Chapter 12

2.1K 40 0
                                    

Chapter 12
Official

Pasipol sipol ako habang naglalakad. Hindi parin makamove on ‘yung mga tao dito sa campus dahil sa announcement ko. Tsk, if I know inggit lang sila sakin.

Naisipan kong wag nalang din pumasok sa second subject namin. Bukod sa nakakaboring magaral nakakabagot kasi Math ang subject.

Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito pero I just ignore them.

“Yan ba talaga ‘yung girlfriend ni Zhack?”

Tch, Ilusyunada lang ‘yan. Kay Charina parin ako boto. Ang ganda kaya nun. Bagay sila ni Zhack.”

“Girlfriend daw eh, hindi ko pa nga sila nakikita magkasama ni Zhack.”

Hinalikan lang nagmayabang na. Hindi naman bago kay Zhack na manghalik.”

Tss, bwiset din ‘tong mga ‘to ‘e. So, masaya na sila? Atsaka pakielam ba nila? Sila ba ‘yung maghahabol? Hindi naman diba?

Binilisan ko nalang ‘yung paglalakad ko. Mga chismosa!

“Ate Abcdefg!” napalingon agad ako. Teka parang si Zarene ‘yun ah?

“Hey, Ate Ab. I know I'm handsome but can you plesh stop stewing at me?!” nanlaki ang mata ko. Hala? Bakit nandito ‘to? Nakaayos pa ito. Nakabrush up ‘yung buhok niya. Pogi sana ‘to ‘e. Bulol lang hahaha. Pero ang cute niya magsalita.

“Sino kasama mo?” tanong ko sakanya.

“Mom and dad.” simpleng sagot niya tapos inayos niya ‘yung polo na suot niya. Natanaw ko na papunta dito si Mommy Miracle and Daddy Gray. Inipit ko ang buhok ko sa aking tenga.

“Oh, Ab.” tawag sakin ni Mommy Miracle. Nakafloral dress ito na may plain black top. Sobrang ganda ni Mommy Miracle. Para siyang babaeng bulak na naglalakad. Kapag pinagtabi kami mas aakalain pang ako ang may anak kesa sakanya.

“Hi mom and dad.” bati ko sakanila. Ngumiti naman silang dalawa. Nakasuit parin si Daddy Gray. Kakauwi lang siguro at dumaretso dito sa school. Pinagmasdan ko ito. Kamukha niya talaga si Zhack. Kapag magkatabi sila ni Zhack parang magkapatid lang sila.

Eh, kasi naman. Kahit may asawa na ito sobrang hot parin niya. Matipuno parin. Kaya kung hindi mo kilala ni Daddy Gray aakalain mong teenager palang siya. Lalo na kapag magkatabi na sila ni mommy Miracle para lang silang kabataan na magjowa.

“Mommy bakit po kayo nandito?”

“Susunduin kasi namin si Zhack at Myra. ‘Yung lola kasi nila hinahanap sila. Once a year lang kasi kung dumalaw ‘yun kaya pupuntahan namin sila.”

“Ab, you can come with us if you want.” nakangiting sabi ni Daddy Gray. Dyusko, wag kang ganyan. Baka makalimutan kong si Zhack ang mahal ko.

“Ay, san po ba?” syempre kailangan magtanong muna bago sama. Malay ko ba kung iwanan nalang ako bigla nila mommy sa isang gubat kasama si Zhack diba? Para naman ready ako.

Waiting For You Kde žijí příběhy. Začni objevovat