Chapter 35

3.4K 48 4
                                    

Chapter 35
Hope

"Mom, wake up!" Napamulat naman agad ako ng mata. Nakita 'ko si Taki na tumatalon sa may kama 'ko.


"Baby, maaga pa." Halos pabulong na sabi 'ko. Medyo inaantok pa kasi ako 'e.



"Mom, common, someone is waiting for you downstairs." Napamulat naman ulit ako. Sino naman kaya ang maghahanap sakin ng gantong oras? Mga 5:00 am palang. Dahan-dahan naman akong bumangon.



"Baby, magwawash lang ako okay? Sabihin mo wait lang." Tumango naman si Taki at agad na lumabas ng kwarto 'ko. Tinali 'ko ang buhok 'ko into a messy bun. Tapos, naghilamos ako at nagtoothbrush.


Pagkatapos 'kong mag-ayos ay bumaba na agad ako. Nakakahiya naman kasi kung magtagal pa ako. Hindi pa ako nakakababa ay naririnig 'ko na ang boses ni Taki. She's really talkative.



"Yes, po. I always eat healthy foods. Mommy said, I should eat those po para lumakas ako. Hihihihi." Bumaba na ako agad para makita kung sino ba ang naghihintay sakin dito. Napalingon naman ako sa lalaking katabi ni Taki. Nanlaki ang mata 'ko.


"Jaxon?!" Gulat na gulat na sabi 'ko. I thought, he will stay in abroad for good?



"Oh? Kagaya ka parin ng dati, Monte! Napakabagal mo paring magising." Lumapit ako sakanya at niyakap 'ko siya. Namiss 'ko 'tong lalaki na 'to. Siya lang 'yung boy bestfriend 'ko na tumagal. Kahit lagi kaming nag-aaway noon.



"Ano ba, Monte? Nakakasakal ka na ah? Feeling mo ikakaganda mo 'yang ginagawa mo?" Natawa naman ako. Hindi parin talaga siya nagbabago. Katulad ng dati, gwapo parin talaga siya. Hindi 'ko nga alam kung bakit wala paring girlfriend 'to 'e. Hindi naman kaya bakla 'to? Pero, imposible naman 'yun kasi lalaking-lalaki naman siya.



"Ito naman, namiss ka na nga ayaw mo pa?" Sabi 'ko sakanya. Inirapan niya lang ako at lumayo siya sakin. Napaupo naman ako ng maayos.



"Ewan 'ko sayo. Napakadrama mo talaga." Inirapan 'ko naman siya. Kahit kelan talaga 'tong lalaking 'to. Wala nang magawang matino sa buhay. Napakamaloko parin talaga niya.


"Mom, siya po ba si daddy?" Inosenteng tanong ni Taki. Napatawa naman ako sa tanong ng anak 'ko. Mukha ba silang mag-ama?


"Monte, ano ba naman 'tong anak mo? Napakajudgemental manang-mana sayo. Kapag lalaki pumunta sa bahay niyo daddy niyo na agad? Ang panget panget ng mommy niyo, sa tingin niyo papatulan 'ko yan?"



"Wow naman, Jaxon. Hanggang ngayon ang kapal parin talaga ng kalyo mo sa mukha 'no?" Lumapit naman sakin si Taki. Agad 'ko naman siyang binuhat.



"Tss, hey baby, I'm not your dad. Sobrang pogi 'ko naman para maging ama mo diba? 'Yung daddy mo? Gwapo naman siya pero bulag ang daddy mo." Kumunot naman ang noo ni Taki sa sinabi niya.



"Daddy is blind?" Gulat na gulat na tanong ni Taki. Tinitigan 'ko naman ng masama si Jaxon. Ano bang mga pinagsasasabi nito?



"Yes, baby. Bulag ang daddy mo. Pinatulan ba naman ang mommy mo? Diba? Bulag ang daddy mo. Naatim niya ba namang patulan ni Ab."  Binatukan 'ko naman siya agad.



"Anong bang pinagsasasabi mo? Nababaliw ka nanaman? Kung ako sayo manahimik ka nalang. Atsaka, bakit ka nga ba nandito sa bahay?"



"Wala lang, gusto 'ko lang makita ang kambal. Nakakamiss din naman kasi 'tong mga 'to 'e. Tignan mo, hindi na nga ako kilala ni Taki. Ay, nasan nga ba si Zach?" Napalingon naman agad ako sa paligid. Wala pa si Zach, malamang tulog pa 'yun.



Waiting For You Where stories live. Discover now