Chapter 19

79 2 0
                                    


Chapter 19: Destined To Be Partnered


[PAUL TREVOR'S POV]

Natapos ang practice after two hours. Pumasok muna kami sa entertainment room, kung saan talaga ang sala nila. May tatlong sofa roon na nakapaikot sa iisang coffee table at kaharap noon ang 47 inch LCD TV kung saan nanonood kami ng movie mula sa HBO.

I wouldn't say we were actually watching.

Jayvee and Rhianne went to the kitchen to prepare snacks.

I sat on one of the sofas with Gregor, and in the opposite of it, there was Kylie, and... Exellor.

Her eyes were focused on the coffee table, as Kylie did the talking and asked her a lot of questions. I swear if I'm her, I'll make Kylie's mouth shut, but she's entirely different. I notice her nod and shook her head a few times. Most likely, answering with dry replies.

Yes. Not sure. No. Yeah.

Yun lang yung malimit niyang sagot sa mga naiitatanong ni Kylie. 

“Bro, baka matunaw ka niyan sa kakatitig mo sa kanya.” bulong ni Greg sa akin nang mapansin nga kung nasaan nakadungaw ang mga mata ko.

Pansin ko kasi na konting angat pa niya ng tingin, ay magkakatinginan na nga kami. Sige, angat lang ng konti, Exellor.

“Sure ka na ba diyan bro? Ba't ayaw mo pa kasing i-aanounce sa lahat?” bulong pa rin ni Greg, iniiwasang marinig ng iba.

Hindi ko masabi sa lahat dahil nagbabakasakali ako, sa mga sinabi ni Kylie sa akin at sa nararamdaman ko. Kutob ko na tama ang mga sinabi niya, na may nararamdaman na nga si Rhianne sa akin, at pakiramdam ko pa, ay may gusto rin si Jayvee kay Exellor. Kung sasabihin ko ng agaran, masasaktan lang sila.

Everything's uncertain, but she is a certain answer sa lahat ng nangyayari sa akin.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Pagkasabi ko nga lang noon, ay para akong nanigas sa kinauupuan ko ng magtama ang mga mata namin. Every inch of her face, is perfect. Noon, hindi ko man ito pansin, pero ngayon, lahat na lang tungkol sa kanya, para sa akin, ay perpekto. Ang kulay ng kanyang buhok, her defined nose, hanggang sa kanyang mapupulang labi.

SH*T. Nababa nga ang tingin ko roon. Napalunok ako. Agaran ang pagbilis ng hininga ko't tibok ng puso.

I wonder if she already had her first kiss. Girls most likely treasure their first kisses, as far as I know. As for a girl like her, I wouldn't know if she does things like that. It would be uplifting to know if... I get to be her first.

Muntikan na sanang nangyari... but I have respect over her.

Nalipat ang kanyang matalim na titig sa TV ng marinig namin sina Jayvee at Rhianne na paparating na, mula sa kusina. Talak parin ng talak si Kylie sa kanya, hindi man lang napansin ang nangyaring titigan sa aming dalawa.

Bakit ako ginaganito ni Exellor? Iba ang epekto sa akin. Nung una, akala ko'y sadyang naiinis lang ako at dala na rin ng kuryosidad, pero... alam ko sa sarili ko na iba na nga ang nararanasan ko.

Beanie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon