Chapter 2A

1.5K 74 3
                                    


CHAPTER 2

"THIS is life! Whooah!"

Pasuray-suray na naglalakad si Ezio papuntang upper deck ng private yacht ni Matthew. Bitbit niya ang isang bote ng mamahaling alak galing sa collection ng ama. Matapos i-reject ng mga kaibigan niya ang invitation na mag-happy-happy, mag-isa na lang siyang naglasing sa yate ng ama.

Ah! Saan ba puwedeng pumunta? Hindi naman nagagamit ni Matthew si Cromwell--ang yate nito--kaya siya na lang ang gagamit.

Pagkaakyat, agad na sinalubong ng hanging dagat ang lasing na si Ezio. Napangiti siya sa sarili. Kailan ba sila huling lumaot na mag-anak?

Ewan.

Napakatagal na.

Sa sobrang tagal, hindi na niya maalala.

Dumeretso siya sa may railings at sumampa para mas i-enjoy ang view. Kaya lang, hindi niya ma-enjoy. Nagbu-blur ang kanyang tingin sa tubig-dagat. Ibinato niya nga ang bote. Balak pang sigawan ni Ezio ang dagat para patigilin sa pag-alon. Pero bigla siyang natigilan nang may marinig.

"Bakit mo itinapon? Sayang naman! Ibinigay mo na lang sana sa akin."

Nagulat na napabaling siya sa direksyon ng nagsalita. Tama ba ang nakikita niya? A sexy woman with red hair!

Ang ganda nito!

Agad na ipinilig ni Ezio ang ulo. Sobrang lasing na yata siya. Bakit nakakakita siya ng diyosa sa loob ng yate ng ama? Siya at ang mga crew lang sa ibaba ang tao doon. Wala naman siyang inimbitahan na high-class entertainer.

Ilang beses pa niyang pinilig ulit ang ulo pero mas nahilo yata siya sa ginawa. Naramdaman din niya ang paglapit ng babae at mas lalo siyang nagulat sa pakiramdam na binubuhay nito sa kanya. He felt excited to grab her yet, he felt drowsy.

Sa magkahalong pagkahilo at pagkalito, hindi na niya napanghawakan ang composure. Naramdaman na lang din niyang nahuhulog siya.

Pero bakit ganoon? Alam niyang mahuhulog siya sa dagat, pero masyadong payapa ang pakiramdam niya. Lalo pa nang makita niyang nakadungaw mula sa itaas ang babae. He even smiled to himself while looking to the beauty up above. At bago siya lamunin ng tubig, nakita ni Ezio ang pagtalon ng babae sa dagat para siguro sundan siya.

"Dear Lord... Nasa langit na ba ako?"

"WHAT now?" naitanong ni Xeen sa sarili matapos maiahon pabalik sa yate ang lalaki.

Sa labis na pagkamangha niya, bumalik sa pagiging paa ang kanina ay naging buntot na. Gulantang si Xeen. Ano ba ang nangyayari? Bakit siya biglang naging sirena? 'Tapos ngayon, bumalik siya sa pagiging tao.

Epekto pa rin ba ito ng disequilibrium mula sa mundo nilang mga lambana?

At... At...

Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala siyang underwear!

Shit! Napunit yata kaninang maging isda ang kalahati ng katawan niya. Ang igsi pa naman ng dress niya. Paano na ito?

Hinila niya paibaba ang laylayan ng dress para maitago ang dapat itago. Mas lumamig ang kanyang pakiramdam. Luminga siya sa paligid at baka may makakita sa kanya. Pero bigla niyang naalala ang lalaki sa kanyang tabi.

Ah! Hindi ang sariling kasuotan ang dapat niyang unahin kundi ang guwapong lalaki na walang malay!

Nakikita niya sa telescreen ang ginagawa ng mga tao sa mga nalulunod. Mouth to mouth resuscitation.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now