Chapter 8.2

1.1K 66 15
                                    

"'YONG tanong ko na bakit may Scotch-Brite ang mga tahong?"

Naglalakad sina Ezio papunta sa isang noodle house matapos makapamili ng mga kailangan ng dalaga nang marinig ang tanong na iyon ni Xeen. Bigla tuloy ang pagbaling niya rito.

"Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin tapos sa tahong?"

Nag-init ang katawan ni Ezio sa pagkaalala sa mga usapan nila ni Xeen kanina habang kumakain ng almost lunch. Paano ba naman, ibinabalik na naman nito ang makamundong usapan na iyon.

Hindi. Siya lang itong makamundong mag-isip. At kapag si Xeen ang kaharap niya, matic na ang utak niya sa ganoon. Hindi niya rin maintindihan kung bakit.

"Hindi pa rin kasi malinaw sa 'kin kung bakit may gano'n sila. 'Yong tuna, wala naman siyang gano'n, eh, tagadagat siya. Saka ako, gusto ko rin ang hotdog pero wala akong gano'n. Ikaw din, kumakain ka din ng hotdog, 'di ba?"

"Hindi ako kumakain ng hotdog! Tahong ang gusto ko," pabigla niyang sagot.

Napalingon naman sa kanya si Xeen. Parang hindi naniniwala. "Eh, bakit madaming hotdog sa refrigerator mo? Para sa 'kin ba lahat ng 'yon? O para kina Lukan?"

Sino bang Lukan?

Gusto niya sanang itanong pero naalala niyang may imaginary friend ito sa rest house na ang pangalan ay Lukan. He just brushed the topic off and sighed. "Alright... Doon sa loob ko sasagutin nang maayos ang mga tanong mo," pabuntong-hiningang sabi niya.

Inabot niya ito sa braso at ini-guide papasok sa loob ng noodle house. Pagkatapos niyang um-order para sa kanila, tinapik na siya ni Xeen sa braso. Parang inip na itong marinig ang kung anumang sasabihin niya.

Sobrang curious ni Xeen sa mga bagay-bagay na hindi nito masyadong maintindihan. At hindi nito tantanan hanggang walang nakukuhang maayos na sagot.

Hindi iyon mentalidad ng isang mentally ill. Normal iyon para sa isang taong walang alam at gustong madagdagan ang kaalaman. Litong-lito tuloy siya sa pagkatao nito. Para itong normal na parang hindi.

"Plankton," aniya matapos ang mahabang pakikipagdigmaan sa sarili. Idina-divert kasi niya sa ibang bagay ang utak para hindi na naman mauwi sa maberde ang kanilang usapan.

"Ha? Ano'ng problema mo kay Plankton?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

At nahuhulaan na niyang ang nasa isip nito ay si Plankton sa SpongeBob SquarePants na cartoon. Pero ganoon naman nga ang tinutukoy niya.

"Plankton ang kinakain ng mga tahong," sagot ni Ezio. "Bumubuka sila kapag tahimik ang dagat. 'Yong walang kumikibo sa kanila. 'Tapos lumalabas ang mahaba nilang dila para sumagap ng plankton or any microorganisms na nakukuha sa tubig-dagat."

"Para silang palaka? Palaka ng dagat?" Kandamulagat si Xeen sa pagtatanong sa kanya.

Hindi naman malaman ni Ezio kung paano magre-react sa weird na pag-iisip nito. Gusto niyang matawa, lalo na sa pamimilog ng mga mata nito. Pero alam din niya na curious lang si Xeen at seryoso ito sa pagtatanong. Eager din itong malaman ang sekreto sa buhay ng mga tahong at ewan niya kung bakit.

"Uhm... let's say yes. Do'n sa paraan ng pagkain, gano'n nga."

"Nakikita ko nga ang mga salbaheng palaka na 'yan kapag lumalabas kami ng Engkantasya ng mga kaibigan ko. Humahaba ang dila nila, 'tapos kinakain ang mga kulisap. Minsan pa, target din kami. Por que maliit kami, akala nila kulisap din kami. 'Buti na lang, mabilis kaming lumipad. Akala nila, ha?"

Nagpapataasan sa pag-igkas ang mga kilay ni Ezio dahil sa mga naririnig. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ni Xeen. Okay na sana, eh. Maayos na itong kausap. Bakit bigla na namang lumiko sa magulo ang mga pinagsasasabi nito?

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now