Chapter 25

3K 58 3
                                    

Chapter 25
Unexpected meeting.

“Hello Ef? Nasan na kayo? Tapos na ba? Gabi na.”

“Just relax, ate. Yup, we're already done.”

Ba't hindi pa kayo nauwi?”

“The CEO of Castro's Corporation is talking to Taki. They want her to be their model.” natigilan ako bigla dahil doon. Hindi pwede, no, hindi.

Nasan kayo?”

“Here at Castro's Corporation. Why?”

Hintayin niyo ako d'yan.”

“Wh-------” Tumayo na agad ako at lumabas na ng oposina ko. Castro's Corporation ay pagmamay-ari nila Daddy Gray. At hindi nila pwedeng makita si Taki. I'm not yet ready. Hindi 'ko pa kayang humarap sa kanila at hindi ko pa kayang ipakita sakanila ang anak 'ko.

Sumakay ako agad sa kotse 'ko at pinaharurot ito. Kailangan mas bilisan 'ko pa dahil mahirap na.

Pagkarating ko, agad akong pumasok sa loob. Nakayuko akong naglalakad dahil tinitignan ako ng mga tao. Hindi ko alam kung namumukhaan ba nila ako o sadyang nacucurious lang sila kapag may bagong mukha ang napasok sa company nila.

Pagkarating ko doon hindi ko alam kung saan ko hahanapin sila Taki. Unang una napakalaki nito. Pangalawa, hindi ko naman solo ang mga pasikot-sikot dito. Baka maligaw lang ako.

Sa sobrang pagmamadali ko may nabangga akong babae.

“Ay, sorry po. Pasensya na-----”

“Uso kasing tumingin sa dinaraan, dyusko, hindi nakakaganda ang pagiging bulag!” Natigilan ako sa nagsalita dahil kilalang-kilala ko kung kaninong boses galing ‘yun.

“Teka, kilala kita ‘e. Ikaw ba si Ab panget?” Tumingin ako sakanya. Halos maiyak ako. After 6 years nakita ko na si Ate Lira. Aaminin kong sobra ko siyang namiss. Lalo siyang gumanda ngayon. Hindi ko siguro siya makikilala kung hindi pa siya nagsalita. Ang puti puti na niya lalo at ang ganda ganda talaga niya. Napatingin ako sa umbok ng tyan niya. Ohmygash! Don't tell me she's pregnant?

“I know that I'm so gorgeous pero sana wag mo akong titigan kasi baka mabawasan ang beauty ko.” I smile at her.

“Sorry na po ate. Whaaa, namiss po kita!”

“Nako, tigilan mo ako. Maganda lang ang nakakamiss at hindi ka maganda kaya wala kang karapatan.” Hindi ko na napigilan at niyakap ko na siya. Natigilan siya pero niyakap niya narin ako.

“So, you're pregnant na ate?”

“Ay, hindi. Kasi malaki tyan ko. Hindi kasi ako buntis kasi kapag buntis flat ‘yung tyan.” Tinarayan niya pa ako kaya naman napanguso nalang ako. Kahit kelan talaga si Ate.

“Teka, ba't ka nga pala nandito? Buti nakapasok ka? No pets allowed pa naman.”

“Nandito ako kasi, hinahanap 'ko ‘yung ana-- este kapatid ko dito. Ikaw ate ba't ka nandito?” Wew, muntik na.

“Well, pupuntahan ko lang naman ang asawa 'ko dito. Hindi naman sa nagyayabang ako pero CEO kasi ang husband ko dito.”

“T-Talaga?”

“Yes, nagtataka ka siguro ‘no? Si Dylan ang asawa ko.” Omg! Naging husband niya ang kakambal ni Daddy!

“Mmmh, pwede sabay na tayo ate? Papunta rin kasi ako doon e.”

“Mmh, dahil maganda ako at mabait sige sabay na tayo.” Napailing nalang ako nang nakangiti.

Naglakad kaming dalawa. Ang daming chika ni Ate pero tango nalang ako ng tango kasi hindi naman ako masyadong makarelate pero isang pangalan ang nakapukaw ng pansin ko.

“Si Zari, sobrang cute talaga. Nanggigigil nga ako sa anak na ‘yun ni Zhack ‘e. Pero syempre mas magiging cute ang anak 'ko doon. Hindi lang cute maganda pa.” Parang tumigil ang pagikot ng mundo 'ko.

“A-Anak?”

“Oo, anak. Only girl kaya sobrang spoiled. Bakit? Hindi mo alam? Akala ko ba ultimate crush mo ‘yun? Dapat updated ka.” Napatango nalang ako. Hindi kasi alam ni Ate Lira ang namagitan samin ni Zhack. Kaya naman hindi nalang din ako nagsalita.

Siguro masaya na siya. Mas lalo akong naawa sa kambal ko. They deserve to have a complete family pero hindi ko ‘yun naibigay sakanila.

“Hello, there husband!” Natauhan ako ng magsalita si Ate Lira. Lumapit siya kay kuya Dylan at hinalikan ito sa labi. Napatingin naman ako kay Taki na, napatigil din sa pakikinig kay Dylan at napatingin sakin.

“Mommy!” Lumapit sakin si Taki at nagpabuhat. Binuhat ko naman siya agad. Napatingin sakin si Kuya Dylan at nanliit ang mata niya.

“Eh? Ab? May anak ka na?” gulat na gulat na sabi ni Ate Lira. Sinipat niya si Taki. Kaya naman niyakap ko si Taki. Hindi nila pwedeng malaman na anak ito ni Zhack.

“So, you're her mother? She's so cute and very smart.” nakangiting sabi ni kuya Dylan.

“T-Thank you.” Napatingin sakin si Ef na parang nagtatanong. Hindi ko nalang muna pinansin.

“May kamukha siya, nakalimutan ko lang kung sino.” Sabi ni Ate Lira.

“Mmmh, aalis na po kami. Gabi narin po.” paalam ko.

“Sure, bye, Taki.” Niyakap ni Kuya Dylan si Taki at hinalikan sa cheeks.

“Babye po tito! See you po next time.” Malambing na sabi ng anak 'ko. Ngumiti naman ng matamis si Kuya Dylan at umalis na kami.

-

Pagkauwi namin kanina pinalitan ko agad ng damit ang kambal at pinatulog na sila.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Dito silang dalawa natutulog, tabi tabi kaming tatlo dito. Umiiyak ako habang pinagmamasdan sila.

“Babies, I'm so sorry.” bulong ko habang hinahalikan ko ang kamay nilang dalawa. Ang sakit isipin na, wala silang kaalam alam na may kapatid pala sila.

“Ate.” Pinunasan ko agad ang luha ko at humarap ako kay Ef.

“Bakit?” lumapit siya sakin.

“I know, that jerk, Zhack is the father of Taki and Zach. Even you deny it, I know. It's freaking obvious. You name Zach same at his. The only difference is the spelling. And second, they really look like Zhack. I know, you're hurting right now and like I always say, I'm always here for you. I know lola will not be happy seeing you like that.” Tumango nalang ako at niyakap niya ako at doon na bumuhos ang lahat ng luha ko.

1 year nung lumayo ako kay Zhack namatay si Lola. Sobrang sakit para sakin nun dahil siya lang ang naging kakampi ko sa bahay. Tapos, iiwan pa ako. Tapos, nung nanganak ako kay Zach at Taki muntikan na akong mamatay. Dahil, maaaring hindi kayanin ng puso ko pero awa naman ng diyos naisilang ko silang dalawa ng maayos.

After kong manganak pinaoperahan ako at naging successful naman ang operation. After the operation, nabalitaan kong nabaliw na si Mommy. Nalulong siya sa pinagbabawal na gamot. That time, nawawalan na ako ng pagasa at gusto ko nalang magpakamatay pero naisip ko si Zach at Taki. They need me.

Kaya naman, sobrang sakit para sakin na malaman na may anak na si Zhack. Sobra ang paghihirap ko noon. Wala siya, ako lang magisa ang naghirap. At dahil sa nalaman ko mas lalong hindi ko ipapakita sakanya ang dalawa kong kambal. Hindi pwede!

Baka kunin niya ang mga ito mula sakin at baka kapag nangyare yun gumuho na ang mundo 'ko kasi sila nalang ang meron ako.


-

A/N : Thank you for reading. ✨ Unedited!


Waiting For You Where stories live. Discover now