Chapter 26

57 2 0
                                    


Chapter 26: Without Her Beanie


[PAUL TREVOR'S POV]

Hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng inis, o dismaya sapagkat wala siya sa aking paningin.

Hindi ako mapakali, at kung ano na ang mga naisip.

Kita ang tindi ng kalungkutan sa aking mg mata, pinagmamasdan ang halos natutunaw nang sorbetes na hawak sa aking kamay. Naglabas ako ng isang malaking buntong-hininga, titig na titig parin sa hawak habang nakaupo, nakasandal sa puno. Hinayaan kong mabitawan ang hawak, napaisip kung tama ba ang mga ginagawa ko?

Tama nga ba na aminin ko na sa kanya?

Aminado ako na, hindi ko siya maalis-alis sa isipan ko simula pa lang noong nakilala ko siya. Pero mas tumitindi yata iyon ng mas nakilala ko siya.

Kaso parang pansin ko na nag-iba ang takbo ng panahon sa akin.

May darating, may mawawala. Dumating si Exellor, pero nawala naman sa akin si Rhianne.

Ano bang ibig sabihin ng tadhana sa akin? Mali ba ito? Mali ba sundin ang kumakabog na damdamin na halos hindi magkumayaw sa pagtibok para sa taong minamahal?

Oo, mahal ko na siya. Kaya ko nang sabihin iyon, at mas gugustuhin ko pa siyang mahalin.

I'm willing to take risks, if that's what it takes. Like Kylie told me, love requires great sacrifices and risks, to be able to achieve what's best for everyone, and for the two of you. Ang hindi ko lang alam, ay ka-text mates pala sila ni Kylie, and she would always ask her if she likes me back.

She would always say... no, or oftentimes, she wouldn't reply.

It hurts little by little as those thoughts are processed inside my head. Pero mayroong pag-asa sa aking utak na hindi iyon totoo... dahil sa pagkakaalam ko, nagsasabi lang ng totoo si Exellor sa mga taong kanyang pinagtitiwalaan.

Halos kadiliman na ang bumalot sa kalangitan at nanatili akong nakaupo't sandal sa puno kung saan siya lagi. Nasulyapan ko muli ang inihanda kong picnic na para sana sa aming dalawa, pero hindi siya dumating. Wala nang sindi ang mga kandila, na kanina'y nagbibigay liwanag sa aking pag-asa. Nahipan na iyon ng malamig na hangin, kaya nanatili ang kadiliman sa lugar ko.

Alala ko pa kung paano ko binilisan ang takbo ng motor ko para lang bilhan siya ng napakaraming pagkain para sa picnic, lalo na yung mga sorbetes na sana'y magustuhan niya. Pinakatingnan ko pa ang laman non kung sakaling may mga nuts at baka allergic pa siya roon. I chose Vanilla as flavors to be on the safe side.

At ngayon na makitang tunaw na iyon, ay nanatili ang katahimikan sa aking paligid, at ang kaisipang ako'y umaasa lamang sa wala. Sht.

Naisip ko naman kung nasaan siya, pero wala akong ideya. Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko't sa mga text. Hindi available ang kanyang phone.

Tumayo ako, at pinilit na ininda ang sakit na nararamdaman. Mas malala pa yata iyon sa ga tama ng baril o kaya naman sa saksak.

I'll just wait.

SHT! Naaalala ko pa rin ang mga nasabi ko kay Exellor, na halos hindi na mapigilang manginig ang mga kamay dahil sa mas nag-aalab pang damdamin.

Maghihintay ba ako? O kung kaya... hahanapin ko ba siya?

Akmang aalis na sana ako, dala-dala ang backpack ko, nang bigla akong manigas sa aking posisyon.

Exellor?!

Unang tumambad sa aking mga mata ang kanyang dumudugong ilong, at labi. Sumunod ang kanyang maruming uniform at namamagang mga binti't braso.

WHO THE F DID THIS TO HER??!

Beanie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon