Chapter 1A

2.6K 82 28
                                    


CHAPTER 1

"I AM taking my indefinite vacation," walang anumang deklara ni Ezio, sabay hablot sa kanyang coat.

Biglang napatayo ang kanyang ama. "Ezio San Victorio!" Dumadagundong ang boses nito at hinampas pa ang mahogany office table.

Wala siyang pakialam. Dumeretso pa rin siya sa paglayas ng opisina ng ama. Wala naman talaga siyang pakialam sa business ng ama.

Si Matthew Zane San Victorio, isa sa mga pinakakilala at tinitingala sa mundo ng mga manggagamot, ang kanyang ama. Isa ito sa mga nagmamay-ari ng San Victorio Medical Center sa Makati City. May share of stocks din ito sa isa mga pinakamalaking medical laboratory sa bansa.

At lahat ng iyon ay sa kanya iiwan ng ama kapag daw nawala na ito.

Ah! Ezio didn't want any of those. Wala siyang interes sa kayamanan ng ama. Ang gusto lang niya, ibalik nito ang kanyang mama. Iyon lang.

Six years old siya nang biglang mawala ang kanyang ina. Alam niyang ipinahanap ito ng ama sa mahabang panahon. Pero nagising na lang din siya isang araw na may iba-ibang babae na siyang nakikita sa loob ng bahay nila. Sa edad na labing-lima, nakaramdam siya ng paghihimagsik sa mga nakikita.

"I don't want any of your concubine inside this house!" galit na sita niya sa ama na kakalabas pa lang ng silid nito at pupungas-pungas pa.

"Shut that dirty mouth of yours, Ezio!" Parang nagising si Matthew sa pag-angil ng anak. "This is my house. I can do anything I want. And for the record, I am your father. I didn't raise you to be disrespectful to me."

Ayaw niyang paniwalaan na naririnig niya iyon sa ama. Ezio once thought it was out of his father's depression. Maraming taon na ang dumaan pero hindi pa rin nila nakikita ang kanyang ina. Walang tumatawag na kidnappers for ransom, kung sakaling na-kidnap nga ito.

And he was very depressed, too. Dapat silang mag-ama ang nagdadamayan sa ganitong estado ng buhay nila. Pero paano siya magre-reach out sa ama kung ganitong nagsasarili ito ng mundo?

"Kung hindi ko pa alam, malamang na nagsawa na ang mama mo sa atin kaya siya umalis. Hindi naman puwedeng huminto na lang ang buhay natin dahil umalis siya. Paano kung masaya naman siya sa kung nasaan man siya ngayon? 'Tapos tayo ay nananatiling miserable?" dagdag pa ni Matthew na ipinag-init ng ulo ni Ezio.

Nagtagisan ang mga bagang niya at naikuyom ang mga kamao. How could this man think of his mother that way? Paano kung kabaligtaran pala? Paano kung naghihirap ang sitwasyon ng mama niya ngayon?

Alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang ina at ganoon din ang huli sa kanyang ama. Bakit ito nag-iisip ng ganoong bagay tungkol sa kanyang ina?

"Bawiin mo 'yan. Imposibleng nagsawa na si Mama sa 'tin. Mahal niya tayo," mahina pero mariing sabi niya sa ama.

Pero walang ginawa si Matthew kundi talikuran at lagpasan siya. Humabol si Ezio sa ginoo na dumeretso sa pagpasok sa komedor.

"I said take it back!"

"Good morning..." bati ng kung sinong babae, sabay abrisete kay Matthew.

Lalong naghimagsik ang loob ni Ezio pagkakita sa eksena.

"This is Dahly, Ezio. She'll stay here with us starting today. May mga... Ezio! Come back here!"

Hindi niya pinansin ang pagsigaw ng ama. Tinalikuran niya ang dalawa at dumeretso sa kuwarto niya. Noon din, nag-empake siya at umalis ng bahay. Hindi na niya kaya ang ginagawa ng ama.

Tumira si Ezio sa bahay ng isa sa mga half siblings ng kanyang ina. Oo, may magkaibang pamilya na ang kanyang lolo at lola. Nag-migrate ang kanyang lola sa Canada kasama ang pamilya nito. Ang kanyang lolo naman ay nagpakita sa kanila noong five years old siya, humihingi ng tulong dahil may sakit ang kanyang tito. Pero nauna pang namatay ang matanda sa isang vehicular accident.

Kapos sa yaman ang kanyang Tito Conrad at iniwan na din ng pamilya nito. Pero mas pinili niya ang buhay kasama ito kaysa naman mag-stay siya sa bahay ng ama na araw-araw makikita ang pagtataksil nito sa kanyang ina.

Sa edad na labing-anim, pinag-aral niya ang sarili kasabay ng pagtatrabaho at pagsuporta sa pamumuhay nilang magtiyo. Hindi siya humingi o tumanggap ng tulong mula sa ama na mukhang nawalan na din ng pakialam sa kanya. Hindi din siya nawalan ng pag-asa na isang araw, magkikita sila ng kanyang ina.

But worse things came to worst. Kaka-graduate niya lang ng Medical Technology nang madiskubre niyang sangkot sa bawal na gamot ang tiyuhin. Wala siyang ganoon kalaking pera para masuportahan ang bawat hearing sa kaso nito, bukod pa nga sa iginagapang lang niya ang gastos sa pag-aaral.

Noon umeksena ang kanyang ama. Tutulungan sila nito sa kaso ng tiyuhin, sa kondisyong babalik siya sa bahay nito at sa San Victorio Medical Center magtatrabaho. Ite-train din siya nito sa pagpapatakbo ng ospital.

He didn't have a choice then. Hindi niya gustong mabulok sa bilangguan ang kapatid ng kanyang ina. Na kung tutuusin, mas naging ama pa sa kanya kaysa kay Matthew.

At ngayon, pagkalipas ng marami-rami ding taon, abswelto na si Tito Conrad sa kaso nito. Habang siya ay nagtuloy sa pag-aaral ng Medicine dahil iyon ang kondisyon ni Matthew kapalit ng pagtulong nito sa kaso ni Tito Conrad.

Kapapasa pa lang niya sa medical board exam at gusto na niyang makalaya sa manipulation ni Matthew. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila magkasundong mag-ama.

Ezio was taking his indefinite leave, sa ayaw at sa gusto nito.

Dumeretso siya sa kanyang itim na Toyota four-wheel drive. Basta lang niya ibinalya ang overcoat sa loob at pinatakbo ang sasakyan.

"Now, where to?"

A/N:

FB Fan page/FBGroup:

https://www.facebook.com/OfficialGazchelaAerienne/

https://www.facebook.com/groups/354433525010560?refid=27

Precious Online Store:

https://www.preciousshop.com.ph/home/

https://preciouspagesebookstore.com.ph/)

Precious Hearts Pocketbook Page:
https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/

Booklat Page:

(https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/)

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now