Chapter 39

56 2 0
                                    


Chapter 39: Hidden Follower

[PAUL TREVOR'S POV]

“Students! Pumila ng maayos!” sigaw ng teacher namin na nasa harap na ng mismong entrance ng museum na pupuntahan namin. Eh pano ba naman, sa sobrang ingay, ay wala nang magkaintindihan. Sa bagay, lahat ay excited makita ang Palawan, kahit pa wala man kami sa parte kung saan may beaches. Pero doon pa lang sa isipan mong malapit ka lang sa tubig ay mapapahiyaw ka.

And it's not our idea na mag-field trip sa Nueva Ecija. Masyadong sosyal ang Florentin. Dinaig pa yung Princeton University, yung partner naming school.

Nang makapila na ng maayos, ay nagsimula muna silang magbilangan ng mga students, at nag-check kung may partner ang bawat isa. Napalingon tuloy ako kay Exellor, na kanina ko pang napapansing pa-lingon-lingon sa paligid.

Hmm... masyado naman yatang na-amaze sa Cabanatuan?

Naririnig ko naman si Kylie and Greg na kaharap lang namin na nag-bubusitan nanaman. Kailan kaya sila titigil sa bangayan??

“Sabi ko nang 'wag mo hawakan kamay ko! Ih! Mamaya kung ano-anong pinaghahawak mo! Ang lagkit!” singhal ni Kylie, at kitang kita ang busangot na mukha, kaharap si Greg na sobrang ngisi.

“Wala naman masama ah? Bakit? Bakit nga ba ganoon kamay ko?” pang-aasar pa nito.

Ñeta!” singhal pa niya muli, at pinag-krus ang balikat.

Napailing ako, at tinanaw pa sa di-kalayuan sina Jayvee at Rhianne na nasa may bandang unahan ng linya. Kumpara kina Greg a Kylie, mas masinsinan ang usapan nila at para bang malalim ang pinag-uusapan. Minsan nga gusto kong tanungin iyan tungkol kay Jayvee pero pakiramdam ko'y wala ako sa posisyon kung magtatanong man.

Nang pinapasok na nga kami, ganoon na lang ang mga mata ko sa paggala sa bawat sulok ng museum dahil napakaganda talaga! Kahit pa musuem, ay halatang alagang-alaga ito dahil sa bawat kulay ng sulok ng mismong lugar ay nakaka-antig ng emosyon. Ngiting-ngiti ang aming tourist guide na halos sabihin lahat ang bawat detalye na naroon sa museum.

“Hello students! I'm Shane, your tourist guide for today to witness the history of Nueva Ecija! Sadyang hindi masyadong recognized ang museo na ito kaya naman nagpapasalamat ako sa Florentin High dahil binigyan kayo ng oportunidad na makita at mabalik muli sa nakaraan ng Pilipinas, lalo na, noong ikalawang digmaang pandaigdig. Tara, at ako'y sundin ninyo!”

Galak naman lahat sumunod sa kanya, habang isa-isa kaming pinapasiyal sa mga artifacts na nakadisplay lang sa malalaking glass displays. Halos lahat ng nandoon... ay luma. May nakita pa kaming mga lumang revolver, rifles at mga kasuotan pa ng mga sundalo na naka-display na nanggaling pa sa panahong World War 2.

From old stones, to jeeps, nakakamanghang tingnan ang mga naka-display roon. Kahit sina Kylie and Greg na maingay kanina'y natahimik, dahil nga talagang wala akong masasabi sa mga iyon. Napanatili ang mga gamit, at parang hindi naman ginamit noon. Doon pa lang sa mga kulay, ay ramdam ko na para akong ibinabalik sa nakaraan.

Sobra sigurong hirap ang naranasan nila...

Matapos mapasyal ang buong lugar, ay hinayaan kaming mag-liwaliw para naman lapitan kung anong gusto naming tingnan sa mga bagay roon at mas alamin pa ang tungkol rito.

“Oy dude, puntal lang kami dun sa mga rifles.” paalam pa ni Greg, at parehas sila ni Kylie na pumunta sa malayo.

Ngiting-ngiti ako, ng ma-realize na...

NASAAN SI EXELLOR?!

Lumingon ako kahit saan at gulat ako ng hindi ko siya makita! Saan iyon pumunta? Kinuha ko agad ang phone ko at nag-try na i-text siya.

Beanie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon