Chapter 17

67 1 0
                                    


Chapter 17: Feelings Untold

Pagmulat ng mga mata ko. Siya agad ang nasa isip ko for unknown reasons.

Kamusta na kaya siya? What is she feeling right now? Kumain na kaya–

Why am I asking those?! 

Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba tungo sa dining room kung saan naabutan ko na si Manang na naghahain na ng lunch. Nanlaki ang mga mata niya ng saktong magtama ito sa aking kabuuan.

“AY! IKAW TALAGA BATA KA– Delikadeza naman, Sir Trevor! Magbihis ka roon!” suway nito at bumalik sa kusina para kunin pa ang ibang ulam na ihahain. Sinuot ko naman yung t-shirt na dala ko at umupo na. Pagkabalik niya ay siya na rin 'tong umupo para sabay na kaming kumain.

“Hindi pa po uuwi si Papa?” tanong ko kay Manang.

“Ay, ewan ba kay Timothy! Kung saan saan na lang napapadpad dahil sa negosyo niyo! Di man lang nagsabi sa akin.” aniya manang sabay kuha ng isang mangkok ng kanin.

As always. Dad's always absent.  -__-

“Anyway...” tumikhim ako. “Kumusta naman ho kayo?”

Natigil siya sa ginagawa at natingin sa akin na para bang natatawa. “Kita mo naman siguro ako Sir Trevor. Buhay na buhay pa! Ay, oo nga pala! Darating yung mga kaibigan mo maya-maya! Sina Guevarra tsaka si Mercado.”

Maya-maya nga, pagkatapos ko maglunch, ay dumating sina Kylie at Gregor. Naka usual na baggy t-shirt at camo pants si Greg meanwhile, Kylie's still on her so-called 'own fashion sense' wearing a noticable black baseball cap.

Kahit kailan talaga hindi 'to nagpakababae. Ang weird!

Parang, parang si Exe–

“Bruh!” bati ni Kylie sa'kin.

“Trev! Bro! What's up?!” bati naman ni Gregor, at binigyan ako ng yakap.

“Kayong dalawa ah? Anong trip niyo at bakit nabisita kayo ngayong weekend?”

“Well...bruh, nakakaboring sa bahay. Jayvee's on some duty work today, tapos si Rhianne, e hindi makakasama dahil busy daw. Dapat talaga buong squad kaso si Gregor lang nadala ko bruh, tsaka hindi naman ikaw yung tipong palalabas ng bahay kaya kami na lang pumunta.” aniya ni Kylie.

“Tsaka... bro,” kita kong inakbayan ako ni Greg. “parang may something na sa'yo e no? Ang weird mo lang this past few days. At talagang binulgar na iyon ni Kylie.”

WAIT, SHE TOLD HIM??!!

Agad akong napatingin kay Kylie, and gave her a 'why-did-you-do-that?!' look, but she just shrugged. Siya lang naman ang hinigan ko ng advice about this!

“Alam mo, nakahalata na si Kuya eh. Tsaka let's face it, friends can't keep secrets from each other kaya.. ayan.” eksplanasyon pa ni Kylie na lalong ikinahiya ko pa!

Pumunta kami sa kwarto ko at doon na lang nagtipon or some sort. Pinagdala na lang kami ni Manang ng snacks pero wala ako sa mood kumain dahil kanina pa ako inaasar ni Gregor dahil nalaman niyang nagkakagusto ako kay Exellor.

“AYYIIIEE!! NAKU PO TREVOR BINATA KA NA! GRABE KA! DI KA MAN LANG NAGSASABI AH! MAAAY KRASSS NA! KINIKILEEEEEG!” pasigaw na asar pa nito na nakaupo sa floor, katabi si Kylie na humagalpak lang sa kakatawa. Ako 'tong nakabusangot at pilit na dinidistract ang sarili sa panunuod ng TV na nakaupo sa kama ko.

Sabi na. Kaya ayokong sabihin sa kanya. AYST!

Nakakaasar! Alam ba niya yung personal space?!

Beanie GirlWhere stories live. Discover now