Chapter 20

2.9K 43 0
                                    

Chapter 20
Let go

“Ano kayang magiging itsura ng mga anak natin?” pagtatanong ko kay Zhack. Wala lang sinusulit ko lang ‘tong time na ‘to. Baka kasi, umepal nanaman si Charina bigla tapos matukso nanaman si Zhack.

“What? Where did you get that idea?” natatawang tanong sakin ni Zhack. Nakaupo kami ngayon dito sa park. Himala nga at konti lang ang taong nandito ngayon.

“Bakit? Hindi ba pwedeng pagplanuhan ang mangyayari sa hinaharap?” Sabi ko sakanya. Kanina nung pumasok kami sa kotse niya, nagyakapan lang kami doon tapos nagaya siyang pumunta sa park.

“Don't rush things. The important is what we have now. Okay?” Napaismid naman ako agad. Ano Ab? Sabi ko sayo wag ka nang magtry ‘e.

“Tsk, nagiimagine lang hindi pa pagbigyan.” Mahinang sabi ko. Hinapit niya ako sa bewang tapos pinatong niya ang baba niya sa may balikat ko.

“I don't want you to have false hopes. I'm still not sure about my feelings towards you.” ouch.

“Mahal mo pa ba si Charina?” Daretsong tanong ko sakanya. Pinisil niya ng konti ang bewang ko.

“Stop.” mariing sabi ni Zhack.

“Just answer me!” napataas na ang tono ng boses ko. Alam kong masasaktan nanaman ako sa sagot niya pero gusto kong marinig mismo sakanya.


“Just stop asking.” Lumayo siya sakin. Tapos, pumikit siya ng mariin.


“I want to hear it.” Mahinahong sabi ko.


“Ab,”

“I can handle the pain. I just want to hear it... From you. Para naman malaman ko kung nasan na ako. Kung saan na ako lulugar.”


“I'm not sure.” Simpleng sagot niya. Agad naman akong nabuhayan doon. At least hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya.


“Thank you.” simpleng sabi ko sakanya. Hinalikan niya ako sa noo tapos niyakap ako ng mahigpit.


“Ab, promise me one thing.” Napahiwalay naman ako sa pagkakayakap niya sakin.

“Ano?” Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.


“Promise me, you will let me explain myself on everything. Don't easily conclude. Okay? You need to let me explain.” Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mata niya.


“Pangako, pero Zhack ano ba talagang nangyayari? Ba't ganyan ang mga sinasabi mo? Naguguluhan na ako.” Ngumiti siya sakin.


“Just promise me, okay?” Niyakap niya ako. Kahit naguguluhan ay niyakap ko nalang siya pabalik.

Hindi ko nalang siya sinagot. Hays, ano ba talagang nangyayari?


-


“Wakeeeeeeeeee uppppppppp! Ate Ab!” Napatayo naman ako agad. Ahhhhhhh! Ang ingay!



“Hey, ate wake up! Lola is here! She's back.” Napatakbo naman agad ako pababa dahil sa sinabi ni Ef. Matagal naming hindi nakita si Lola dahil nagbakasyon ito sa Canada kasama sila Tito.



Pagkababa ko nakita ko agad siya kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit.



“Ab, namiss ka ng lola.” Malambing na sabi nito sakin.



“Namiss ko rin kayo, La.”



“Grandma!” Napahiwalay naman agad ako ng yakap kay lola nang umepal nanaman si Ef.



Waiting For You Where stories live. Discover now