Chapter 7.2

1.2K 73 10
                                    

MASAMA ang tingin ni Xeen sa mga tahong na nasa plato niya. Paano, hindi niya maintindihan ang hitsura. Saka iniisip pa rin niya kung paano nabubuhay ang mga iyon. Ano ang kinakain at paano kumakain kung ganoon na hindi bumubuka habang hindi pa naluluto?

"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, Xeen?" tanong ni Ezio.

Sila lang ang magkasabay kumain. Ayaw pang sumabay ng mag-asawang katiwala.

I-v-in-oice out niya ang mga tanong sa isip. "Iniisip ko lang, bakit ganito sila? Nakakatakot."

"Ha? Ano'ng nakakatakot sa tahong?" Parang nagtataka na si Ezio sa mga sinasabi niya.

"Para silang 'yong halimaw sa poster sa silid na ipinagamit mo sa 'kin."

"Alin?"

"'Yong wallpaper na nakakapit sa dingding. 'Yong Plants vs. Zombies na game. 'Yong nasa tablet mo."

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Ezio.

"Pinakialaman mo ang tablet ko?"

Inosenteng tumango siya. "Oo. Iniwan mo sa sala ang pinaglalaruan mo, eh, di ako na ang nagtuloy."

Napapikit si Ezio nang mariin.

"Itong tahong, kamukha ng halimaw na halaman na kumakain ng zombies. Zombies din ba ang kinakain ng tahong? Ayoko na sa kanila. Saka bakit mayroon sila n'ong magaspang na katulad ng panlinis ng plato? 'Yong ginagamit ni Manang Nely. Scotch-Brite daw ang tawag do'n no'ng itanong ko kanina."

Sandaling tumitig si Ezio sa kanya bago tumayo at ilang beses na nagpalakad-lakad sa may gilid ng mesa. Ilang sandali pa at humagalpak ito ng tawa. Para bang pinigilan lang nito ang sarili na matawa sa ginawang paglakad-lakad pero hindi rin naman nagtagumpay.

Nalilitong napatingin naman siya kay Ezio. Ano ba'ng nakakatawa sa tanong niya? Ang ayos-ayos niyang magtanong, pagkatapos tatawanan lang siya?

"Saang lupalop ka ba galing, Xeen, at ganyan ang mga tanong mo?" Tumatawa pa rin si Ezio na inabot ang baso ng tubig at uminom. Naluha na ito sa kakatawa sa kanya at hindi pa rin niya ma-gets kung ano ba ang nakakatawa.

"Bakit? Totoo naman, ah. Tingnan mo." Hinila niya ang magaspang na bahagi ng tahong--iyong parang Scotch-Brite--at saka ipinakita sa lalaki. "'Yan, o! Kamukha ng Scotch-Brite!" asar na sabi niya.

Kumuha ulit si Xeen ng tahong. Tumayo siya at ipinakita kay Ezio.

"Titigan mo maigi. Kamukhang-kamukha no'ng halimaw na halaman. 'Yong kurba, ganyan na ganyan ang bunganga n'ong halimaw!"

Halos ipagduldulan niya ang tahong sa mukha ni Ezio. Para kung hindi nito nakita ang sinasabi niya, ngayon imposible nang hindi makita.

"Sandali, sandali!"

Inagaw na nito ang tahong sa kanya, saka inginuso ang puwesto niya. Na-gets naman niya. Pinapabalik siya sa upuan. Nakasimangot na sumunod si Xeen.

Nabo-bore na siya. Matapos patayin ni Mang Fred ang tuna at linisin ni Manang Nely, inilagay sa malaking kahon na ang pangalan ay refrigerator, akala niya ay lulutuin na. Nag-request daw si Ezio ng tahong kaya nanguha ang matandang lalaki sa taniman nito. Sasama sana siya pero naisip niya na posible siyang mabasa at magkabuntot. Sabi sa kanya ng mga jellyfish na nanghaharot sa kanya, ayaw raw ng mga tao sa sirena. Lalo na ang mga nasa tabing-dagat. Itinuturing na salot ang mga sirena. Dahil hindi iyon tunay na tao. Iba siya sa mga tao.

Ibig sabihin, hindi siya dapat na makita ng kahit na sino na may buntot siya. Kaya pinili na lang niyang manood ng TV. Ayos na rin dahil marami siyang natututunan. Dapat, manood na lang siya lagi ng TV. Kaso, ang sinungaling din ng TV ni Ezio.
Iyong maliit daw na sachet ng sabong panlaba, kayang labhan ang sandamukal na maruming damit. Bakit nakita niya si Manang Nely na kahit ginamit na ang kaparehong powder detergent, dalawa pang sachet, pero hindi iyon nalabhan ng mga sabon na iyon? Si Manang Nely pa rin ang kumilos para maglaba.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Kde žijí příběhy. Začni objevovat