Chapter 15

981 47 7
                                    

NASUNTOK ni Ezio ang concrete wall ng silid ni Xeen doon sa rest house.

Ramdam niya ang trauma ng dalaga kahit natutulog. May mga marka pa ng pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan nito na lalo niyang ikinagalit.

Magmula nang maiuwi niya ito ay ni hindi pa kumakain. Pangalawang araw na ngayon. Umiyak lang ito nang umiyak at halos hindi makausap ng maayos kaya binigyan na niya ng sedative para makapagpahinga. Pero palagi pa rin itong napapapitlag kahit natutulog at bigla na lang sisigaw. Nagmamakaawang pakawalan ito ng kung sino. At gusto niyang patayin ang hayup na lalaki.

Pinagbatayan ni Ezio ang mga pangalan na binanggit ni Xeen para maipadampot ang demonyong rapist. Ang anak nitong si Dalia ang nagpatunay sa krimen ng ama pero ang asawa ay todo tanggi at suklam na suklam sa ginawa niya sa manyak na asawa nito. Nabugbog kasi niya iyon maski nakaposas na.

Hindi niya maintindihan si Aling Merly na kahit alam nitong may krimen ang asawa ay nakukuha pang ipagtanggol. Pero iba si Dalia. Ipinagpasalamat pa nito na makukulong ang ama at handang tumestigo. Natigil lang si Aling Merly sa pagwawala nang umiiyak na aminin ni Dalia na maski ito ay binaboy din ng sariling ama, minsang napag-isa ito sa bahay at naliligo.

Noon yata natauhan si Aling Merly. Sandali itong umiling-iling at pilit pinapaniwala ang sarili na hindi totoo ang narinig. Pero nang tuluyang ma-absorb ang lahat ay saka niyakap nang mahigpit ang anak.

Nag-iwan siya ng malaking eskandalo sa pamayanan dahil sa pagpapadampot sa demonyong si Marcel pero hindi niya iyon ininda. Nag-anunsyo din siya na hindi muna manggagamot dahil may importanteng aasikasuhin.
Hindi niya kayang manggamot na iiwan si Xeen sa ganitong kondisyon. Kung hindi lang siya nag-aalala na makakawala ang hayup na nagtangkang bumaboy kay Xeen, hindi niya iiwan ni saglit ang dalaga.

Sinisisi rin ni Ezio ang sarili. Kung hindi ba siya nagmamatigas at isinasama na lang si Xeen sa mga lakad niya, hindi sana ito maiinip sa rest house at makakaisip mamasyal mag-isa. Hindi sana ito mapapahamak ng ganito.

"Huwag... Huwag... Huwag!" Pabiling-biling si Xeen sa ibabaw ng kama hanggang tuluyang bumalikwas ng bangon.

Isang iglap lang ay nasa tabi na siya nito. Niyakap niya nang mahigpit si Xeen at inalo. Humagulhol na naman ito ng iyak at parang dinudurog ang puso ni Ezio. Gusto niyang suntukin ang sarili dahil wala siyang magawa para dito. Araw-araw na lang itong umiiyak at takot lumabas ng bahay. Gusto rin nitong maghisterya kapag gumagabi na hanggang maubos ang lakas. At mas lalo siyang natataranta dahil ibig sabihin niyon, mahina ang katawan nito. Kailangan pa niyang pasekretong ilabas ito at dalhin sa dagat para mabawi ang nawalang enerhiya.

"Tama na, Xeen. Nandito ako, hindi kita pababayaan. Wala nang mananakit sa 'yo. Dahil makakapatay na talaga ako kapag may kumanti sa 'yo," pagpapakalma ni Ezio habang hinahagod ang likod nito.

Pinakawalan niya sandali si Xeen, pero muli lang itong yumakap sa kanya nang mahigpit. Nang kumalma na ito ay saka lang kumawala sa kanya.

"I'm sorry. Hindi ko alam na mangyayari iyon..." bulong niya sa dalaga at magaang hinahaplos ang makinis na pisngi.

May ilan pa ring nangingitim na maliliit na pasa sa mukha nito, marka ng mga daliri. Pati rin sa may leeg at balikat.

Magaang dinampian niya ang mga iyon ng kanyang mga labi. Sa una ay pumipitlig si Xeen pero kalaunan ay nagpaubaya.

Alam niyang hindi pa ito handa. At hindi tamang pangingibabawin niya ang damdaming palaging binubuhay ni Xeen sa pagkatao niya. Pero gusto niyang ma-reverse ang epekto ng nangyari dito. It would somehow help her recover.

Pero siya yata ang nalululong sa masarap at nakakalasing na bango ni Xeen. He wanted her. He needed her. He wanted to kiss her. At alam niya, matindi rin ang pangangailangan ng mga labi ni Xeen. Ramdam niya iyon sa higpit ng paghinga nito at marahang pagsinghap. Mga ungol nito na nakakalasing at masarap pakinggan.

Hindi niya napigil ang sarili at inangkin ang matatamis na mga labi ni Xeen. He kissed her gently yet passionately. And she responded. She imitated his lips' movement and soon found their own way of kissing him.

Her lips were so sensual, so sweet and so passionate he wanted to burst. His passion and desire wanted to burst.

Pero bago pa sila tuluyang matupok ng apoy na unti-unti nang nag-aalab ay pinakawalan niya ang mga labi ni Xeen. Saka ito niyakap nang mahigpit.

"I'm sorry, Xeen."

It was not yet the right time. Ayaw niyang samantalahin ang kahinaan nito. Naguguluhan pa ito malamang at sindak pa rin sa mga pinagdaanan. Siguro, unti-unti ay tutulungan niya itong makalimutan ang pinagdaanan. And when she was ready, when she was truly ready for the passion and intimacy, then nothing could go wrong if they made love with each other.

Pero hindi iyon ngayon. Ayaw niyang pakialaman ito sa lowest point ni Xeen. Pakiramdam niya ay nagsasamantala siya.

Yes, he cared for her. So much. Na pakiramdam ni Ezio, kaya yata siya nananatiling buhay hanggang sa mga oras na iyon ay dahil iyon ang kanyang purpose: ang alagaan at protektahan si Xeen. There was nothing to look forward to in his life since they'd lost his mother. But he remained alive. Maybe because he was destined to meet her. And protect her. And maybe... even love her.
He wanted to find the real meaning of love. He wanted to believe in it again. Ang bagay na winasak ng kanyang ama, gusto niyang buuin ulit. At palagay niya, si Xeen ang muling makakabuo niyon sa kanyang pananaw at pagkatao.

PINIGILAN ni Xeen ang mga luha na kumawala mula sa mga mata at tinugon na lang ang yakap ni Ezio. Iyon na lang pakonsuwelong maibibigay niya sa sarili pagkatapos ng fatal words na binatawan nito.

I'm sorry...

Para bang sinasabi ng mga salitang iyon na isang pagkakamali rito ang halik na pinagsaluhan nila. Well, mali naman nga iyon. Ang halik ay ginagawa lang ng mga taong nagmamahalan. Kaya nga may parusa sa kanilang mga lambana ang halik ng mga mortal na hindi naman sila minamahal.

At sa sitwasyon nila ni Ezio, isa talagang malaking pagkakamali iyon. Hindi ang tipo ni Ezio ang naniniwala pa sa pag-ibig. Isa lang talaga siyang baliw at hindi mapigilan ang sarili na magpaubaya.

Why, his kisses were the only beautiful, wonderful and delicious things she had ever found in this world. Siguro nga, kaya ganoon ay dahil tama si Dalia. She was in love with him.
At hindi iyon mahirap gawin. Ezio might be a hard man, yet he was so easy to love. Dahil mas madaming bagay na kaibig-ibig dito kaysa mga bagay na nakakainis.

Kasama na roon ang halik at yakap nito. Parang water therapy para sa kanya. Isang halik at isang yakap lang nito, napapakalma na nito ang nahihindik niyang sistema. She felt really safe and cared for inside his arms. It was like home.
At hindi na ulit siya lalayas sa tahanang ipinaparamdam ng mga bisig at dibdib ni Ezio.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now