak namin.



"Are you our daddy?" Seryosong tanong ni Zach. Habang si Taki naman ay tila hinihintay din ang sagot ni Zhack. Tumingin sakin si Zhack at dahil wala nang magagawa. Tumango ako sakanya bilang senyales na sabihin na niya.

"Y-Yes." Napatulala si Zach at si Taki.

Waiting For You Where stories live. Discover now