Chapter 23

2.8K 47 0
                                    

Chapter 23
Last

“Hey, are you okay?” Nakangiting sabi sakin ni Zhack. Tumango nalang ako, at naramdaman 'kong hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.


Kanina pa ako tulala simula nung dalhin niya ako sa park. Maraming tao sa paligid puro bulaklak. Kahit saan ako tumingin ay puro pula lang ang nakikita ko. Nakakapagtaka naman.


“Come on, doon tayo, I have something to give you.” Nagpahila nalang ako sakanya. Umupo kami sa tabi ng puno. Kumuha siya ng panyo at tiniklop ito.


“Anong gagawin mo?”


“I will put this on you, okay? Don't worry, I'll be back okay?” Hinalikan niya muna ako sa noo bago niya nilagay ang tiniklop niyang panyo sa may mata 'ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay 'ko bago 'ko maramdamang tumayo siya.


Hindi 'ko alam kung bakit natakot ako. Natakot ako na baka hindi na siya bumalik. Na baka takasan na niya ako.



“Remove the blindfold, baby.” Pagkasabi niya nun ay tinanggal ko ng dahan dahan ang panyo. Pagkatingin 'ko ay nakatayo siya sa harapan ko na may hawak hawak na bouquet of white roses. Napatakip ako sa bibig 'ko nang makita 'ko siya. Sa kanan na kamay niya ay may buhat siyang malaking teddy bear at sa kaliwa naman ay bouquet. Lumapit siya sakin.


Iniabot niya sakin ang bouquet, tapos niyakap niya nang mahigpit ang teddy bear.


“Hello teddy, our baby, I want you to take care of your mom while I'm not around okay? Hug her when she's sad. Don't let her cry okay? Wag mo 'kong gayahin. I hurt her, please baby heal your mom, for me. Always remind her that I love her okay?” Sinabi niya ‘yun na parang kinakausap ang teddy bear. After nun, ngumiti siya sakin tapos niyakap ako agad.

“Happy Valentines Day, baby.” Niyakap 'ko din siya ng mahigpit. Sa sobrang kadramahan 'ko hindi 'ko na namalayan na Valentines Day pala ngayon.


“Thank you, sobra. Mahal na mahal kita Zhack. Sana maging masaya ka sakanya. I hope na, hindi ka niya ulit lokohin. Mahal kita sobra. M-Mamimiss k-kita.” Hindi 'ko na napigilan. Napahagulgol nanaman ako sakanya. Hinagod niya ang likod 'ko. I know, after this babalik nanaman sa dati. Kaya susulitin 'ko na.


Humiwalay siya ng konti sakin at ipinatong niya ang kanyang noo sa noo 'ko. Ngumiti siya sakin at unti-unting lumapit.



Pumikit na ako at inintay na dumapi ang labi niya sakin. Hinalikan niya ako ng mabagal. I kiss him back. Para akong lumilipad sa alapaap. Nakakapit lang siya sa bewang 'ko at ako naman nakayakap sa leeg niya.



Halos maubusan kami ng hininga pagkatapos. Tumawa lang siya ng mahina at hinawakan ang pisnge 'ko.


“You're beautiful.” Simpleng sabi niya lang at humiwalay na siya sakin. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan 'ko at may singsing siyang hawak.


“Z-Zhack...”



“Please, accept this. This is a promise ring. Kapag nagkita tayo ulit gusto 'kong makita kitang suot-suot 'to. I will wait for you.”


“Z-Zhack, you're already engaged. Wala kang dapat hintayin at wala akong dapat hintayin. Mahal kita pero sana ngayong huli na 'to wag mo naman na akong paasahin.” Pumikit siya ng mariin.

“I don't care. I will wait for you. And you will wait for me.”


“Please, ayaw ko nang umasa.”


“Just wear this ring okay?” Malungkot na sabi niya. Isinuot niya iyon sakin at tumayo na siya.

Lumapit siya sakin at hinalikan ako nang matagal sa noo.


“Halika na.” Pumunta na kami sa loob ng kotse niya. Pinatakbo na niya agad.


“Sa'n tayo pupunta?” Ngumiti lang siya.


“Basta,” Makahulugang sabi niya sakin. Hindi nalang ako nagsalita. Inamoy 'ko nalang ang flowers na binigay niya sakin. Namula agad ang pisnge 'ko kasi nakita ako ni Zhack na nakangiti habang inaamoy ko ‘yung bouquet.


Iniwas 'ko agad ang tingin 'ko sakanya. Nakakahiya, ba't kasi halatang halata na kilig na kilig ako?



“Don't be shy baby haha.” Lalo naman akong namula nang tawagin niya akong ‘baby’



-


Nagtataka parin ako kung bakit nandito kami sa condo ni Zhack. Ang alam 'ko hindi niya pa ito tinitirhan dahil ang sabi ni mommy Miracle, kapag 21 years old na daw si Zhack. So, it means next year pa siya pwedeng tumira dito. Pero, bakit dito niya ako dinala?



“Come in.” Aba, at may pagbukas pa siya ng pintuan na nalalaman. Syempre, nasa isa kayong play, Ab. Kung saan kunwari mahal ka niya. Wag assuming.

Malaki ang loob ng condo niya. May mga painting may mga table and sofa nadin. Kumpleto na talaga. Si Zhack nalang talaga ang kulang. Napakalaki nito para sa isang tao.


“Are you tired? You can go to my room to take some rest.” Tumango nalang ako at nagtungo sa kwarto niya. Wow! Kung ikukumpara ito sa kwarto 'ko parang kubeta lang ‘yung kwarto ko sa kwarto niya. Edi siya ang mayaman! Well, siya naman talaga ang mayaman.


Humiga na ako at tumulala nalang. Nakakapagod ang mga nangyari ngayong araw. Pero, ito naman ang pinakamasayang araw ng buhay 'ko.


Bumukas ang pinto at pumasok si Zhack. Lumapit ito sakin at bigla akong hinalikan. Nagulat ako doon pero nakarecover ako agad.


Hinalikan ko din naman siya pabalik pero bigla siyang tumigil.


“No, no, no..” hinihingal niya sabi sakin.


“P-Please....” Miski ako ay nabigla sa sinabi ko pero bago siya makaangal ako na mismo ang humalik sakanya.


And with that, we become one.


-

A/N : Unedited! Happy Valentines Day everyone. ✨ I hope you guys have a great day! Kahit wala tayong lovelife hahaha, we have family naman. Thank you for reading.

Waiting For You Donde viven las historias. Descúbrelo ahora