Chapter 18

2.3K 32 0
                                    

Chapter 18
Too much

“AHHHHHHHHHH!” Namamaos na ako. Halos kanina pa ako sigaw nang sigaw. Nang napagod na ako ay napaupo nalang ako bigla sa buhanginan.

I hate myself for being like this. I know that I don't have the rights to feel this way. I'm just helping him to move on that's it. Walang kasiguraduhan.

Sumisigaw ako kasi, hindi ko na alam ang mas malala ko pang magagawa kapag umiyak nalang ako sa isang sulok. Baka bigla nalang akong kumuha ng kutsilyo at saksakin ko ang sarili ko.

Hindi ko na kaya ‘yung sakit. ‘Yun na ‘e, Akala ko okay na. Na, wala nang gap between us. That finally, napansin na niya ako. Pero, mali pala ako. It's still Charina.

Halos, maubos na ang luha ko kakaiyak. Somehow, I realized that, kahit gaano mo pala kamahal ang isang tao, dadating ka parin sa point na mapapagod ka nang mahalin siya. Lalo na kung hindi ka naman pinapahalagahan.

“Hay, sarap ng hangin.” Napaangat naman ako ng tingin kasi may biglang nagsalita. Nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod. Naguunat pa ito.

Mabilis kong inayos ‘yung sarili ko. Nakakahiya naman kung mukha akong basang sisiw dito.

Bigla siyang tumagilid kaya nakita ko ang kalahati ng mukha niya. He's handsome, imagine half face palang gwapo na paano pa kaya kapag whole na ang makikita.

Nakasando lang siya tapos nakashorts. Kung titignan para lang siyang tambay sa kanto. Pero, bakit sakanya mukha paring yamanin?

Maputi din ito at matipuno parang si Zhack. Medyo makapal ang kilay nito, Hindi katulad kay na makapal. Matangkad din siya, pero feeling ko mas matangkad si Zhack kesa sakanya. Mahaba din ang legs nito pero, mas mahaba ‘yung kay Zhack.

Teka? Bakit parang pabor lagi kay Zhack, Ab? ‘Yung totoo? Broken ka dahil dun tapos pinupuri mo parin?

Napatigil ako sa pagiisip nang lumingon siya sa direksyon ko. Kumunot ang noo niya. Kaya naman napakunot din ako ng noo.

Lumapit siya sakin kaya nanlaki ‘yung mata ko. Teka, baka rapist ‘to! Wow, Ab? Sa inyong dalawa mas mukha ka pang rapist kesa sakanya.

“Miss, pwede magtanong? Nagtanong na ako pero gusto ko ulit magtanong.” Nakangiting sabi niya sakin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Sige, ano ba ‘yun?”

“San ba magandang puntahan dito?”

“Sorry, hindi ko din kasi alam. Sa iba ka nalang magtanong.” Simpleng sabi ko sakanya. Tumango-tango naman siya.

“Ah, sige thank you.” Paalis na siya kaya naman umayos na ako at tumayo.

“And by the way, wag kang magtangkang magpakalunod at magpakamatay diyan.”

“Uh?”

“Wag ka nang umiyak. Masakit pero tanggapin mo nalang.” Eh? Stalker ba ‘to?

“Hindi ako stalker.” Tss, baliw na yata ‘to! Pati iniisip ko alam.

“Lalong hindi ako baliw. Sige, alis na ako.” Naiwan akong nakatunganga dito. ‘Yung totoo? May lahing manghuhula ba ang isang ‘yun?

-

“Charina needs to take a rest. Madami siyang nalunok na tubig kaya naman, kakailanganin niya ng alaga ngayon.” Sabi ni mommy Miracle.

Nakatungo nalang ako. Nasa hapag kainan na kami ngayon. Magkatabi si Zhack at Charina. ‘Yung kamay ni Zhack nasa balikat ni Charina tapos sinusubuan pa niya ito. Nagiwas nalang ako ng tingin. Hindi ko nadin ginagalaw ang pagkain ko.

“Mom, is it okay with you if I sleep on Cha’s room? I want to make sure that she's just fine.”

“Sure.” Halos gumuho ang mundo ko nun. Nung ako naman hindi niya ako sinamahan sa kwarto ko. Favoritism ganun?

“Ab, touch your food.” Pagsaway sakin ni daddy.

“S-Sorry po.” Tapos pinilit ko ang sarili kong kumain. Nakakahiya naman kasi. Tumingin ako kay Zhack pero parang hindi niya ako nakikita. Hindi manlang niya ako tinignan. Hindi manlang siya concern kung nakain pa ba ako.

“Mom, Dad. Akyat na po kami. Cha is already tired. She needs to rest.” Pagpapaalam ni Zhack.

“Okay, good night Charina.” sabi ni mommy. After magpaalam ni Zhack ay nagpaalam narin ako.

Umakyat na ako at pumasok na agad sa kwarto ko. Agad kong tinakpan ang mukha ko ng unan. Humagulgol agad ako. Bakit ba kasi ang hina hina ko? Lagi nalang akong umiiyak.

Maya-maya pa’y nahismasan na ako. Umupo na ako tapos napagdesisyunan kong uminom ng tubig sa may sala. Pababa na sana ako kaso nakita kong medyo may awang sa pintuan ni Charina dahil nacucurious ako, lumapit ako doon at sumilip.

Agad kong pinagsisihan ang pagsilip ko. Dahil, nakita ko sila na naghahalikan.

-

A/N : Nakapagupdate din. Thank you for reading. ✨

Waiting For You Where stories live. Discover now