Chapter 11

454 32 0
                                    

NA-SHOCK si Ezio pagkarinig sa sinabi ng tiyuhin. Baka nagkamali lang siya ng narinig mula rito. Bakit biglang naisama ang parapsychology?

“Tito? Are you serious? Against 'yan sa etiquette nating mga doktor at alam kong alam mo 'yan,” nagtatakang sambit niya.

“Yes... yes... I know.”

Nababahalang nilingon nito si Xeen na busy na sa panonood ng TV. Malakas ang volume at mukhang engrossed ang dalaga sa pinapanood. Hinila siya ni Tito Hugh sa may pinto para medyo makalayo kay Xeen. Alam naman nilang imposible na marinig pa sila nito dahil busy na ito sa pinapanood. Mukhang maselan talaga ang sasabihin ng tiyuhin.

“Kung scientifically ibe-base, may schizophrenia si Xeen. May sarili siyang mundo na binuo at iniisip na totoong nag-e-exist. But...”
Huminto ito sa pagsasalita na parang nag-alinlangan, na ipinagtaka niya. It was not so like him dahil ang tipo ni Tito Hugh ay palaging sigurado sa diagnosis at evaluation nito.

“But what?” nagtatakang encouraged niya rito.

Tinitigan siyang maigi ni Tito Hugh na parang pinag-iisipang mabuti kung itutuloy ang sasabihin o hindi. “She is not related to our family, right?” Tanong nito.

“Yes. Ngayon ko nga lang siya nakita. Technically, no'ng isang araw na ginamit ko si Cromwell.”

“At ngayon lang din daw siya nakarating sa mundo natin,” walang anumang dagdag nito.

“What? Wait...”

“Sinasabi niya na isa siyang mythical creature,” muling saad ni Tito Hugh.

Tuluyan nang nagulantang si Ezio, pero matapos ang ilang segundo ay natawa nang mahina sa seriousness ng boses ng tiyuhin. “Don't tell me naniniwala ka, Tito?”

Gusto niyang ma-stress. At the same time ay matawa sa nakikita at naririnig sa tiyuhin.

“I didn't believe her at first. Lalo na nang sabihin niyang lambana siya pero kapag nasa dagat ay sirena. Na may disequilibrium daw sa mundo nila kaya nangyayari iyon sa kanya. Na babalik ang lahat kapag naibalik si Erastus-who-ever-he-is sa mundo nila.”

Erastus...

The name rings a bell.

Sino si Erastus? Bakit pamilyar sa pandinig ko?

“Na sinundo daw ni Rosette si Erastus sa mundo natin at 'yong kaibigan mong si Jyle, dadalhin sa rest house mo ang dalawa para i-confirm sa 'yo na magkahawig sila ni Rosette. Which is actually true daw talaga dahil ang mga lambana raw ay may mga similarities. Pare-pareho daw sila ng korte ng mukha pero nagkakaiba sa kulay ng mata, buhok at pananamit. Can you believe that? Parang katulad lang sa European folklore na kinaadikan ng mga batang babae,” natatawa ring sabi ni Tito Hugh. “Sinasang-ayunan ko lang siya sa lahat ng kuwento niya dahil nabubuo na nga ang evaluation ko. Pero nagbago ang lahat nang banggitin niya ang isang bagay na matagal nang binura ng pamilya natin sa alaala ng lahat ng family members.”

Tuluyang nakuha ni Tito Hugh ang atensyon niya. Kanina kasi ay parang nagda-divert papunta sa kung saan ang utak niya, pagkarinig sa bahaging binanggit nito ang tungkol kina Erastus at Rosette. Narinig na niya ang mga pangalan na iyon at hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya maalala kung saan at kailan. Pero sa pakiramdam niya ay sariwa pa sa pandinig niya.

Ah! Mas mahalaga ang huling sinabi ni Tito Hugh.

“Ano'ng bagay na matagal nang binura sa pamilya?” baling niya rito.

Nagbuntong-hininga si Tito Hugh at mas pinahina ang boses. “Hindi ako ang dapat magsabi nito sa 'yo, Ezio.” Parang nagdadalawang-isip pa rin ito.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now