Chapter 38

47 2 1
                                    


Chapter 38: Nueva Ecija's Welcome

[PAUL TREVOR'S POV]

"Yeah men! We're in!" masayang anunsyo ni Kylie ng maipasa ang pirmadong waiver niya sa guro na nasa harap para sa Nueva Ecija field trip ng klase. Ang kinasaya pa niya ay ang katotohanang pwedeng mag-stay pa ng 3 days, na naka-depende sa estudyante at magulang. At dahil isa siyang Guevarra, ay sasama iyan panigurado kahit hindi ko sabihin ang plano ko na sasama ako dahil kay Exellor.

Bigla akong natungo sa lugar niya at napakunot ang noo ng mapansing hawak niya ang waiver niya ngunit titig na titig lamang siya rito. Bigla akong kinabahan.

May pirma na kaya iyon? Ano bang meron? Sa kanya ba iyon? Ayaw ba niyang bigay iyon?

Gulat ako ng bigla niya iyon itago sa bulsa at hindi nga nagpasa. SHT!

"Hanggang mamaya na lang ang passing ng waivers, at kung sino man ang magpapasa pa'y dumiretso na sa faculty ng Senior High, diyan lang sa ground floor, understood?" paalala pa ng guro na napadaan sa room para mangolekta ng waiver.

Lahat kami'y tumango, bago na-pokus muli ang atensyon sa gurong magtuturo talaga sa amin.

Pero naglayag ang utak ko sa kung saan. Lumingon ako kay Exellor at naguluhan ng pati siya'y huli kong nakatitig sa akin. Hindi ko man mabasa ang mga emosyon sa mata niya pero... nakaramdam ako ng lungkot dahil agad nitong iniiwas ang tingin at nakinig muli sa guro.

Parang bumagal ang oras sa mga sandaling iyon, lalo na nang sumagi sa isip ko ang planong kausapin na talaga siya. Dahil gustong-gusto ko na siya muling makausap at makasama. How I missed it so much. At papatunayan ko sa kanyang she deserves me.

***

Maya-maya pa ay dumating na ang lunch break. Nagpaalam talaga akong hindi sasabay sa mga kaibigan dahil balak ko na munang sumabay kina Exellor para sa intensyon ko. Magkaiba parin naman kami ng table dahil mas pipiliin niyang kumain ng tahimik sa table.

Hindi ko lang yata maisip kung kailan naging tahimik si Jamiel.

Naramdaman ko ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko ng makuha na ang tray kung saan nakalapag ang mga pagkaing na-order ko para sa'kin na nasa counter at dalhin iyon tungo sa mesa ni Exellor. Dahan-dahan ang paglalakad ko... pero hindi ko malaman kung talaga bang nilalaro ako ng tadhana ng maliwanagang MAG-ISA LANG SIYA ROON!

Mabilis akong lumingon sa table namin ngunit mas lalo yatang lumaki ang mata ko nang makitang nakaupo na doon sina Jamiel at Chris! WHAT?! Kahit hindi ko rining ang napaka-obvious na bungisngis ni Kylie ay sinamaan ko siya ng tingin. Pero nag-peace sign lang ang hamag!

"Kaya mo iyan, Torps!" basa ko sa mga bibig niya. Talagang binigyan pa 'ko ng nickname! Baliw! Kapag sila ang inasar ko ni Greg diyan!

[a.n. // Torpe ang ibig sabihin ni Kylie sa Torps]

Nandoon na rin si Greg na pinagtatawanan rin ako, at si Jayvee na nagbigay ng thumbs up. Ngiting-ngiti naman si Jamiel, at si Chris lang ang may tipid na ngiti. Napa-iling na lang ako hanggang tinahak ang daan tungo sa table ni Exellor. Pero ilang inches pa lang ang katawan ko sa kanya ay bigla siyang tumukhim.

"Yes?" mahinang tanong niya. God, nakakabasa nanaman ng presensya!

"Can I sit here with you?" tanong ko pa. Doon pa lang siya lumingon sa likuran niya, at kita ko ang gulat sa mga mata niyang malalalim. Nakahinga ako ng maluwag ng bahagya syang tumango at tinuloy ang pagkain. Bagama't four-seater yung table, ay pinili kong maupo sa bandang harap niya, para magmasdan ang mukha niya. Napangiti ako ng makitang kinakain nga niya ang libre kong lunch.

Beanie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon