Chapter 45

48 1 0
                                    


Chapter 45: Unbearable II

[PAUL TREVOR'S POV]

Para akong mababaliw sa tagal ng titig ko sa kisame ng kwarto ko. Pakiramdam ko'y wala ako mismo sa katawan ko. Parang lutang lang...

“... Sa pagkakaalam ko kasi, takot ka ring manakit ng tao... pero sa ginawa mo sa kanya, parang nanakit ka na rin.”

Nananakit na ba ako ng tao?

“Sobra yung iyak niya... Napaluhod pa nun siya sa lupa... and you know what she did? Ah oo nga pala, pinagsusuntok lang naman niya yung malaking puno na kalapit lang doon ng parang gusto niyang mapilay sa lagay niya. Her clothes were stained by her own blood from her own knuckles...”

Nasaktan ko ba siya ng sobra?

“Alam namin Trev, alam ko Trev... Alam namin... pero hindi siguro yung extent na kung paano ka naapektuhan dahil doon... pero isipin mo na lang... kung nawalan ka na ng isa... hahayaan mo pa bang mawalan ka pa ng isa pa?”

Napagod na ang mga mata ko sa kakaiyak. Kanina pa ako nakahiga sa kama ko't nakatingala sa kisame.

“Just trust me...”

Lito pa rin ako ngayon. Hindi ko maintindihan ang lahat. Matagal na oras ang lumipas, at nakahiga pa rin ako. Hindi ko alam kung nahihirapan akong huminga, o nahihirapan pa rin akong tiisin ang sakit sa lahat. Hindi ko ma-imagine yung ginawang pagsuntok ni Exellor sa puno. I mean... I've never seen her do that! At napilayan pa siya roon!

Guilt crept up to my head. Siguro nga masyado akong nagpapadala sa emosyon. Nabigla kasi ako, hindi ko maiwasan.

Out of nowhere, bigla kong naalala ang binigay niyang letter na nasa isang putting envelope. Nalapag ko lang iyon sa side table kaya agad kong nakita ito. Tumayo ako sa pagkakahiga ko't inabot iyon, pero sa pagtataka ko'y wala 'tong sulat... kung hindi ang laman ay isang asul na memory card.

Kinuha ko iyon, at saglit na kinuha rin ang laptop kong nakadisplay lang dahil ang gamit ko lagi ay desktop computer. Sandali kong hinintay ang pagbukas ng computer, bago ilagay ang memory card sa slot nito. Lumipas ang ilang mga segundo bago lumitaw sa screenang isang folder na naglalaman ng ilang mga video files at word documents na ang title ay halos, mga petsa. Agad ako na-curious sa isa sa mga videos doon...

'04/11/2007.MP4'

I clicked the file, and in full screen, it played on the screen. Agad na sumulpot sa unang segundo ng palang ng video, si Exellor na nakaupo, nakaharap sa mismong screen... na medyo bata pa... Titig na titig siya sa camera, at rinig kong may nagsasalita sa background na sa tingin ko'y... pulis.

“Lahat ng sasabihin mo ngayon ay pwang katotohanan lamang... Naiintindihan ba?”

“Opo.” sagot niya.

“Ngayon, ay pwede mo bang ilahad ang iyong testimonya ukol sa kaso ni Collias, Raoul?”

Matagal siyang tumitig sa camera, bago sumagot. “A-Araw ng ika-siyam ng Semtyembre, ay bigla akong nagising sa kalagitnaan ng gabi, nang marinig ang isang kalabog mula sa baba. Matatagpuan kasi ang kwarto ko sa ikalawang palapag ng bahay namin... Noong una, ay hindi ko iyon pinansin, ngunit bigla akong nakarinig ang mga yapak kaya agad akong napatayo sa kinahihigaan ko't piniling bumaba para tingnan kung ano iyon... ”

Beanie GirlWhere stories live. Discover now