Chapter 41

50 2 0
                                    


Chapter 41: The Colors In Her Eyes

[PAUL TREVOR'S POV]

I had a good sleep kahit nagising ako kagabi. Hindi ko alam kung bakit lumabas ako sa kwarto namin para magpalamig. I mean it's really cozy there in the hotel, pero parang gusto kong makapag-isip isip ng mag-isa. Pero natigilan ako ng makitang sa di-kalayuan, ay nakatayo si Exellor at Rhianne na nakatingin sa dagat sa harapan nila.

Hindi ko alam kung paano ako nagtagal doon. Nakita ko lahat. Kaya ganoon na lang ang pagtataka ko ng makitang yakapin ni Rhianne si Exellor. Hindi naman siya pumalag at kahit papano'y naririnig ko siyang nagsasalita, yun nga lang hindi ko maintindihan bagama't mahina lang ang naririnig ko.

I watched them both feel silence, hanggang tumayo si Rhianne. Agad akong nagtago ng makita ko siyang tumalikod sa kanya para bumalik na sa hotel, pero nakakailang hakbang pa lang siya tungo doon ng marinig ko ang mahinang sambit ni Exellor sa kanya:

“If you weren't Rayanne's daughter, we would've have been bestfriends...”

Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero para akong nakaramdam ng tuwa sa mga sinabi niya.

Tumawa ng bahagya si Rhianne, bago magsalita: “Earlier. There's still room for that. Goodnight... Jaizen...”

Iyon ang hindi ko inaasahan. Jaizen? Why did she call her Jaizen? Tingin ko'y hindi lang niya apelyido ang iba sa birth certificate niya. Pero, her name... it's Greek, at baka kailangan talaga niya mag-iba ng pangalan dito.

Pinanood ko lang doon si Exellor na umupo, hanggang ako na ang nagdesisyon na lumapit. Pero ng maabutan ko siya doon, ay kita kong nakatulog siya.

Agad akong bumangon sa kama, ng makitang si Greg na lang ang tulog. Hinanap ng mga mata ko si Jayvee, pero ang nakita ko lang sa kwarto ay si Chris, na kumukuha ng gamit sa closet.

“Chris, 'san pala pumunta si Jay?”

“Hmm... Nasa baba na siya, kasama yung mga babae para mag-lunch. Sunod na lang daw tayo, tsaka magdala na rin ng damit kasi mag-si-swimming daw.”

Napag-alaman kong tahimik na tao si Chris. Hindi ko alam kung dahil talagang ganoon siya o dahil nahihiya siya sa amin. Pansin ko naman kasi na close na siya kay Jay dahil sa tryouts last time. Pero tulad ni Exellor, ay sasagot siya in a straightforward manner.

Hmm... Kaya pala nagkagusto kay Exellor! Hmpt!

But Exellor sure got some... weird friends.

Niyugyog ko si Greg para magising pero antok niyang itinaboy ang kamay ko.

“Mmm... stop that... Kylie...”

Agad akong napangiwi at nilakasan ang yugyog sa kanya, na may kasamang palo sa braso niya. Agad-agad namang bumukas ang mata niya't tumingin sa akin ng masama.

“Dude, ba't mo 'ko pinalo?!”

“Ayaw mong magising! Talagang napapaginipan mo pa si Kylie! Sheesh!

Natawa siya, ng bumangon, at umiling-iling, “Kapag ikaw...”

“Anong ako??”

“Kapag ikaw napaginipan mo si Exellor...” ngising-ngising bulong niya.

Napaginipan ko na nga nung minsan!

Binigyan ko na lang siya ng masamang tingin na ikinatawa naman niya. Maya-maya pa'y bumaba na kami ng nakapag-ayos na. Buti na lamang at kakalagay lang ng mga pagkain sa mesa ng makarating kami roon ni Greg.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now