Chapter 1

357 5 0
                                    


Chapter 1: The Girl Who Wore A Red Beanie


[Paul Trevor's POV]

[Bro, you just have to buy that teddy bear for me. Gusto ni Aimee yung mga ganoon.]

"Bakit? I have a lot of things to buy for Rhianne. Besides, you have your own two f*cking feet to buy them yourself."

[The fudge Trev? Alam mo nga ba kung bakit ako humihingi ng favor?]

"... why?"

[Hmm... let me think for a moment... Oh, yeah, I remember now... I'M IN BATANGAS, IDIOT! I JUST TOLD YOU LIKE YESTERDAY!]

"You can buy teddy bears from there, Greg! Just find a goddamn store."

[I can't, Trev. Remember, that I went here for a business trip with my Dad. Ewan kung anong trip at sinama ako. Alam mo naman gaano siya ka-strict sa akin. Ewan sa'yo bro! Malamang, puro Rhianne na lang nasa utak mo! Sabihin mo nga saken, bestfriend mo ba talaga siya, o baka naman crush mo na?!]

"She's my bestfriend Greg. I just want her to be happy that's all. After all it's her birthday."

"Like bro, nagpapabili lang ako ng stuff toy na kasing liit lang ata ng ulo mo na kaya mo naman bitbitin, tsaka bakit ang dami naman ata ng ireregalo mo? Are you crazy?! Magagalit niyan Papa mo sa'yo."

"I don't even care bro if he'll be. Don't worry, I'll... just... buy that bear for you."

[Nice. Kala ko kailangan mo pa ako padalan dito ng Stresstabs.]

"Hahaha! Ingat ka diyan, and please stop looking for chicks kahit nandyan ka.."

[Yeah, yeah, everytime Trev. Bye.]

Beep.

I turned off my phone, and immediately sliding it back on my right pocket. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa harap ng standing mirror sa kwarto ko. I looked perfect with my faded, jet black hair, wearing a royal blue long-sleeved buttoned shirt paired with camo pants and nike shoes.

Lumabas ako ng bahay, at umalis sakay ng motor ko papunta ng mall.

Minutes later, ay nanduon na nga ako, pumasok sa loob passing the guard na nasa harap ng pinto na usually tumutusok lang ng bag. Dumiretso agad ako sa department store banda sa may second floor to buy some snacks before my gifts for Rhianne.

Katulad ng nasabi ko kanina, bestfriend ko si Rhianne. Since Grade 7, we would always greet each other and talked even if magkaiba kami ng sections. We share the same dreams, hobbies and even food. What I really liked about her was, her love for computers. Bibihira lang kasi yung mga babaeng mahilig sa ganoon, especially, when talking about computer hardware. She was so ecstatic about it na siya pa ang gumawa ng build ng gaming desktop ko.

At nang makatapak na nga kami ng Grade 11, we both chose ICT as out strand, kaya parehas kaming section as of now.

Kung itatanong man sa akin if I liked her, or if I had feelings for her, ang masasagot ko ay wala. I already told Rhianne about it, and she felt the same. Bestfriends lang kami, nothing more, nothing less. One of us would confess kung meron na ngang nararamdaman sa isa't isa as we promised. There was an instance kase na kumalat ang isang rumour sa school namen na 'kami' na daw, dahil parehas kaming magkasama araw-araw. Sikat kasi siya, at halos maraming lalakeng nagkakandarapa sa kanya, pero hindi sila makalapit sa kanya dahil daw sa aken.

I don't usually mind those things, hinahayaan ko naman kasi siyang makipag-socialize sa boys, pero minsan, yung iba kase eh nambabastos na. Sumosobra. Minsan kase gusto rin niyang nakikisosyo sa mga girl bestfriends niya. Pero, gusto ko siyang kasama kase sa kanya ko lang nasasabe ang mga problema ko.

Beanie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon