Chapter 15.1

1K 62 10
                                    

IT HAD BEEN two weeks at maski paano ay bumabalik na si Xeen sa kanyang usual self. And what the hell did he know about her usual self. Ang alam lang ni Ezio, hindi niya kayang nakikita si Xeen na napapapitlag maski sa kakaunting kaluskos lamang. Hindi niya gusto na ayaw na nitong lumabas ng bahay. At higit sa lahat, hindi niya gustong palagi itong natatakot kapag gumagabi na. Kinakailangan pa niya itong hintaying matulog bago niya iwan. Para lang sa kalagitnaan ng gabi ay mapatakbo na naman siya sa silid nito dahil bigla na lang sisigaw. Gusto niya tuloy patayin nang paulit-ulit ang demonyong responsable sa trauma ng dalaga.
Pinapunta na niya roon ang kanyang Tito Hugh para sa another counseling ni Xeen. At mukhang nakakatulong nang malaki ang advice ng kanyang tiyuhin. Well, of course. Magaling ang kanyang tito.

Ilang araw na nga niyang ipinapasyal si Xeen sa kabayanan. Na noong una ay hinding-hindi niya talaga mapalabas maski ng silid.
Nasa noodle house na naman sila ngayon. Palagay ni Ezio ay paborito nito ang ramen dahil iyon ang palaging ipinapabili sa kanya.

Busy pa siya sa panonood sa maganang pagkain ni Xeen nang huminto ito bigla at parang may tinititigan sa labas. Sinundan niya ang mga mata nito at nakita ang lalaking taong-grasa na nakalupasay sa kalye at namamalimos.

"Bakit gano'n, Ezio? Bakit hindi pantay-pantay ang mga tao dito sa inyong mundo?" narinig niyang tanong nito.

"Ha?" Naiintindihan naman niya ang itinatanong ni Xeen. Hindi niya lang talaga alam kung paano iyon sasagutin.

Bigla itong tumayo at akma na bibitbitin ang mangkok.

"Saan mo dadalhin iyan?" Kahit alam na niya ang sagot ay itinanong pa rin niya.

"'Bibigay ko do'n sa lalaki. Kawawa naman siya. Baka hindi pa siya kumakain."

Parang pinitik ang puso ni Ezio. Ginawan na nga ito ng masama ng kapwa niya tao at malaking trauma ang hatid niyon dito, pero nakukuha pa rin nitong maging malambot sa mga tao.
Kung sa iba sigurong nilalang nangyari ang ganoon, baka isumpa na nito ang mga tao at umuwi na sa mundo nito at hindi na babalik kailanman.

Ipinilig ni Ezio ang ulo. Hindi niya gusto ang huling ideya. At bakit ba siya nauwi sa ganoong isipin? Pasalamat na lang siya na hindi kagaya ng tao kung mag-isip si Xeen. Hindi ito nagge-generalize.

"Kainin mo na 'yan at ipagpapaluto ko na lang ng iba 'yong taong-grasa."

Sa paningin ni Ezio ay kumislap ang mga mata ni Xeen. "Talaga?" tuwang-tuwang pangunumpirma nito.

"Oo."

At tinawag niya ang isang server sa noodle house para magpaluto ng isa pang order. Ipina-take out na niya. Idadaan nila sa taong-grasa.
Nagpatuloy naman si Xeen sa kinakain. Muli niyang natitigan ang dalaga. At habang ginagawa iyon ni Ezio, he couldn't help but grow fonder of her.

Wala yatang araw na lumabas sila na hindi ito naawa sa kahit na sinong may mga kapansanan o may mga mabibigat na trabaho at gusto nitong tulungan.

Medyo naiinis na si Ezio. Kaso pakiramdam niya, wala siyang kuwentang tao. Mas na may puso at mas may pakialam pa si Xeen sa mga kapwa niya tao. To think na hindi nila ito kauri.

Pero wala rin naman kasi siyang magagawa para maging okay ang lahat ng nilalang sa mundo. Hindi naman siya si Superman para matulungan ang lahat. Isa pa, nilikha ang tao na hindi pantay-pantay. At isa lang din naman siya sa mga nilikha para kuwestiyunin kung bakit ganito nag-e-exist ang mga tao. Hindi pantay-pantay.

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

UMILING at ngumiti lang si Ezio kay Xeen at nagpatuloy na sa kinakain. Hindi na rin niya alam kung ano pa ang sasabihin. Kung nababasa lang ba niya ang isip ng isang mortal, hindi sana mahirap manghula sa mga aksyon ni Ezio.

Madalas niya kasi itong mahuli na nakatitig sa kanya. Bigla na lang ngingiti. Minsan, kumukunot ang noo pero ngingiti ulit sa huli. Ano ba'ng malay niya kung ginagawa siya nitong katatawanan sa isip nito.
But then, she liked it when Ezio did smile At her. Para kasing parating may liwanag at pag-asa sa kanyang paligid kapag nakikita niya ang ngiti ni Ezio. Parang sumasaya na rin siya.
At kailangan niyang parating maging masaya. Kapag kasi negative ang damdamin niya, humihina rin siya. Iyon ang na-realize ni Xeen. Mahina siya kapag natatakot o nalulungkot. Pero kapag masaya, lalo na kapag excited siya, nararamdaman niya ang pagdaloy ng malakas na enerhiya sa kanyang mga himaymay. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nawala ang lakas niya nang pagtangkaan siya ng ama ni Dalia. Sa sobrang takot niya, bumigay na lang ang kanyang mg tuhod. At hindi ganoon kadaling kalimutan ang nangyari.

Nagpapasalamat siya na hindi siya iniwan ni Ezio. Kahit pa nga nasasagasaan na ang mga dapat nitong gawin. May medical mission pala ito. At hindi lang naman siya ang nangangailangan ng tulong medical. Mas madami pang tao na higit na kailangan si Ezio. Besides, hindi naman siya tao para pagmalasakitan nito.

"Ezio..."

"Hmm?" Tuloy ito sa pagsubo ng noodles.

"Bumalik ka na ulit sa misyon mo na manggamot. Sa bahay mo lang ako. Hindi na ako lalabas. Pangako."

Sandaling natigilan si Ezio. Pinakatitigan siya. Kapagkuwan ay... "Kung babalik ako sa medical mission, isasama kita. Hindi ako papayag na mawala ka sa paningin ko."

Napasimangot si Xeen. Wala ba itong tiwala sa kanya at sa salita niya? "Sinabi ko na nga na hindi na ako lalabas."

"Hindi naman 'yon, eh!" Tinigilan na nito ang pagkain. "Natatakot lang ako na may mangyari na naman sa 'yo na masama. Hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak ka na naman dahil iniwan kita."

Parang binalot ng masarap na pakiramdam ang puso ni Xeen. Hindi niya napigilan ang mapangiti. Nag-iwas naman ng tingin si Ezio at itinuloy ang pagkain.

"May gusto ka pa bang bilhin o ibang kainin?" tanong nito nang mapansing hindi siya kumikilos.

Umiling lang siya. "Nabusog na ako doon sa sinabi mo." Ngumiti siya ulit nang malapad. "Ibig sabihin ba n'on, hindi mo na ako iiwan, kahit kailan? Lagi na lang ako sa tabi mo? Katulad nito?"

Lumapit si Xeen kay Ezio at nagpakadikit-dikit. Gusto niya ang pakiramdam kapag nakadikit siya sa binata. Para bang protektadong-protektado siya lalo na kapag nakapaloob sa malalakas at maiinit na bisig nito. Humilig pa siya sa balikat ng binata para mas maramdaman pa ito. Gusto niya ang napakabangong amoy nito. Para siyang nalulunod sa masarap na pakiramdam. Maligaya ang puso niya kapag ganoon sila.

Sunod-sunod na lumunok si Ezio kahit wala nang laman ang bibig at saka tumango. "Hanggang hindi pa natin nakikita ang pamilya mo, sa akin ka muna. Kumuha na ako ng detective para mahanap ang mga iyon. Pero kapag nakita natin sila, isosoli na kita, para matapos na ang obligasyon ko--" Natigilan ito at parang may biglang na-realize.

Hindi na pinansin ni Xeen ang mga sinasabi ni Ezio. Kahit naman ano'ng gawin nito, hindi ito makakahanap ng pamilya na pagsosolian sa kanya.

"Teka..." parang nagulat na sabi ni Ezio at binalingan siya. Ngiting-ngiti naman si Xeen dito. "Wala ka nga palang pamilya. Paano kita isosoli?"

Parang problemadong hindi ang guwapong mukha ni Ezio at napangiti na lang si Xeen. Bahala itong sagutin ang sarili nitong tanong. Basta siya, ie-enjoy niya ang natitira pang isang linggo na makakasama niya si Ezio.

Yes. Isang linggo na lang ang natitira sa kanya matapos ang paglalapat ng mga labi nila ni Ezio noong unang araw na makapasok siya sa mundo ng mga mortal. Alam niyang hindi iyon literal na halik pero palagay niya ay counted. Nakita niya sa kanyang panaginip kagabi sina Zayleigh at binababalaan siya....
Makasarili nga siguro siya dahil hindi na siya nag-aalala sa mga susunod na mangyayari. Kahit pa nga na-inform na siya ng mga kaibigan na may nalalapit na digmaan sa mundo niya. Minsan lang naman siya makaranas ng ganito kasarap na damdamin, lulubus-lubusin na niya. Para sa pag-uwi niya sa Engkantasya at para mapasabak sa labanan. Wala na siyang ibang panghihinayangan kahit mapatay man siya sa gitna ng digmaan ng mga lambana at engkanto.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now