Chapter 42

61 2 0
                                    


Chapter 42: Campfire

[PAUL TREVOR'S POV]

Nang dumating na ang gabi, ay pumaikot kami sa campfire pagkatapos kumain ng dinner at naglinis na rin ng katawan. Kahit na nakakain na, ay nagdala pa rin kami ng snacks just in case. Nagpapahinga lang kami matapos nung color run. Talagang napagod ako doon. At paniguradong sila rin.

Biglang naglabas ng gitara mula sa likuran si Jayvee, na ikinagulat ni Kylie.

“Jay, sa dami ng bagahe mo, pano mo nadala iyan?!” tanong pa niya'y itinuro ang gitara.

“Of course, inside the car. Kailangan ba nasa bag ang lahat ng dadalin...” he smirked after that.

“HAHAHA! BURN–”

“OO GREG, I-BER-BURN KA TALAGA SA CAMPFIRE NA 'TO KAPAG HINDI KA TUMAHIMIK!” agad na singhal ni Kylie kay Greg, na ngumiti na lang at pinigilan ang tawa.

Jayvee started strumming the guitar strings. Marunong maggitara at magpiano si Jay. And surprisingly, he sings too, kung hindi lang talaga niya hilig ang mag-drawing, ay baka siya ay isa sa vocalist ng band namin.

“Lahat ba dito marunong kumanta?” tanong ni Jayvee sa lahat, at inilibot ang mga mata sa amin.

Nagtaas ng kamay si Kylie. “Basta ako Jay, sinasabi ko sa'yo magkakabagyo 'pag kumanta ako.”

“HAHAHAHAHA!” tawa ni Greg.

“Nako... O kayo Chris? Jamiel?”

“We don't.” sabay pa nilang sagot. Tinanguan naman sila ni Jayvee. “Let's jam. I'll sing first.”

Nag-strum ulit siya, at nagsimula nang kumanta.

~Beauty queen of only eighteen, she had some trouble with herself, he was always there to help her, she always belonged to someone else... I drove for miles and miles and wound up at your door... I've had you so many times but somehow I want more...~

Kumpara sa akin, mas brusko ang boses ni Jayvee. Malalim pero kahit anong kanta'y bagay ang boses niya.

~I don't mind spendin' everyday, out on your corner in the pouring rain, look for the girl with a broken smile... ask her if she wants to stay for a while, and she will... be loved, and she will... be loved..~

Gulat naman akong mapansin ang madamdamin niyang pagkanta. Malalaman mo kasi kung talagang may emosyon ang pagkanta o hindi, yun bang ramdam mo ang naramdaman niya (para bang relasyon, ganun), at pikit na pikit pa ang mga mata niya.

Nang matapos siya'y sumunod na kumanta si Rhianne.

~Minsan oo minsan hindi... Minsan tama minsan mali, umaabante, umaatras... Kilos mong namimintas... Kung tunay nga ang pag-ibig mo, kaya mobang isigaw, iparating sa mundo...~

Bigla naman siyang tumingin sa direksyon ni Jayvee kaya nagtaas na 'ko ng kilay ng may mapansing... parang makahulugan yata ang mga kinakanta ng mga 'to! Kahit sina Chris ay nanlalaki rin ang mga mata. Mata pa lang alam na namin. Ang awkward!

~Tumingin sa aking mata, magtpat ng nadarama, 'Di gusto ika'y mawala, Dahil handa akong ibigin ka... Kung maging tayo... sa'yo na ang puso ko...~

Beanie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon