Chapter 21

74 3 0
                                    


Chapter 21: A Wish Right Now



[PAUL TREVOR'S POV]

Napagdesisyunan ng lahat ang mag-campfire ng 9:30. Nasa labas ang lahat, nakapabilog sa napakaliwanag na bonfire, kung saan nag-iinit sila ng marshmallows on a stick, na akala ko sa cartoons lang nag-eexist.

Patuloy ko lang pinapanood sina Jacob at ang pamilya niya na tumawa at magsaya, dahil sa kaarawan niya.

How I envied their happiness... How I wish I can laugh with my Dad, not thinking about marriage, business, and other stuff that concerns my well-being and his... Sana kahit sa isang pagkakataon lang, ay makita ko na ngumiti sa akin si Dad dahil sa mga nagagawa ko.

Aaminin ko na talagang inggit ako. Sobra-sobra sa inaakala ko. Yung kaninang sigla ko'y nawala. Masaya pa rin naman ako dahil sa nangyari kanina sa school, pero ang bigat rin pala maaala ang sariling pamilya. My reality.

Bakit ba sa tuwing may mangyayaring maganda, ay susundan ito ng isang mapait na rebelasyon? Bakit sa tuwing may makukuha ka, na inaasam-asam mo noon pa, ay may mawawala? Bakit kaya?

Gusto ba ng mundo ang balanse?  Pero bakit ganoon, bakit may nakakalamang? Bakit mayroong bumababa?

Nakakainis. Bakit ba sa sobrang yaman namin, e pinalitan iyon ng isang sirang pamilya, nakakainis! Pinanood ko na lang ang sumasayaw na apoy sa aking harap, na halos nagbigay liwanag sa gabing madilim na iyon. Para na akong nabingi sa mga usapan nila. Habang tumatagal, mas nararamdaman ko ang lamig sa buong katawan ko.

How funny, ang dapat na epekto ng alak ay init, pero bakit ang lamig?

At imbes na wala na akong malasahan sa iniinom na wine, bakit hanggang dibdib ay ramdam ko ang pait?

Nagpaalam na ako kay Manang through text na gagabihin ako, at sinabi ko na lang ay dahil pumunta ako sa isang party. Hahayaan naman ako noon basta makapagtext ako kung okay lang ba ako.

Biglang nagawi ang tingin ko kay Exellor, na kita kong nakatayo sa may dulo, sa bandang kaliwa ng mansion, at titig na titig pala sa akin. Sa mga tingin niyang iyon, ay parang gusto niya akong lumapit... pero... hindi, parang gusto talaga niya akong senyasan na lumapit.

Dahan-dahan akong tumayo, at nagpaalam sa kanila para lapitan siya. Pero bago pa man ako makalapit ng ilang metro, ay siya 'tong tumalikod at naglakad papunta sa likod ng mansyon. Sinundan ko na lang siya, hanggang marating ang napakalaking taniman ng mga bulaklak at gulay!

Napatingin ako roon. Maraming mga uri ng bulaklak ang nakatanim roon, mula sa mga rosas, hanggang carnations. Nakahilera ang lahat, na parang nakapila sa harapan mo at bawat pila'y may iisang kulay, na tila iba sa kabilang grupo ng pila. Ang kukulay nilang lahat, ngunit hindi iyon ganoon maaninag dahil sa dilim ng kalangitan.

“It seems that you're thinking way too deep than usual...” biglang nagsalita si Exellor, na ngayon ay diretso ang tingin sa mg bulaklak.

“Yeah...”

“The sight of them makes you feel uneasy and weak... Just like how colors fade into the darkness...” bulong niya, pero tama lang para marinig ko. Alam ko namang hindi na siya nag-mind reading doon, she's atually observing me.

Beanie GirlWhere stories live. Discover now