Chapter 27.5

79 1 0
                                    


Chapter 27.5: Lonely Is The Night


[PAUL TREVOR'S POV]

Pagkatapos naming mag snack break, ay nagpatuloy ang exams. Easy lang naman ang mga pagte-test, at bukas pa yung iba na medyo mahihirap na (such as General Mathematics and Computer Programming. Sheezsh). Hinintay kong lumipas ang oras nang matapos ko na ang exam ng pinakahuling subject sa araw na 'to dahil mabilisan ko lang iyon natapos.

Hindi nagtagal, ay nagpasahan na lahat ng papel sa harap at nagsitayuan na ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga upuan dahil excited nang umuwi ng bahay, just as I am, pero may kailangan muna akong gawin before this.

Bago pa man makalabas ng pintuan si Rhianne ay hinabol ko siya't mabilisang hinugot ang braso niya at hinila papunta sa isang klasrum na wala nang tao. Agad kong sinara ang pinto para walang makarinig sa magiging usapan namin.

“Rhianne, can we talk please?”

Biglang nagtaas ang kilay niya, at nawala ang tensyon sa aming dalawa. “Uhm, you dragged me here and locked the door so... what am I supposed to do?”

“Baka kasi manahimik ka lang or something... kasi this is important.”

“What about it?”

“Yes, that 'it' you're talking about, is Exellor got beat up by your friends.”

Kita ko ang paglaki ng mga mata niya, at ang bahagyang pagnganga niya. She did it!

“Rhianne naman! Bakit mo ginawa iyon?” I asked her. Para siyang nakabalik sa reyalidad, at kita kong sumeryoso nga siya.

“She deserved it anyway. So, galit ka?”

“Yes. Galit na galit ako sa'yo na nasa point na gusto kong kalimutan yung pinagsamahan natin bilang bestfriends.” giit ko.

Why does she have to do that?! Alam ko galit siya sa akin pero bakit kailangan idamay si Exellor? And coming with Caily makes it worst! How would you freaking fight an MMA fighter?! Nagpapractice si Caily ng MMA since she was 14, at mapahanggang ngayon. So imagine how hard her punches are!

Naalala ko ang pag-uusap namin kanina nang matapos akong mag-snack break. Mabilisan lang iyon pero doon ko nalaman ang mga hinahanap kong sagot.

Nahuli ko siyang naninigarilyo sa labas ng school sa may tapat ng isang tindahan. Pwede naman kasing lumabas lalo na pag ganitong half-day, and I know where she is, dahil nasabi rin sa akin ni Rhianne noon. Nang lapitan ko siya, kita ko ang namuong ngisi sa kanyang mukha at nagbuga ng malaking usok mula sa pag-ihip ng sigarilyo.

“Pwede ba tayong mag-usap?”

“Sure, pretty boy.” Geez, this girl!

Mabilis kong kinuha ang mga picture sa bag ko na tinago ko at pinakita sa kanya lahat iyon. “Ikaw lahat ang kumuha niyan diba?”

Kita ko na natahimik siya, at titig na titig sa mga pictures. “Would you be angry if I did, my boy?”

“So, you took the pictures! Sabi na!”

Beanie GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang