Chapter 25

70 3 0
                                    

Chapter 25: A 'Threat' For Two

[PAUL TREVOR'S POV]

From: Exellor Oneiro
We will not practice today.

Napakunot naman ang noo ko sa text niya. Ano nanaman kayang trip ng babaeng 'to? Natatawa na lang ako sa sarili ko pag nasasabihan niya ako ng mga 'kasabihan' niyang halos yata kaya niyang i-relate  sa akin.

Nabibilib na lang ako lagi. Sa lahat ng ginagawa niya. But there's this something that I can't explain. The sensations, the weird tingles I felt everytime she says something that would leave my mouth hanging. Lahat ng lumalabas sa bibig niya'y may tagong kataga, na dapat ako lang ang makaalam.

Hindi ko man alam kung ano ang mga iyon, pero hindi ko mapigilang ngumiti dahil may nararamdaman ako sa bawat salita na gusto niyang marinig ko. I feel so damn special for her. And she, she is special for me. I'll show it to her. I just need the right timing.

Again, no assumptions. I learned already.

But damn, I can't get over his freakin' smile–

“UUUUY!”

“Aray!” usal ko ng bigla akong batukan ni Greg! Fckface!

“What was that for?!” bulyaw ko sa kanya habang siya itong ngiti-ngiting nagtataas pa ng kilay sa akin.

“Ikaw ah, kanina ka pa ngumingiteeee!”

“Bakit? Masama bang ngumiti?”

Kita ko ang pagtikhim ni Kylie. “Trev, 'lam mo naman siguro na hindi ka makukulong sa pagngiti diba?” bahid ang pagkasarkastiko sa kanyang tono.

Inirapan ko lang siya, at sila pang dalawa ni Greg ang tumawa. Napailing-iling na lang si Jayvee sa kanila, at nginitian ako. Nginitian ko rin siya, kahit alam kong may gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya iyon magawa.

Napansin ko ang pagbabago niya mula ng nawala si Rhianne. Kung dati, siya ang palakwento sa amin, siya ngayon ang nakikinig, at parang namamasid na lang sa mga kwento ng barkada. Hindi naman gaanong malaki ang kanyang pagbabago, pero nahahalata.

“Kayong dalawa ah...” turo ko kina Greg at Kylie na hindi pa rin tuigil sa kakatawa. “Anong trip niyo?!”

“Ewan!” sabay nilang sagot.

Binilisan ko ang paglakad ko paalis ng school, pero sunod pa rin sila ng sunod sa akin. Tumigil ako, kaya sila rin ay tumigil. What the hunch?!

Kunot-noo ko silang tiningnan. “Bakit kayo sumusunod sa akin?”

Hindi sila sumagot, at binigyan nila ako ng isang malaking ngiti. You mean, ngisi.

“Guys, you can't follow me.”

“Bakit? Saan ka ba pupunta?”

“Kay Exellor.” I answered, so straightforwardly.

“Luh, alam mo bahay nila?? Uy sabihin mo naman saken para puntahan ko siya minsan tas mag-night out kami!” aniya Kylie.

“Hindi e. May lugar lang kung saan kami nagkikita... kaya lubayan niyo na ako! Bye na!” talagang minadali ko ang pagsakay ko sa motor ko para makapunta na sa fields, at dahil nga doon ay nilubayan rin naman ako ng mga kaibigan ko! Thank for that!

“UY! MAY GIG SA FRIDAY AH!” paalala pa ni Greg sakin.

***

Atat na atat akong tumakbo tungo sa same spot namin doon sa fields ni Don Kael para makita si Exellor.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now