Chapter 3

2.6K 53 1
                                    

Chapter 3
Sick

"Thank you." Nakangiting sabi sakin ni Zhack. Nandito na kami sa bahay nila. Sa totoo lang wala naman talaga kaming usapin ni Myra. At higit sa lahat wala naman talaga kaming assignment. Sana naman magets ni Myra agad.

"Okay lang papunta rin naman ako sainyo e." Simpleng sabi ko tapos tumango siya tapos naglakad na siya papasok. Naglakad narin ako papasok. Hindi ako umiimik siya din naman. Medyo awkward nga e.

Hindi pa kami nakakapasok ay naririnig na namin ang ingay sa hapag. Kumakain na sila nang makapasok kami.

Napatigil silang lahat sa pagkain ng makita kami. Nakayuko nalang ako.

"What's with the look?" Inosenteng pagtatanong ni Zhack. Napatingin na ako sakanilang lahat. Lahat sila nakangise na sakin. Namula ako bigla.

"Nothing, baby. Kumain na kayo." Sabi ni Mommy Miracle sabay kindat sakin. Ang supportive talaga nila sakin.

Umupo na kaming dalawa at magkatabi pa talaga kami. Nakakainis talaga sila. Haha. Lahat sila nakangiti sakin. Si Zarene lang ang hindi. Nako talaga 'yung bata na 'yun. Ayaw na ayaw talaga niya sakin. Pero okay lang bata pa naman siya e.

"So, kamusta naman ang school? Ikaw muna Myra." Pagtatanong ni Daddy Gray. Sumusubo nalang ako ng pagkain habang nakikinig.

"Okay naman Dad. Well, because it's first week of school wala masyadong assignments." Napatigil ako sa pagnguya. Napatingin ako kay Zhack na ngayon ay nagaalab na ang tingin sakin. Napakagat nalang ako ng labi. Patay.

"Good, how about you Zhacky?" Seryosong tumingin si Zhack Daddy niya.

"Dad, don't call me that." Ngumuso naman si Mommy Miracle dahil doon. Aww, ang cute.

"Why? Don't act as if you have a girlfriend with us. Wala kang dapat ikahiya. Depende nalang kung---"

"Dad, stop. Just call me Rick. Or Zhack. I just hate the name Zhacky. Tss." Napanguso ako para pigilan ang pagtawa ko.

"Okay." Nakangiseng sabi ni Daddy Gray.

"By the way, why are you here? Ab?" Tanong sakin ni Daddy.

"A-Ahh. I just want to.. Be with Myra po." Napapikit ako. Wala na.

"Really? Uh?" Sarcastic akong tinignan ni Zhack. Shet, patay tayo diyan.

"Why bes? Ano ba 'yun?" Inosenteng tanong sakin ni Myra.

"L-Later." Nanginginig na talaga ako. Naturn off siguro si Zhack sakin kasi iisipin niyang sinungaling ako. Hays.

"I'm done." Sabi ni Zhack sabay alis. Napabuntong hininga ako. Nakakaasar naman kasi e.

"Problema nun?" Sabi ni Myra.

"May dalaw yata. Hahaha." Sabi ni Mommy Miracle kaya napatawa kami.

"By the way, kamusta ka na? Ab. Okay ka na ba?" Napatigil ako sa pagnguya. Napangiti ako ng mapakla.

"Okay pa naman po. Sana magtuloy tuloy." Natahimik silang lahat. Ayaw ko nang awa. Ayaw ko nang kinakaawaan hindi ko 'yun kailangan.

"You'll be okay, hija." Sabi ni Daddy Gray sakin sabay hawak sa kamay ko. Kamukhang kamukha niya talaga si Zhack. Kapag tumanda din kaya si Zhack ganyan din siya?

"Thank you po." Sabi ko. Si Myra naman tinitignan ako habang nakangiti. I really love this family so much. How I wish na sana mapasama ako dito.

"Mmmh, Mommy. Pwede po bang umuwi na ako? Hinahanap na po kasi ako ni Lola e." Ayaw ko nang magtagal pa dito.

"Akala ko ba may sasabihin ka sakin bes?" Sabi ni Myra habang nakain.

"Ah, sa text ko nalang sasabihin. See you nalang bukas bes." Nagbeso kami tapos nagpaalam na ako sakanilang lahat.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ang laki naman kasi ng problema ko sa mundong ibabaw. Pinuntahan ko na 'yung kotse ko tapos pumasok na ako. Nilapag 'yung mga gamit ko tapos binuksan ko 'yung aircon. Pati 'yung wifi.

Binuksan ko 'yung cellphone ko. Nagbukas agad ako ng facebook. Hindi narin ako nakakapagbukas nitong mga nakaraang araw. Busy kasi e. Tapos ang laki pa ng problema sa bahay.

Hays, pinatay ko nalang 'yung wifi. Wala namang magandang makikita sa facebook e. I start the engine tapos pinatakbo ko na ang kotse.

*ring*

"Oh?"

"Uy, bes. Yung kanina. Paano mo napasabay si kuya sayo ah?" Napairap nalang ako.

"Syempre ginawan ko ng paraan."

"Anong paraan bes?" Napakachismosa talaga nito. Hindi naman ganto si Mommy Miracle ah?

"Hays, mahaba. Ayaw kong iexplain. Pagod ako bukas nalang." Sabi ko sabay baba sa tawag. Ano na kayang iniisip ni Zhack? Na napakasinungaling ko? Na wala akong kwentang babae ganun? Hays, nakakaiyak naman.

"Boba ka talaga Ab! Ang tanga tanga mo. Dapat talaga sayo mawala na dito sa mundong ibabaw." Paulit-ulit ko yang sinasabi sa sarili ko. Nang natatanaw ko na 'yung gate namin ay agad kong pinark 'yung kotse ko tapos lumabas na agad ako.

"Good evening ma'am." Nginitian ko nalang 'yung security guard dito. Pumasok na ako sa bahay. Nilapitan ako ni Lola.

"Hays, dyusko naman Roth. Nagalala ako sayo. Paano kung may mangyaring masama sayo ah? Tinatakot mo ako." Niyakap ko nalang si Lola.

"Okay lang po ako. Diba sabi ko sainyo? Iingatan ko ang sarili ko. Ayaw kong mauna kesa sa taning ng buhay ko Lola." Biglang umiyak si Lola. Naluha din ako pero pinunasan ko agad. I need to be brave. For myself for my Lola.

"Roth, dito ka nalang sa bahay. Wag ka nang magaral nakakasama sayo kapag napapagod ka." Ngumiti ako tapos hinarap ko siya.

"Lola, gusto ko pang makasama si Zhack. Siya nalang 'yung huling ko diba? Mahal ko siya. Gusto ko bago ako mawala naparamdam ko sakanya na mahalaga siya para sakin. Oo, masakit. Kasi hindi niya ako mahal. Pero, okay lang kasi sabi niyo nga po. Ang pagmamahal hindi nanghihingi ng kapalit. At ganun ako. Gusto ko lang iparamdam. Hindi ako nanghihingi ng kapalit. Lola, kahit ito lang." Lalong humagulgol si Lola. Ngumiti ako. Tapos lalo ko pa siyang niyakap.

Siya nalang ang meron ako. Si Lola nalang ang meron ako. Hindi ko siya bibiguin.

"Basta, alagaan mo ang sarili mo." Tumango nalang ako.

"Kumain ka na po? La." Tumango siya kaya naman napatango nalang ako.

"Ikaw?" Tumango nalang ako.

"Magpahinga ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas." Hinalikan ko muna sa lola bago ako umakyat sa kwarto ko. Nang makarating ako sa kwarto bigla nalang bumagsak 'yung luha na kanina ko pa pinipigilan.

Umupo ako sa kama tapos hinawakan 'yung ulo ko. Bakit ba kasi sa lahat ng mabibigyan ng gantong sakit ako pa ang napili. Mabait naman ako ah? Ginagawa ko naman lahat para mabuhay ah?

Kinuha ko 'yung phone ko tapos tinignan ko nalang 'yung picture ni Zhack. Ito 'yung picture niya na kinunan ko nung panahon na nakanguso siya tapos nakatulala. Ang cute cute niya dito. 'Yung lips niya pulang pula rito. Napangiti ako habang umiiyak. Siya nalang 'yung dahilan ko para mabuhay. Siya nalang 'yung lakas ko para bumangon sa araw araw.

"Mahal kita Zhack. I always be. Even if I die, it's always going to be you. I love you Zhack. Till my last breathe." Pabulong na sabi ko habang nakatingin sa picture niya.

Waiting For You Where stories live. Discover now