Chapter 9

2.3K 42 1
                                    

Chapter 9
Desperate move

“Maganda na ba ako?” Pagtatanong ko kay Ef.

“Tss, you will never be beautiful in my eyes so don't ask me ate.” Pwede bang mangurot ng bata? Kaurat ‘e. Wala siyang support sakin.

“Kapatid ba talaga kita?”

“No, you're not my sister. But, for me you are.” Natouch naman ako bigla. May good side din pala si Ef hindi lang halata.

“Ab!!!”

“Po?”

“Nasa baba na si Myra.” niligpit ko agad ang mga nakakalat na make up. Binuhat ko si Ef tapos bumaba na kami.

“Hi Ef! You're so gwapo talaga.” bati ni Myra kay Ef..

“Don't state the obvious.” Sabi ni Ef sabay baba ko sakanya. Tapos umalis na siya.

“May pagkamayabang pala kapatid mo Ab! Parang si Zarene lang.” Napanguso naman ako. Namimiss ko na ‘yung batang ‘yun. Nagulat ako biglang bumalik si Ef.

“Ate Ab! You go na. You're going to be late. Oh, wait before I forgot. Ate, bring this apple. You're not yet eating. I guess apple will be fine for breakfast. And I  also asked yaya to cook for you so that I will be sure that you will be having you're lunch. So take this, it's a pack lunch.” I kiss Ef on his cheek. He's so sweet.

“Ab? Seriously? Bata ba talaga ‘to?” I just shrugged.

“Halika na nga.” hinila ko na si Myra pagkatapos kong ilagay sa bag ‘yung pack lunch tapos kinakain ko ‘yung apple habang naglalakad.

“Seryoso? Lalakad talaga tayo Ab? So, anong silbi ng pagdadala ko ng kotse?”

“Display. Ano ka ba? Magdi-diet ako! Gusto kong magkaabs! Para kay Zhack.”

“Tss, si kuya nanaman?”

“Bakit? May iba pa ba? Support ka nalang. So, every morning maglalakad tayo papasok then, bago umuwi pupunta tayong gym. Gusto kong magka abs!”

“Ewan ko sayo. You're getting worse.” Hindi ko nalang siya pinansin. Inggit lang siya sakin. Naglakad lang talaga kami we decided na paguwi maglalakad narin kami. Pero, si Myra maglalakad lang siya hanggang bahay lang namin. Kasi, kukunin niya pa ‘yung kotse niya sa bahay.

“Ab, bumalik na siya.” napatingin naman ako sakanya.

“Sino?” pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.

“Si Charina, ‘yung ex ni kuya.”

“So? Past na siya. Ako ang present at future ni Zhack.”

“Basta gusto ko lang sabihin.”

“Feeling mo naman kakabahan ako. Tss, nukaba lahat hahamakin ko para kay Zhack.”

“Ewan ko sayo. Baliw ka na talaga. Wala ka nang pagasa.”

-

“Uy, Santos! Pakopya.” pagtawag ko kay Jaxon. Wala kasi akong assignment ‘e. Nakalimutan kong gumawa kagabi.

“Tigilan mo ako Montenegro. Napakatamad mo talaga. Masipag ka lang kapag nandiyan si Castro ‘e.”

“Pakopyain mo ako kung papakopyain mo ako. Ang dami mo pang sinasabi.”

“Papakopyain ka naman ‘e. Nagdadrama lang ako ‘e. You're so KJ.” tinarayan niya pa ako. Bakla yata ‘to ‘e.

“Hindi ako bakla Montenegro.”

“Mind reader ka na pala ngayon?”

“Tss, gwapo lang ako Monte!” Binato ko siya ng notebook. Nakakaurat. Umupo na ako tapos kinopya ko na ‘yung assignment niya. Mahaba-haba din pala ‘to. Nakakatamad namang magsulat.

Nagsusulat lang ako napaangat ako ng tingin ng maamoy ko ang pabango ni Zhack. Yeah, pati pabango niya alam ko amoy.

“Z-Zhack?” kinilig naman ako. Shemay, nakatitig siya sakin. Ang pula ng labi niya tapos ‘yung kilay niya pa nakakunot dyusko, ang gwapo niya.

“Come with me.” natigilan naman ako. Ito na ba ‘yun? ‘Yung dadalhin niya ako sa liblib na lugar tapos----

“We’re just going to talk. Stop making dirty thoughts.”

“I’m not.” pagtanggi ko naman agad.

“Yeah, keep lying.” sabi niya tapos hinila niya ako bigla kaya agad ko namang dinala ‘yung bag ko. Inayos ko ‘yung blazer ko. Air-condition kasi ang lahat ng room dito kaya kailangan kong magsuot nito.

Dyusko, saan naman kaya ang dadalhin nito ni Zhacky baby.

Tumigil kami sa cafeteria. Pinaupo niya ako tapos umorder na siya ako naman ito nakanganga, nawe-weirduhan parin sa mga ginagawa niya. Ano ba talagang trip nito sa buhay?

Bumalik na siya tapos binaba na niya ‘yung pagkain tapos agad niya akong sinubuan. Halos mabulunan ako. Dyusme, isubo ba naman sakin ang isang dakot na fries? Kahit patay gutom ako hindi ko naman kayang kumain ng ganun karami.

“Keep eating. Ask me later.” sabi niya tapos patuloy siya sa pagpakain sakin. Hinayupak ‘tong lalaki na ‘to halos mamatay na ako dito.

Dahil nanggigil na ako, nilagabok ko ‘yung lamesa tapos tinungga ko ‘yung juice namin tapos huminga muna ako bago magsalita.

“Papatayin mo ba ako? Dyusmiyo ka naman. Oo, kinikilig ako at patay gutom pero hinay hinay naman. Hindi na ako makahinga. Uso abot tubig!” sabi ko sakanya. Bigla naman niya akong niyakap. Nanlaki ‘yung mata ko sa ginawa niya tapos nilapit niya ‘yung mukha niya sakin at hinalikan ako.

-

“Ano nanamang binabalak ni Castro? Tangina.” sabi ni Davis. Nakatayo sila ngayon sa may gilid ng cafeteria at kitang-kita nila ang kagaguhan na ginagawa ng kaibigan nila ngayon.

“He's desperate. That asshole!” sabi naman ni Dim. Nakapamulsa silang lahat. Hindi parin kasi nila maintindihan ang kaibigan. He's making a scene. At alam nilang lahat na makakarating ‘yun sa magulang ni Zhack maya-maya lang.

“He doesn't inform us for this. He's making things more complicated.” sabi naman ni Dhrai na kasalukuyang vinivideohan ang halikang nagaganap sa cafeteria.

Gusto na nilang bugbugin ngayon ang kaibigan dahil masyado itong naging mabilis at padalos dalos sa ginawa at naging desisyon nito. He's going to hurt one person sa gagawin niyang ‘to.

“We have no choice.” sabat ni Wym. Hindi halata na may pakielam ito pero deep inside he's also bothered dahil alam niyang mali ang magaganap.

Wala silang nagawa kundi titigan si Zhack while making a scene at the cafeteria.

-

Fuck, I need to kiss her! I really do. Ewan, basta dahil sa galit ko kanina I decided na si Ab nalang ang gamitin ko.

Yes, I will make her be my girlfriend while using her, but I make sure that she will never know about my plan. I will get my revenge to Charina and after that I will leave Ab, simple as that.

Hindi na kailangan ni Ab na malaman, na gagamitin ko siya. Masasaktan ko siya sa huli I know, ayaw ko lang na mas maging kaawa-awa pa siya pagnagkataon. She want me right? She's perfect for the role.

Kaya ngayon palang I want to say.

Sorry Ab.

Waiting For You Where stories live. Discover now