Chapter 31

54 1 0
                                    


Chapter 31: Impossible Feelings


[PAUL TREVOR'S POV]

Kahit na gusto kong mag-stay sa tabi ni Exellor, ay kinailangan kong pumunta at kausapin ang iilang mga guests na invited sa ball, since they all knew about Marshall's Death.

“Trevor Funtelo! Kumusta ka hijo?” bati ni Enrique, isang stockholder ng school na malapit kay Principal, and speaking of which...

“Nice choice of attire, Mr. Funtelo.” malamig ang pagkakasabi niya ito, hindi naman ito galit ngunit sa boses pa lang niya'y mabilis na nagsi-taasan ang mga buhok sa aking braso. Titig pa lang niya'y matalim at ang ngiti nitong pilyo ngunit nakakatakot.

“S-Salamat po.”

“Talaga bang hindi mo itutuloy ang karera mo sa musika? Maganda naman ang boses mo hijo, baka magkaroon ka pa ng kinabukasan dahil diyan.” tanong ni Enrique.

Wala akong balak gawing career ang pagkanta, it's just a hobby for me and I prefer computers much than that.

“Wala ho talaga. Tsaka malabo rin po iyon mangyari.”

“Oo nga naman diba? Ikaw ang tagapagmana ng kumpanya ni Timothy. Naku! Big time ka niyan pag-tanda mo!” puri pa nito.

Kung alam niyo lang po.

Kita ko ang pagngiwi ni Principal sa sinabi. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong meron between dad and Mrs. Sebastian, and I don't want to think more crazy ideas for that thought.

Nagpatuloy pa ang usapan, hanggang nagsalita muli ang MC at inanyayahan ang lahat para sumayaw sa dancefloor. At dahil tapos na nga ang usapan, agad na hinanap ng mga mata ko si Exellor. Wala na siya kung nasaan siya kanina.

Nasaan na kaya iyon?

Agad ako tumingin sa bawat sulok ng mismong gymnasium at hindi ko rin siya nakita. Sa dami rin kasi ng tao'y malilito ka talaga!

Palipat-lipat ng side ang ulo ko sa paglingon, at hindi ko alam kung anong direksyon tatapak ang paa ko sa paghahanap sa kanya. Gulat ako ng biglang may babaeng bumangga sa harap ko. Muntikan pa akong ma-outbalance dahil sa lakas ng impact ng pagkabunggo!

Nang makita kung sino iyon, nanlaki ang mga mata ko.

“Trev?” mahinang tawag ni Rhianne sa akin. Kahit papaano'y namimiss ko rin ang boses niya sa tagal naming hindi pormal na nag-uusap.

Pansin ko ang pamamaga ng kanyang mga mata, she cried?

“Napano ka?” agad kong agap sa kanya.

Umiling lang siya't kita ko ang pagpigil pa niya sa paghikbi. Mas lalo akong kinabahan.

“Uhm Rhianne, gusto mo dalhin na kita kay Mrs.–”

“Isayaw mo na lang ako.”

“Ha?”

“Isayaw mo na lang ako, Trev. 'Wag kang mag-alala.”

Hindi pa man nakakabawi sa biglaan niyang hiling, ay hinila na nga niya ako sa gitna ng dancefloor. I did what she wished for me to do. I held her hand and waist, just as she buried her face on my shoulder, near my neck.

Kahit papaano, nasasaktan pa rin ako na makita siyang ganito. Kahit na may nagagawa siyang masama, ay hindi ko mawari kung bakit pilit ko parin siyang pinapatawad. Para bang ang lahat ng iyon ay imahinasyon lang. Hindi pa rin maaalis ang galit ko sa ginawa nila kay Exellor pero sa nakita ko sa kaya ngayon ay parang binibigyan niya ako ng dahilan para maniwala sa kanya na may malalim na dahilan ang ginawa niya sa kanya.

Beanie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon