Chapter 28

2.9K 38 2
                                    

Chapter 28
Home

“We're here na, Ab. Wake up.” Napadilat ako nang tapikin ako ni Shyril sa balikat.

“Ayusin mo na yang mukha mo. Magmake up ka muna. Baka kapag nakita ka ni Zach magduda ‘yun. Parang hindi mo naman kilala ‘yung napakatalino mong anak na ‘yun, lahat nalang napapansin.” Napangiti naman ako doon at inayos na ang sarili. Tama siya, dahil kapag nakita akong mukhang ewan ni Zach malamang ay malalaman niya nanaman ang nangyare.

Kagabi, nakatulog nalang ako sa kakaiyak. At kinabukasan nun umalis na agad kami sa Canada at umuwi na agad dito sa bansa.

“Halika na, baba na tayo. I know how much you missed them.” Tumango nalang ako agad at lumabas na ng kotse. Sumunod naman agad sakin si Shyril. Pumasok na ako sa loob. Tapos, binuksan ko ang ilaw. For sure, tulog pa ang mga anak ko. Umakyat agad ako sa kwarto ko dahil alam kong doon sila natutulog lagi.

I open the door slowly and there I saw my twins. Nakayakap sila sa isa't-isa. Agad ko silang nilapitan at hinalikan sa pisnge. Unti-unti ko nanamang naramdaman ang pagiinit ng gilid ng mata ko. Sila nalang ang meron ako. I don't want to lose them.

I know na kapag nalaman ni Zhack ang tungkol dito ay kukunin niya ang kambal. Alam kong ayaw ni Daddy Gray ang tumatakbo sa responsibilidad. And in our case, alam kong kukunin nila ang anak ko and I won't let them.

Nilapitan ako ni Shyril.

“Siguro ganyan nadin ako kapag lumabas na 'tong si baby sa tyan ko. I'm so excited!”

“Sobrang saya sa feeling ang matawag kang mommy. Syempre mahirap pero kapag tinignan mo sila mawawala ‘yung lahat ng paghihirap mo kasi marerealize mo na, naghihirap ka to give them the life they deserve.”

“Hays, naexcite tuloy ako. Ba't pa kasi kailangan 9 months pa ang hihintayin? Pwede naman 1 week preparation nalang sa tyan hahahaha.” Natawa din ako sa sinabi niya. Ano siya sira? Kahit kelan talaga.

“Adik mo!”

“Umalis ka na nga, baka magising pa ang kambal sa ingay mo.” Pagtataboy ko sakanya.

“Wow! Thank you ah? Sa paghatid at sa pagcomfort. Thank you talaga.”

“Edi thank you, mahal mo naman ako kaya okay lang yan.”

“I hate you, inaabuso mo ang pagmamahal ko sayo. Heh! Nakakainis.”

“Babusssssh.” Padabog siyang umalis. Natawa nalang ako sakanya. Kung hindi lang talaga siya buntis iisipin kong baliw siya. Napailing-iling nalang ako.

Nilapitan ko si Taki. Hinaplos ko ang mukha ng napaganda 'kong anak. Taki is the girl version of Zhack. At nasasaktan ako dahil hindi manlang siya nakilala ni Zhack. I know how much Zhack wants to have a daughter bonus nalang daw kung magkaanak siya ng lalaki. Nangilid nanaman ang luha 'ko.

I feel guilty. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to. Zhack is happy now. Nagkaanak na sila ni Charina at sobrang sakit na malamang masaya na siya samantalang miserable parin ako.

“Mmmmmmh, m-mommy?” Napatigil ako sa pagiisip ng makitang nagising 'ko si Taki.

“Hello, baby.” I smile at her. Agad niya akong niyakap at hinalikan niya ako sa lips.

“Mom, I thought you will be gone for a week?” Kinagat niya ang lips niya at kinusot ang mata niya. Napangiti ako, why she have to be so cute?

“Ow, I can't stay away from the both of you, baby. Namiss agad kayo ni mommy. And because of that, I'm planning to go to mall with both of you.”

Waiting For You Where stories live. Discover now