Chapter 19

1K 54 8
                                    

BUMALIKWAS ng bangon si Ezio. Hinihingal siya sa paggising. Alam niyang nanaginip siya ng napakasama. Pero hindi niya maalala kung ano o tungkol saan ang panaginip.

Ramdam niya kung gaano kalungkot, kasakit at nakakatakot, pero hindi niya maalala kung para saan ang mga damdamin na iyon. Napalingon siya sa kanyang tabi, sa kanyang paligid. Bahagya nang sumisilip ang araw sa kalapit na bundok at pumapasok ang malamlam na liwanag sa silid. Iyon ang silid na ipinapagamit niya kay Xeen. At sa pagkaalala niya, buong magdamag nilang pinag-apoy ang kama.

Just the memory of their lovemaking and he felt burning again. Hindi yata mauubos ang pangangailangan niya kay Xeen.
But, where was his muse, anyway?

Bumaba siya ng kama para hanapin si Xeen. Baka kinailangan nitong lumubog sa dagat dahil inubos niya ang lakas nito sa buong magdamag. Dahan-dahan siyang lumabas at ingat na ingat makagawa ng ingay. Ayaw naman niyang magising ang mag-asawang katiwala.

Papunta na siya sa dalampasigan nang mapansing nakagarahe ang midnight blue range rover ni Matthew. Ibig sabihin na nandoon ang sasakyan ay nandoon din ang ama niya? Kailan ito dumating? Anong oras? Ni hindi niya namalayan.
Baka dahil masyado siyang lasing sa kamunduhan kaya nawalan siya ng pakialam.

But he wanted to settle things with his father. Tama naman si Xeen, may pagkukulang din siya sa ama. Masyado lang siyang makasarili na sa damdamin niya lang siya naka-focus. Mamaya siguro kapag gising na ito ay kakausapin niya.

Hahakbang na lang ulit si Ezio nang may marinig na kumalampag sa back storage room. Nang lapitan niya ay bukas ang ilaw doon.

Nagtaka na si Ezio. Sino ang nasa loob ng storage room sa ganitong oras? Hindi pa niya narinig na gising na ang mag-asawang caretaker. Alas-kuwatro y medya pa lang ng madaling-araw.

Naghagilap ng tubo si Ezio bago lumapit sa bukas na storage room. Baka may magnanakaw, maigi nang may armas siya.
Pero ikinagulat niyang makita ang pamilyar na bulto sa harap ng 50 gallon aquarium tank. At walang ibang laman ang aquarium kundi... jellyfish?

Kahit madalas dumalaw si Ezio sa rest house nila, hindi niya naisipang silipin man lang ang storage room. Dahil para saan? Alam naman niyang mga gamit lang na hindi na kailangan ang nakalagay doon. Ni hindi niya naisip na may aquarium na itinatago roon ang ama.

At bakit sa dinami-rami ng puwede nitong alagaan, jellyfish pa?

Lumapit si Ezio sa nakaupong ama sa harapan ng aquarium tank. Sa kandungan nito ay isang kulay itim na maliit na earthen jar.

Parang may pumitik sa utak ni Ezio pagkakita roon. Hindi kaya...?

Lukan...

Hindi kaya si Lukan ang laman ng maliit na banga? Doon inilagay ni Matthew ang abo ng kapatid niya?

Nagpalinga-linga si Ezio sa paligid. May mga photo albums na nakapatong lang basta sa lumang console table. Sa isang bahagi ang mga plastic storage boxes na nababalutan na ng alikabok. Mayroon ding maliit na bisikleta at kung ano-ano pang laruang panlalaki.

"Those were your older brother's things," narinig niya sa wakas na sabi ni Matthew. Nakatingin na pala ito sa kanya. Yakap pa rin nito ang maliit na banga. "And this is your mother's favourite pet," dagdag nito na sinulyapan ang jellyfish sa aquarium.

"Ang totoo, napakaraming beses ko nang napalitan ang original pet niya. Namamatay kasi lagi ang jellyfish kahit ano pang pag-aalaga ko. Maybe because they're not meant to live in an aquarium." Bumuntong-hininga si Matthew.

At gustong masaktan ni Ezio sa matinding lungkot na dala ng buntong-hininga nito.

"Madalas kaming magpunta sa Borawan," sabi nitong parang nagbabalik-tanaw. "That place was so dear to us. Do'n kasi nabuo ang samahan namin ng mama mo. We had so much happy memories from there. Take note, paborito niya ang jellyfish mula roon. Kaya one time, iniuwi namin ang isa. Naging pet niya. Sa tuwing mamamatay, pinapalitan namin." Nakangiting umiling-iling ito.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now