Epilogue- Excerpt from Zayleigh's Story

1.8K 98 22
                                    

“MAAYOS na ang lahat...” 

Mariing itinakip ni Zayleigh sa tainga ang kamay. Napakalayo na niya pero naririnig pa rin niya ang iniisip ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya masabi sa mga kasamahang lambana na hindi nawala ang kakayahan niyang marinig ang iniisip ng mga nasa paligid niya.

Una, dahil malaki rin namang advantage iyon para sa kanya. Masaya kayang mabasa ang iniisip at susunod na magiging hakbang ng kahit na sinong makaharap niya.

Pangalawa, ayaw niyang maghatid ng takot sa mga kasamahan. Lahat sila ay inaasahang tapos na ang gulo. Bumalik na sila sa dati at maayos na ang balanse ng dalawang mundo. Kung malalaman ng mga ito na may naiwan pang bakas ang disequilibrium sa mundo nila, malamang na magdala iyon ng takot sa lahat. Wala naman siyang nakikitang mali sa paligid at sa buong Engkantasya.

Sa kanya lang may mali.

Gusto niyang ipagsawalang-bahala iyon, pero talagang disturbing ang bago niyang kakayahan.

Lumipad ulit si Zayleigh palayo para masubukan kung hanggang saan ba ang naabot at nadidinig ng kanyang isip. Hanggang sa narating niya ang puno ng espesyal na lagusan. Natigilan si Zayleigh nang biglang magliwanag ang gitna ng katawan ng puno. Parang magbubukas ang lagusan. Mula sa katawan ay nagkaroon iyon ng pabilog na bahagi na nagpapakita ng isang eksena mula sa mundo ng mga tao.

Pinupulot ng isang lalaki ang kung ano sa buhanginan. At nang tumayo na iyon ay nanggilalas si Zayleigh pagkakita sa mukha ng lalaki.

“Ano'ng ginagawa mo rito, Zay?”

Pabiglang napabaling si Zayleigh sa nagmamay-ari ng masungit na panlalaking boses. Wala namang may masungit na tinig mula sa mga miyembro ng konseho kundi si Dylan.

At isa pang ikinababahala niya ngayon ay ito. Sa lahat ng mga nilalang sa Engkantasya, tanging ang iniisip lang ni Dylan ang hindi niya marinig. Kahit gaano pa ito kalapit. Heto nga at nakalapit na ito sa kanya, pero ni hindi niya naramdaman o narinig man lang.

“D-Dylan...” kandamulagat na sambit niya sa pangalan ng engkantado.

“Bumalik ka na at kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo. Isa pa, hindi ba't ipinagbabawal na nga ang paglapit sa espesyal na lagusan? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” Masalimuot na naman ang guwapong mukha nito pero wala na siyang pakialam.

Ang mas mahalaga ay ang nakita niya sa loob ng lagusan.

“Bakit kamukha mo siya?” naguguluhan pa ring tanong niya habang itinuturo ang eksenang ipinapakita ng lagusan.

Walang katulad ang kakisigan at kaguwapuhan ng mga engkantado kaya nakapagtataka na kopyang-kopya ng mortal ang mukha ni Dylan. Maliban lang sa matulis na tainga nito.

“Ha?” Salubong ang mga kilay na bumaling din si Dylan sa lagusan.
At bago pa siya makakuha ng reaksyon mula rito ay nilamon na siya ng nakasisilaw na liwanag.

Napatili si Zayleigh sa magkahalong pagtataka at pagkagulat.

.........

A/N:
Maraming-marami pong salamat sa lahat ng mga nagbasa at sumubaybay. Sana po, may bumili pa din kapag napublish maski nabasa na. Hehehehe

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now