Chapter 33

48 2 0
                                    


Chapter 33: Dinner Date

[PAUL TREVOR'S POV]

She's not okay.

Alam kong hindi maayos ang lagay ni Exellor. Fortunately, open siya sa ganoong bagay.

I want her to open up, but she won't. Alam ko ang pakiramdam ng tinatagong hinanakit. Mabigat sa loob. Nakakapanghina. Nakakasakit. Mas masakit pa sa pisikal na sakit.

After that incident, para siyang nanlumo. Hindi ko naman alam kung bakit. Hindi rin siya dumidiretso sa fields.

Everytime I'll ask her why, she would shook her head.

Gusto ko man siya puntahan, ay parang may bumabagabag sa akin na huwag gawin iyon. Sinundan ko ang nararamdaman ko 'cause I feel that's the right thing to do. Pero gusto ko talaga siyang pasayahin. And I think, I'm failing Don Kael, I think I'm failing her.

I won't let that happen.

I can't bear seeing her so... vunerable. Unlike the first time I met her.

“Wala rin kasi akong idea, Trev. Alam mo namang hindi iyon mahilig mag-open up sa iba. Kahit nga sa mga kakilala niya, eh wala rin sila talagang alam tungkol sa kanya.” minsang nasabi ni Kylie ng nagkaroon kami ng pagkakataon para magkausap.

“I... guess...”

“Bakit hindi mo na lang kasi pilitin?” tanong ni Greg. Ngayon ay gumagaling na ang mga bugbog niya sa mukha, na nanggaling pala kay Jayvee.

Yes. Amidst of all the drama that's been happening between Exellor, Rhianne and me, ay mayroon na rin palang drama kina Greg, Kylie and Jay. Somehow they didn't tell me since... I was too busy with my own problems. Naiintindihan ko naman pero I'm their bestfriend for heaven's sake!

Unknown to Jay, nililigawan na pala ni Greg si Kylie. That's... actually against our bro code. Since kapatid ni Jay si Kylie, Greg and I, weren't allowed to court Kylie. Ang kaso, sikreto pala ginagawa iyon ni Greg, and... I must say... Kylie liked him back. The issue is, hindi niya masagot kase nga, nagalit ang kapatid dahil sa ginawang pagsira sa bro code. 

And since that incident, Jay had been distant to us. Kaya ang lagi ko lang nakakausap, ay si Kylie at Greg. Kahit na parehas yatang may sira ang ulo ng dalawang iyan, ay pinagkakatiwalaan ko naman sila pagdating sa mga problema ko.

“What do you mean? I respect the girl, Greg. Ayokong makisosyo na lang sa buhay niya ng ganun-ganon na lang.”

Napailing ng mabilis si Greg, “No, no, bro, that's not what I meant,” umupo siya sa beanbag na malapit lang sa kama ko where I am sitting, “What if... she's waiting for you to... make a move?”

“Make a move?”

“You told us your interpretation about her. Ang sabi mo, she looks like she's anticipating for something to happen. Malay mo it's about you. Malay mo eto na yung pagkakataon niya na mag-open up sa'yo, and she's waiting for a response from you, seeing if it's okay.”

Nalito pa rin ako sa mga sinabi niya.

“... Can you get any more clearer than that?”

Beanie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon