Chapter 39

3.5K 56 2
                                    

Chapter 39
Contented


"Wow! This house is so big mommy!" Masayang sabi ni Taki. Hinawakan 'ko ang kamay niya. Habang si Zhack ay buhat si Zach. Nandito kami ngayon sa bahay nila Zhack. Sabi nila mommy Miracle mas makabubuti samin ng mga anak 'ko kung sa bahay na lamang nila kami tumira habang hindi pa kami kinakasal.

"Yes baby, and it's our house." Sagot naman ni Zhack.

"Really? Omg!" Bumitaw sakin si Taki nang makita na niya si Mommy and Daddy. Niyakap niya agad ang dalawa. Naging close siya agad sa lolo at lola niya habang si Zhack ay nahihiya parin kay Mommy at si Daddy lang ang laging kinakausap. It's been a week since that accident happened. Ngayon ay wala nang galos si Zhack at parang wala lang nangyaring masama sakanya.


"Welcome homeee!" Sigaw naman ng isang batang babae. Napangiti naman ako dahil ito na yata ang anak ni Myra. Hawig nung bata si Taki. Kaya naman nung makita ko sila ni Zhack na magkasama akala ko anak siya ni Zhack.



"Daddy!" Binaba muna ni Zhack ang anak namin tapos sinalubong niya yung batang babae at binuhat tapos pinaghahalikan sa buong mukha. Nagulat ako nang lumapit sakin si Taki tapos nakanguso siya. Natawa naman ako bigla sakanya. Kumapit siya sakin tapos tiningala niya ako.

"Mommy, I'm jealous." Nanguso parin ito. Binuhat ko siya tapos hinalikan ko siya sa pisnge.


"Baby, hindi ka naman dapat magselos e. Namiss niya lang ang daddy mo. Love ka din ni daddy." Umiling naman ang anak ko. Napanguso naman ako, hindi ko naman kasi masisisi ang anak ko kasi ngayon niya lang nakilala ang daddy niya kaya siguro kapag may nakakaagaw ng atensyon ng daddy niya nalulungkot siya. Nagulat ako nang bigla siyang umiyak. Oh, nagseselos talaga ang baby ko. Agad ko naman siyang pinatahan. Napatingin ako sa gawi ni Zhack. Binaba niya agad yung batang babae na nakalimutan ko ang pangalan. Tumakbo siya papunta sakin.

"Bakit naiyak ang baby ko?" Malambing na sabi ni Zhack. Humarap naman sakanya si Taki tapos nagpabuhat siya sa daddy niya.


"Daddy, I'm jealous." Pag-amin ng anak ko. Tumingin sakin si Zhack na parang nagtatanong nginuso ko lang yung batang babae na-gets niya naman agad. Hinagod niya ang likod ng anak namin.

"I love you baby." Yun lang sinabi ni Zhack sabay halik kay Taki ngumiti naman agad ang anak ko. Nagpatuloy nalang kami ni Zach papasok. Malaki talaga ang bahay na ito para sa pamilya lang nila mommy kaya siguro gusto din nilang nandito kami. Sinalubong agad kami ng mga katulong nila. Bago palang kami pumasok sa bahay ay naririnig ko na ang boses ni Ate Lira.


"Ano ba yan, Dy?! Alam kong gwapo ka kaso kung minsan may pagkatanga ka talaga. Gusto ko sabi ng itlog na puro white lang!" Natawa naman ako. Kahit kelan talaga si Ate Lira.


"Sweety, I'm sorry okay? I will just make another one but please, don't shout. Our baby might comes out this early." Tuluyan na kaming nakapasok ni Zhack pero parang wala parin silang nakikitang dalawa. Sobrang laki na ng tyan ni Ate Lira at mas lalo siyang gumanda ngayon. Mukha siyang dyosa.


"Wag mo kong ini-english! Mas lalo akong duduguin sayo. Diba sabi ko magtagalog ka? Dahil hindi naman nakakagwapo yan!" Napatingin ako kay Zach ngayon ay tumatawa na.

"Sweety, okay b-basta don't shout." Natawa naman ako kasi hindi parin talaga marunong mag-tagalog si Tito Dylan.

"Hello," sabi ko para makita nilang nandito kami. Humarap naman sakin si Ate Lira at inirapan ako.

"Ang pagsasabi ng hello ay binabagay sa mukha. Maganda lang ang nagsasabi ng 'hello' at hindi ka maganda kaya wala kang karapatan na magsabi nun!" Napanguso naman ako.

"Binubully mo nanaman ako ate." Hindi niya ako pinansin at tumingin kay Zach.

"Ab chaka! Kamukha ni Zhack itong bata na 'to. Saan mo ninakaw ang sperm ni Zhack?!"

"Ang sama mo, ate. Hindi ko naman ninakaw e. Kusa niyang binigay!" Lumapit siya kay Zach tapos nginitian niya.

"Alam mo bang bunga ka ng katangahan ng mommy mo sa daddy mo kaya dapat alagaan mo ang sarili mo baka maging tanga ka rin kagaya ng mommy mo." Nakakunot naman ang noo ni Zach hindi niya siguro maintindihan ang sinasabi ni Ate Lira.


"Sweety, stop teaching my nephew bad words." Singit ni Tito tapos niyakap niya mula sa likuran ni Ate Lira.


"Hindi kita maintindihan manahimik ka nga!" Natawa naman ako. Binuhat ko na si Zach.

"Ate Lira alis na kami." Paalam ko sakanya.


"Edi umalis ka, hindi ka naman maganda." Sabi ni Ate Lira. Hays, lagi niya talaga ako binubully.


Lumabas na kami doon sa kusina at pumunta sa may living room. Nandoon silang lahat. Binaba ko si Zach tapos tumakbo na siya papaalis. Tinignan ko si Zhack habang buhat niya si Taki tapos hawak niya sa kamay si Zach. Sinasabunutan ni Taki ang daddy niya at tawa siya ng tawa. Natawa din naman ako.

Buong buhay ko akala ko hindi na ako sasaya. Sobrang drama naman kasi ng buhay ko. Dati, tingin ko sa sarili ko ay nabuhay lang sa mundo para magparaya, masaktan at maghintay nalang. Pero hindi ko lubos isipin na magiging masaya ako. At magiging buo ang pamilya ko. Kaya naman sobrang saya ko dahil nabuo na ang pamilya namin.


Wala na akong mahihiling pa. Siguro kaya ko naranasan ang lahat ng yun dahil pagkatapos naman nun ito ang makukuha kong kasiyahan.



Napatitig ako sa buong bahay. Dati, nandito lang ako para ligawan si Zhack at magpapansin sakanya. Ngayon, nandito ako kasi bumubuo na kami ng pamilya at dahil mapapangawasa na ako ni Zhack. Akala ko habang buhay ko na siyang hihintayin na mahalin ako. Naghihintay lang pala ako sa wala dahil mahal niya na ako noon pa sadyang napakatorpe niya lang talaga.


"Looks like my wife is happy." Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nasa likuran ko na si Zhack. Yung mga anak namin ay nakikipaglaro kay Zari. Oo, naalala ko na ang pangalan niya kanina lang.


"It's because of you, my husband." Humarap ako sakanya at hinawakan ang pisnge niya. Ngumiti naman siya sakin. Hinawakan niya ang bewang ko.


"It's my job, to make you happy." Malambing na sabi niya sakin tapos hinapit niya ako bigla. Sobrang lapit na namin ngayon sa isa't-isa. Naiilang ako pero hindi ko pinahalata.


"I love you, my wife." Tapos bigla niya akong hinalikan. Natawa siya bigla dahil hinawakan ko ang likod ng ulo niya at hinapit ko para mas dumiin ang labi namin. He kissed me back while smiling. Wala na akong mahihiling pang iba. Sobrang saya ko ngayon. Nagulat ako nang tumaas ang hawak niya. Mula sa bewang paangat. Tinulak ko siya agad at tumawa naman siya.

"Let's go wife, I missed so much. Six years nating hahabulin natin remember?" Sabi niya sabay hila sakin paakyat ng kwarto.


"Y-Yung kambal natin." Sabi ko naman. Baka kasi hanapin kami.


"Nandoon naman sila mommy, they will understand." Sabi niya sabay pasok sakin sa kwarto niya at agad ako hinalikan.




-

Waiting For You Where stories live. Discover now