Chapter 31

3K 51 0
                                    

Chapter 31
The truth

Nakatulala parin ako hanggang ngayon sa kotse 'ko. I can't drive kaya naman tinawagan 'ko nalang ‘yung driver namin para sunduin kami. Katabi 'ko ngayon si Zach kanina pa niya ako tinitignan. Nahihiya ako sa mga anak 'ko. Hindi 'ko manlang kayang ipagtanggol ang sarili 'ko.

I want to be alone. Yes, I know napakawalang kwenta 'ko naman siguro kung iiwan ko muna ang mga anak 'ko diba? Pero, hindi 'ko na yata kakayanin. Palapit na nang palapit ang katotohanan at nakakatakot. Ayaw 'kong pati mga anak 'ko masaktan. Tama na ‘yung ako nalang pero wag sila.

“Mom, we're here na po.” Pinilit 'kong ngitian si Taki. Tapos, inalalayan ko na muna silang bumaba bago ako bumaba. Nauna na sila papasok ng bahay pagkapasok 'ko nakaabang sila sakin.

“B-Babies, sorry.” pagkasabi 'ko nun niyakap nila akong dalawa. Napahagulgol na talaga ako. Kanina pa ako nagpipigil na umiyak kaya ilalabas 'ko na lahat ngayon.

“I'm so sorry.” paulit-ulit 'ko yang sinasabi habang yakap yakap nila ako.

“Shh, mom.” Pinapatahan na ako ni Zach pero tuloy tuloy parin ako. Dadating talaga ang isang tao sa punto na pakiramdam niya wala na siyang kakampi.


Nang mahismasan na ako ay sinamahan ako ng mga anak 'kong umakyat papunta sa kwarto 'ko. After that, iniwan nila akong dalawa. Pagkalabas nila umiyak nanaman ako.

“Bakit ba kasi ganyan ka? Nasasaktan ka kasi masaya na siya samantalang ikaw hindi parin? Stop it, Ab. Tapos ka na sa pagkakatanga diba? Tigilan mo na.” Kinakausap ko na ang sarili 'ko pero wala paring epekto.

-

Nagising ako sa tunog ng cellphone. Kinuha 'ko agad iyon at sinagot ang tawag ni Shyril.

“Hello, Ab? Can we meet?” Napabangon naman ako.

“Ah? Bakit?”

“Someone wants to meet you.”

“Sino?” Sino naman kaya? Nung nakaraan ganyan din ‘yung sinabi niya sakin pero pagkadating 'ko pinakilala niya lang ako sa isang lalaki. Kaya naman simula nun hindi na ako basta basta umaalis kapag si Shyril ang nag-aya.

“Basta, wear something formal. I'll give you the place. Exact, 6:00 pm nandoon ka na dapat okay? Para din ito sayo. I hope malinawan ka na.” Napakunot ang noo 'ko. Magsasalita pa sana ako kaso pinatay na niya agad. Napailing nalang ako.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. 5:00 pm na. Magaayos na ako. Isasama 'ko nalang ang kambal para kung sino mang lalaki ang ipakilala ni Shyril maturn off sakin kasi may anak na ako.

Pumunta ako sa kwarto ng kambal. Nasa labas palang ako ng pinto naririnig 'ko na ang usapan nila. Sumandal ako sa may pintuan at pinakinggan ang pinaguusapan nila.

“Kuya, where did you get those flowers?” What flowers??

“I asked yaya to buy flowers for mom. And I'm planning to bake some cupcakes for mom.” Napangiti naman ako dahil sa narinig 'ko.

“I want to help! But, I don't know how bake po.”

“No, Taki baby. You will be incharge in putting a design on top of the cupcakes don't worry.”

“Yehey!” natawa naman ako don. Pagkatapos ng usapan nila ay kumatok na ako.

“Zach, Taki. Mommy's here.” agad naman nila akong pinagbuksan ng pinto. Niyakap nila ako agad pagkakita nila sakin.

“Magbihis kayo, may pupuntahan tayo.”

“Saan po, mom?”

“In a restaurant. Naghihintay doon ang ninang Shyril niyo.”

“Sige po.” Tapos nagbihis na sila agad. Pumunta muna ako sa may kwarto 'ko para makapagayos narin. Pagkatapos 'kong maligo ay nagayos na agad ako. Pagkalabas 'ko ay nasa may living room na silang dalawa.

“Ya, ikaw munang bahala dito. Babalik din din kami mamaya.”

“Sige po, ma'am.” tumungo nalang kami palabas. Shy, already texted me the place kung saan magkikita. Pagkapasok namin sa may kotse pinaandar agad ito ng driver. Tinatamad kasi akong magdrive kaya naman magpapahatid at magpapasundo nalang kami sa driver namin.

“Mom, are you okay na po ba?” Nagawi ang tingin 'ko kay Taki. Hinaplos 'ko ang mukha niya.

“Of course! I'm okay baby.” masiglang sabi 'ko sakanya. Biglang nagpout si Taki.

“But, you cry po kanina. I was so worried about you po.” Niyakap 'ko siya. My little angel is growing up now.

“I'm okay, baby don't worry about me.” Hinalikan 'ko siya sa noo. After that, she pointed Zach na kasalukuyang nagcecellphone.

“Mom, I think kuya have a girlfriend already. He's always busy with his phone that he forget about me. Mom, I'm jealous.” Ngumuso naman si Taki. Natawa naman ako bigla.

“Zach, did you hear your twin? She's jealous, do something about it.” Simpleng sabi 'ko sakanya. Kumunot ang noo ni Zach at binaba ang cellphone niya tapos lumapit kay Taki.

“Hey, baby, I don't have a girlfriend. Don't conclude easily. You're judging me baby. I only have two girls in my life. You and mom, so don't think anything like that.” Pagkatapos magsalita ni Zach hinalikan niya si Taki sa cheeks at ako naman sa lips.

“Ma'am nandito na po tayo.”

“Ah, sige.” Bumaba na agad silang dalawa. Sumunod naman ako agad sakanila. I hold their hand nung papasok na kami sa restaurant. Nasan na ba si Shyril?

Pumasok na kami at umupo sa may unahang table. Bakit wala parin si Shyril?

I was about to call Shyril pero biglang nakita 'ko siya na nakaway pa saakin. Umayos ako ng upo at pinaupo 'ko muna siya.

“Kanina pa kayo? Hi babies!” Hinalikan niya muna ang mga anak 'ko bago umupo.

“Hindi naman, kakarating palang naman namin.”

“Ay, buti naman. Akala 'ko kasi late na me ‘e.” Sabi niya habang hawak niya ang cellphone niya.

“Sino ba ‘yung i-memeet 'ko dito?”

“Parating na daw siya. Hintayin nalang natin.” Tumango nalang ako sakanya. Kinausap 'ko muna sila Zach para hindi ako mabored dito. Nakakainis naman kasi, siya ‘yung gusto akong makita pero siya pa ‘yung late kung sino man siya.

“Oh, nandyan na pala siya ‘e.”

“Hi, Ab.” Sumalubong ang mukha sakin ni Myra. No way, hindi pwede 'to.

“Shy, uuwi nalang muna kami.” sabi ko kay Shyril pero umiling siya.

“No, para sayo din ito Ab. Please magusap kayo.” Umiiling parin ako. Mas lalo akong kinabahan nung napatingin si Myra sa mga anak 'ko. Tinakpan niya ang bibig niya habang nanlalaki ang matang tinignan sila Zach.

“Ab, don't tell me.” Napaiwas ako ng tingin. Hindi, hindi pa ako handa.

“Mom, who is she?” Pagtatanong sakin ni Zach. Lumapit si Myra sakanilang dalawa at umiiyak na niyakap ang dalawa. Napaluha narin ako dahil sa nakita 'ko. I know napakaunfair kasi ngayon niya lang nalaman na may pamangkin pala siya bukod sa anak ni Zhack at Charina.


“Ab,” Tumingin sakin si Shyril. Tumango lang ako. Maybe this is the right time para malaman na ni Myra ang lahat. Sakanya muna kasi parang hindi 'ko pa kakayanin kapag nalaman na ito ni Zhack. Ayaw 'kong ilayo niya ang mga anak 'ko saakin. Hindi ko kakayanin.


-

A/N : Unedited!✨ Thanks for reading.

Waiting For You Where stories live. Discover now