Chapter 47

80 1 0
                                    


Chapter 47: His Beanie Girl (Final Chapter)

[PAUL TREVOR'S POV]

Imbes na matulala sa usual na kisame ng kwarto ko, hindi ko inaasahan ang pagmulat ng mga mata ko, para lang makita ang isang nakakasilaw na ilaw, na parang napansin kong... hindi pangkaraniwan.

Ramdam ko ang panghihina, pero pinilit kong lumingon sa paligid-ligid, at doon nakita kung gaano kaputi yung kwarto, na konti lang ang lamang gamit. Pero and nakapukaw ng atensyon ko, ay ang isang dextrose na nasa kanan ng higaan ko– wait...

I-I'm in a hospital??

Kahit papaano'y hindi ko na nga maramdaman ang tindi ng sakit ng ulo ko. Siguro nga para akong baliw ng makita agad ang anti-depressant pills sa drawer ko. Siguro nga baliw ako para inumin lahat ng laman noon, at walang inisip kung hindi, and kadiliman na sumakop na sa mga mata ko.

Hinintay ko ang ilang segundo, para maramdaman ang pagkawala ng hininga ko.

Maramdaman ang hilo sa aking mga mata.

Maramdaman ang matinding panghihina ng katawan.

Maramdaman ang mga huling luha na babagsak mula sa mga mata ko.

Maramdaman ang matinding kirot sa ulo ko.

Maramdamang mawala na sa mundong ito.

Pero... nang marinig ang kanyang tinig, bakit parang gusto kong bawiin lahat ng mga iniisip ko? Bakit ganoon? Bakit nakaramdam ako ng inis sa sarili ko, at parang binalewala ko ang lahat-lahat ng sakripisyo ng mga taong ang nais lang ay mapabuti ako?

I couldn't explain the details of what I experienced the whole time I was at my room. It's too depressing to discuss.

Ngayong nasa iba akong kwarto, ay para bang nawala ng saglit ang mga bumabagabag sa isip ko. It's like... I had that peace of mind again. Gagalawin ko na sana ang mga kamay ko, nang maramdaman ko ang mga isa sa mga iyon ay nakasalikop sa isa pang kamay... sa kamay ni Exellor. Kusa akong napangiti ng makita ang ulo niyang katabi ko lang pala, na nakatulog na. Naka-side ang ulo niya, at nakita ko nanaman ang kanyang mukha... imbes na mairita ako dahil wala paring emosyon ang mukha niya sa pagtulog, ay mas lumapad pa ang ngiti ko sa aking mga labi.

“E-Exellor...” pagtawag ko sa kanya, bahagyang napaos pa dahil sa natuyong lalamunan ko.

Gumalaw ang ulo niya ng kaunti, at dahan-dahang bumukas ang mga mata. Nang saktong magtama ang mga mata namin, bigla siyang napatayo sa inuupuan niya't gulat na gulat.

Magsasalita pa sana ako, nang bigla niya akong yakapin. Yakapin ng pagkahigpit-higpit. Para muli akong nabuhayan. Nakaramdam ako ng bagong enerhiya mula sa yakap niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap, at tiningnan ako ng parang hinahanap kung may masakit pa ba sa'kin.

Handa akong kalimutan ang sakit, basta makita kita.

“Y-You're a-awake?”

“Of course. Bukas ang mga mata ko. Nako, nawawala yata yung pagiging pilosopo mo ngayon?” I tried to pull a joke, kahit na parang bibigay na ako sa harapan niya dahil gusto nang bumagsak ng mga luha ko. Dahil sa hindi maipaliwanag na saya.

“I-I'm j-just... I-I... ” napaiwas siya ng tingin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nagiging reaksyon niya.

Bigla ko siyang sinuggaban ng halik. Nanigas pa siya dahil sa pagkabigla, pero hinalikan niya ako pabalik. Hindi ko alam kung saan ko ba ipopokus and sarili ko. Sa saya bang bigla kong naramdaman, o sa tamis ng halik niya. Parang gusto ko malimutan lahat ng sakit at lungkot, dahil sa mga oras na gusto ko nang maglaho, ay dumating siya. Dinig ko pa ang nag-aalalang boses niya ng ramdam ko na ang panlalamig ng katawan ko, na siguro'y epekto ng gamot. She called my name, as if to wake me up from a nightmare.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now