Chapter 19

2.4K 40 0
                                    

Chapter 19
Trust

Buong gabi lang ako umiyak. Hindi ako nakatulog kakaisip. Magang maga na ang mata ko pero hindi parin ako napapagod na umiyak.

Tumayo na ako at inayos ang maleta ko. Pinasok ko na lahat ng gamit ko doon. Uuwi narin naman kami mamaya ‘e. Nang matapos akong magayos, napatulala nanaman ako. Hindi ko namalayan na umiiyak nanaman ako.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko para mapatigil ang sarili ko sa pagiyak. Napapagod narin ako pero kusa talagang lumalabas ang mga luha ko.

“Ab! Wake up! Get ready. Uuwi na tayo.” Napatigil ako sa pagiyak nang marinig ko si mommy Miracle.

“S-Susunod na po ako.” Tumayo na ako at dumaretso sa C.R naghilamos ako. Tapos, tinignan ko ‘yung sarili ko sa salamin.

Walang bakas ni Ab ang taong nakatingin sakin ngayon. 'Yung Ab na kilala ko kinakaya kahit nahihirapan. ‘Yung hindi sumusuko kahit maraming dahilan para sumuko. Nakakamiss na siya. Nasan na kaya siya?

Mukha akong gusgusin. Sobrang laki ng eyebag ko. Tapos, magang maga ang mga mata ko. Ang gulo pa ng buhok ko.

Inayos ko na ang sarili ko tapos lumabas na ako para makapagalmusal na kami. Nakakahiya kasing ako nanaman ang hihintayin. Pagkarating ko sa restaurant nandoon na silang lahat. Nakayuko nalang ako hanggang sa makalapit ako sa table namin.

“Oh, good morning Ab.” tumango nalang ako. Parang nawalan nanaman ako ng gana dahil nakita ko nanaman si Zhack kasama si Charina. Minsan napapaisip nalang ako na sana ako nalang ‘yung nalunod para makasama ko si Zhack lagi.

Umupo ako sa tabi ni Zarene. Tahimik lang akong kumakain.

“Ab, are you okay? Mukhang ang tamlay mo.” Sabi ni Mommy Miracle.

“Okay lang po ako.” Nagangat ako ng tingin sakanya na agad ko namang pinagsisihan dahil napansin niya yatang namamaga ang mata ko.

“Okay.” Simpleng sagot lamang niya. Iniwas ko nalang ang mukha ko sakanila. Ayaw kong malaman nila na umiyak ako. Ayaw kong kinakaawaan ako.

Pagkatapos 'kong kumain pinakuha na ni Daddy Gray ang mga gamit namin dahil uuwi na kami.

Habang nasa van kami nakikita ko ang pagaalaga ni Zhack kay Charina na kahit kelan hindi niya pa napapakita at nagagawa sakin.

Ang sakit lang isipin na si Charina naman talaga ang mahal ni Zhack ako lang naman 'tong epal na hinahadlangan ang pagmamahalan nilang dalawa.

Magkahawak sila ng kamay. Tapos nakasandal sa balikat niya si Charina. Pagkaiwas ko ng tingin agad na bumagsak ang luha ko. Tumingin nalang ako sa bintana para hindi nila makitang naiyak ako.

Nagulat ako nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Nilingon ko ang agad kung sino ‘yun. At nagulat ako nang makita kong si Zarene pala iyon.

“Don't cry na.” Sabi niya tapos pinunasan niya ang luha sa pisnge ko. Parang lalo akong naiiyak sa ginawa niya. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa pisnge ko. Pumikit ako at patuloy kong hinahaplos ang kamay niya sa pisnge ko. Iniisip ko na si Zhack ‘to.

Sobrang sakit na. Parang namamanhid na ako. Parang kumukuha ako ng lakas sa mga kamay ni Zarene.

Pagkadilat ko nakangiti sakin si Zarene at niyakap ako. Nagulat pa nga ako pero hinayaan ko nalang.

“Kuya loves chu.” Hinaplos ko ang buhok niya.

“Si ate Charina mo ang love niya, not me.” sagot ko naman sakanya.

Waiting For You Where stories live. Discover now