Chapter 14

2K 34 3
                                    

Chapter 14
Vacation

“Ab, gising na. Aalis na tayo.” nanghihina akong bumangon sa aking pagkakahiga.

“O-Opo, susunod na.” Sobrang sakit ng ulo ko. Tapos ang bigat bigat pa ng pakiramdam ko.



Ano ka ba Ab? Tumayo na ka na diyan. Pangaral ko sa sarili ko. Tumayo na ako pero napahawak ako sa may side table. Nahihilo ako.

Pinilit ko paring magayos. Siguro naman pagkatapos kong maligo at kumain mawawala na ‘to. Kinuha ko na ‘yung tuwalya ko tapos pumasok na ako sa CR.

Binuksan ko ‘yung shower pero agad akong nagsisi dahil sobrang lamig. Hindi ko kaya. Pinatay ko agad ‘yun tapos umupo muna ako. Dyusko, ang lamig.

Pero dulo dulo naligo narin ako kahit malamig. May choice ba ako? Kesa naman mamaho ako mamaya ‘no.

Pagkatapos kong maligo nagbihis agad ako. White t-shirt, skinny jeans na black tapos white sneakers. Okay na siguro ‘to. Hindi naman ako mukhang pulubi.

Pagkatapos kong magayos bumaba na agad ako. Syempre nakakahiya naman kung ako nalang ‘yung hinihintay diba?


Napatigil ako sa pagbaba nang makita ko sila na masayang kausap si Charina. Bakit nandito pa ‘tong babae na ‘to?

Bumaba na ako at umupo sa tabi ni Myra.


“Oh, good morning Ab.” bati sakin ni Mommy Miracle. Tango nalamang ang isinagot ko. Pagkatapos kumain na ako. Pinilit kong kumain kahit wala akong gana.

“Hahaha, right Zhack? By the way, my mom wants to see you. Miss ka na daw niya.”


“Sure, just text tita that I will clear my schedule for her.” lalo akong nawalan ng gana. Pano ba naman kasi ang harot nilang dalawa. Ako kaya ang girlfriend.

“Zhack, introduce Ab to Charina.” napatingin naman ako kay Daddy Gray. Ngumiti siya sakin. Napansin niya sigurong parang hangin lang akong dumating at hindi manlang niya ako pinansin at pinakilala sa haliparot niyang ex!

“Cha, she's Ab. My girlfriend, Ab, Cha my friend.” tumango lang ako. Pekeng ngumiti naman si Charina, ang plastik talaga!

“So, you're Rick’s girlfriend.” Sabi niya sabay tingin sakin. She's checking me out. Tss, nakapabitter naman nito.


“By the way, naisipan namin ni Gray na isama nalang si Charina. Since, she's here na naman diba? Is that okay with all of you?” Ano? Kasama pa ‘yan?

“Yes! Mom, I'd loved to. Yehey, kashama na namin si Ate ganda.” sabi ni Zarene. Kapag ako panget kapag ‘yang si Charina maganda? Hustisya naman.

“Well, then kasama na natin si Charina.” lahat sila nakangiti. Tch, bwiset.

-

“Lagay na lahat nang gamit sa van. Make it fast.” lahat kami nakasakay na sa van.

Magkatabi si Zhack at Charina sa may likuran tapos ako naman ito katabi ‘yung driver. Oh, diba? Ang saya. Ako girlfriend ibang babae katabi?

Hinilot ko ang ulo ko. Ang sakit parin ng ulo ko tapos nahihilo parin ako. Kanina chineck ko ‘yung temperature ko mataas parin. Hays, kung wala lang akong sakit kanina ko pa sinabunutan ‘yang si Charina. Napakahaliparot ‘e. Tawa pa ng tawa kapag kausap si Zhack kahit wala namang nakakatawa.

“Bumaba na, nandito na tayo sa airport.”

Sana naman maging maganda ang kakalabasan nitong one week vacation namin. Kahit may sakit ako at kahit may haliparot na kasama.




-

A/N : Happy New Year! 🎉🎇 Oo na, I know maikli hahahaha. Hanggang dito nalang kaya ng utak ko sorry na, I'm still not feeling well kasi. Don't worry, I will update maybe tomorrow. If, hindi na ako nahihilo! ☺


Waiting For You Where stories live. Discover now