Chapter 43

54 1 0
                                    


Chapter 43: Miracle

[PAUL TREVOR'S POV]

Pagod ako ng pumasok ng bahay, dala ang iba pang mga bagahe ko galing biyahe. May malaking ngiti sa mga labi ko nang makita ko si Manang at agad akong tinulungan.

“Oh, musta po kayo?” kumusta ko naman sa kanya.

Pero imbes na ngumiti ito bumalik, ay pansin ko ang pag-ngiwi niya. “Ayos lang naman, kaso yung ama mo, masama yata ang timpla... Eh kanina lang, ay nagbasag ng mga plato't baso!”

Nagbasag ng... what?!

“Nasaan po ba siya?”

“Umalis lang kanina. Kung gusto mo kumain ay mayroon dyang tinola sa kaserola. Buti na lang at nakapagluto na ako bago pa siya nagdabog. Kinailangan ko pang maglinis ng sandamakmak na bubog.”

“Alam niyo naman po iyon. Salamat na lang po.”

Agad akong umakyat patungo sa kwarto para maligo't matulog na rin dahil napagod nga ako sa biyahe. Masasabi kong hindi man masyadong nagtagumpay sa plano kong pasayahin siya, pero natupad ang naiisip kong magiging ayos kami, bagama't hindi pa siya handa talagang magsabi ng kung ano pang nasa isipan niya.

Kinabukasan, ay agad na akong naghilamos at bumaba para kumain ng lunch. Nakahanda na ang mga pagkain, pero parang ako yung kailangang maghanda dahil makakasama ko nanaman si Papa.

Nang umupo nga ako, ay pansin ko na ang matalim niyang pagtitig sa akin. Pinilit ko na lang siyang hindi pansinin at kumain noon. God, everything felt like forever.

I chew, he chews, I drink water, he drinks too.

Parang bawat segundo sa'kin, ay nagiging taon dahil lang ang awkward ng eksena sa'ming dalawa!
Wala kang maririnig kung hindi ang kaluskos ng mga kubyertos namin sa plato, at ang mahinangn tunog ng TV sa living room. Nang hindi ako nakatiis, ay agad akong napatayo at pumunta ng living room. Nanood ako ng TV at kahit papaano'y nawala ang kaninang irita at hindi kumportableng damdamin sa kanya, pero ganoon na lang ang gulat ko ng magsalita siya mula sa likod ko.

“Hindi ka ba nakikinig sa mga sinasabi ko?!” mahina ngunit galit na tanong niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa't hinarap siya.

Parang nag-uusok na ang ilong niya sa galit! Pulang-pula ang mukha niya't lumalabas na ang mga ugat sa leeg niya!

Sobra talaga siyang galit... e saan?

“Eh wala naman kayong sinabi kanina...”

“A-Anong walang sinabi?! Are you out of your mind, Trevor?! Remember what I told you about that girl?”

Napabuntong hininga ako, “Kahit anong sabihin mo Dad, hindi ko siya–”

“Alam ko na nagsama kayo pagkatapos ng field trip ninyo!” singhal niya. Bahagya akong natigilan, as of why he knew I was there with her.

“Wala akong magagawa kung hindi ang ituloy ang aya ni Mr. Hemphrey na ipagkasal kayo ni Alyana!!”

WTF?! “Do you even know what you're saying Dad?! Kahit kailan hindi ako magpapakasal doon!”

Beanie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon