Chapter 16

2.4K 34 0
                                    

Chapter 16
Finally

I slowly open my eyes. Ang bumungad sakin ay ang puting kisame. Tinignan ko ang buong paligid ko. It took me 20 seconds to realized what just happened. Umupo agad ako, pero napatigil ako dahil nahihilo parin ako. Pinikit ko ang mata ko tapos dumilat ulit ako. Napatigil naman ako sa paggalaw dahil may nakayuko sa may gilid ng aking kama.

Nanigas ako bigla nang gumalaw ito. So, it's Zhack. Bakit naman kaya siya nandito? Naawa sakin?

“Ab, what are you feeling?” mabilis itong lumapit sakin. He touch my forehead. And when he's already satisfied na wala na akong sakit, Huminga siya ng malalim tapos inipit niya ang ilang butil ng aking buhok na humaharang sa mukha ko sa likod ng aking tenga.

“Thank god, you're already okay. I'm so worried about you. Why you didn't tell me that you we're sick? Dapat sinabi mo.” Maamo niyang sabi sakin. Naninibago ako sakanya. Hindi naman ganto si Zhack ah? Ano nakain nito? Baka naman nakonsensiya dahil wala siyang kwentang boyfriend!

“K-Kasi, I want to be with you.” Simpleng sagot ko. It's true, siya lang naman talaga ang iniisip ko para itago ‘tong sakit ko nung umaga. Ayaw ko siyang iwan sa higad niyang ex ‘noh!

“Why are you always like that? You care for me that much uh?” And then, he chuckles. I don't know why I find his chuckles sexy. Dang it. Napatulala nanaman tuloy ako sa kagwapuhan niya.

“Lagi naman. Ako na nga nanligaw sayo ‘e. By the way, nasan pala sila mommy?”

“Nasa rest house.”

“What do you want to eat? I know you're already hungry.” I bite my lower lip tapos dahan-dahan akong tumango.

“Gusto ko ng pasta.” He nod tapos lumabas na siya para bumili ng pagkain.

Napapaisip parin ako. Hindi naman sa nagpapabebe ako at hindi pa ako masaya na ganun na ang trato sakin ni Zhack. Ang akin lang. Parang ang bilis naman. Parang kanina lang kung sigaw sigawan niya ako parang hindi niya ako girlfriend. Tapos ngayon, parang caring boyfriend na siya. Ano ‘to lokohan?

Nagkibit-balikat nalang ako. Siguro, blessing in disguise na talaga ‘to sakin. Dahil nalalapit na ang meet up namin ni Lord, pero wag naman sana muna. Gusto ko munang makasama si Zhack nang matagal.

I suddenly wonder. Kapag ba namatay ako iiyak siya? O baka naman tatawa pa ‘yun?

“Ab?” napatingin ako sa pumasok. Si Myra pala. Hanggang ngayon, nasaktan parin ako sa mga sinabi niya kanina. She's my best friend for crying out loud! Kaya hindi ko talaga akalain na kaya niyang magalit sakin dahil lang sa ginanon ko si Charina. Inaano ko ba? Tsk, akala mo naman binugbog ko.

Humiga ako tapos nagtaklob ng kumot. Ayaw ko siyang kausap! Ayaw ko talaga. Hindi ako magaling sa pakikipagplastikan kagaya niya.

Naramdaman kong pumunta siya sa may gilid ko. I understand na naging rude din naman talaga ako pero, ang hindi ko maintidihan ay ‘yung kailangan niya pa akong sigawan kanina.

“A-Ab, I-I'm sorry. Nabigla lang talaga ako. Syempre, ayaw ko din namang maging rude kayo ni Charina sa isa't-isa. I hope, you understand.” Umiiyak na siya ngayon. Masama na kung masama pero hindi ako naaawa sakanya ngayon.

Nasaktan ako dahil pakiramdam ko, nagiisa lang ako dito sa nararamdaman ko. I know, hindi talaga boto si Myra sakin para sa kuya niya. For her, I'm not matured enough for Zhack. Noon pa man, tuwang-tuwa na siya nung maging si Zhack at si Charina. Pero, nung naghiwalay ito. Nagagalit si Myra sa mga babaeng napapansin ng kuya niya.



At naiintindihan ko kung bakit hindi niya matanggap na girlfriend na ako ng kuya niya. Well, wala na siyang magagawa pa. Mahal ko talaga si Zhack ‘e. I'm not saying that I'm choosing Zhack over Myra. Ang sakin lang ay mahal ko talaga si Zhack.



“A-Ab, I'm sorry.” Naramdaman kong hinawakan niya ang ulo ko. She kissed it tapos lumabas na siya. Pagkalabas niya, umayos na ako ng upo. Bahagya kong pinunasan ang gilid ng mata ko. I can't deny the fact, that, Myra's opinion is still matter to me. Na kahit magkaaway kami ngayon, mahalaga parin ang opinyon niya. Nakakalungkot lang na hindi niya ako gusto para kay Zhack.



“Ab, here's your pasta.” Pinunasan ko agad ang mga luha ko hanggang sa matuyo ito. Humarap ako kay Zhack na parang walang nangyari. Nilapag niya na ang pasta sa may lap ko. Susubo na sana ako kaso, pinigilan niya ako tapos siya na ang nagsubo sakin.



Nung una nagulat pa ako but, he looks so serious while doing it kaya naman hinayaan ko nalang. Then, unti-unting nagiging maya't-maya na ang pagsubo niya sakin kaya muntikan na akong maduwal.



“Sorry, here's the water.” Ininom ko agad ‘yun. Tapos Huminga ako nang malalim bago ko siya sigawan.



“Papatayin mo ba 'ko? Sakalin mo nalang ako. Hindi ‘yung papatayin mo ako sa pagkaduwal. Letche ‘to.” Inaasahan ko na, na sisigawan niya ako pero walang dumating na sigaw. Napadilat lang ako nung narinig ko ang tawa niya.



“I'm so sorry. I'm not really good at taking care of someone. This is my first time to care. So, I'm sorry. Haha.” Hindi ko alam kung iiyak ako o ano ‘e. Sobrang saya ko kasi, finally he's being kind to me.



“Zhack, why?” Naiiyak na sabi ko. Huminga siya nang malalim tapos nilapitan niya ako at marahang hinaplos ang aking kaliwang pisnge. Tapos he sweetly smile at me.



“Because, I realize that, it's time for me to move on. It's time for me to chase the one that is worth it. I'm tired of chasing the wrong person. Maybe, it's time to chase the one who do everything to get my attention. And that is you, Ab. Thank you. Thank you for not giving up on me. Thank you because despite of the words I've said to you, you still here. You never leave me. I want to give it a try, now Ab. Would you let me?” Napahagulgol ako. I love Zhack for a long time. And then, finally, napansin niya narin ako.



“Let's start from the very beginning. I will court you. Now, would you let me court you Ab c-d Roth Montenegro?”



“Yes na yes na yes! Ngayon pa ba ako aarte? Syempre yes.” Natawa siya dahil doon kaya naman niyakap niya ako at hinalikan sa noo.



“I love you, Zhack.” Hindi siya sumagot pero hinalikan niya ako sa cheeks.



“Sleep now, Ab. I know, kakagising mo palang but, you badly need to rest. Now, sleep.” Tumango ako pero napatigil ako sa paghiga. Paano kung sa paggising ko wala na siya? Bumalik na siya sa dati? Ayaw ko. Napansin niya ‘yata ang takot sa mga mata ko. Kaya nilapitan nanaman niya ako. He lower his face para mapantay sa mukha ko. Ang tangkad niya kasi kaya yumuko pa siya para pumantay sa aking mukha.


“Don't worry, sayo parin ako pagkagising mo.” Then he chuckles. Tapos he pinched my nose.




Damn, I really love this man.




Waiting For You Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora