Chapter 7.1

1.1K 69 0
                                    

"HINDI ko maintindihan. Bakit magkamukha sila?"

Napalingon si Ezio kay Jyle na naroroon sa front porch habang pinapanood si Xeen na tuwang-tuwa sa ginagawa ng dalawang matandang katiwala. Nililinisan kasi nina Manang Nely at Manong Fred ang mga tahong na nahuli ng huli sa dagat.

"Sino'ng magkamukha?" takang-tanong niya kay Jyle.

"Sina Rosette at Xeen. Magkahawig sila. Magkaiba lang ng kulay ng buhok. Highlighted blue ang kay Rosette at burgundy naman diyan kay Xeen. Ah, 'yong mga mata nila, magkaiba rin. Pero maliban sa kulay na iyon, wala na silang pagkakaiba. Pareho sila ng taas, ng katawan..." Lumapad ang ngiti nito na parang may kung anong kapilyuhang naisip. Gusto niya tuloy itong sakalin. "Pareho silang sexy. Pareho silang diyosa!"

"Damn!" asik niya rito. Parang gusto niya itong itaktak nang tumigil na ang kung anumang nasa kukote nito.

Hindi.

Baka siya itong kung ano-ano ang nasa kukote.

"Sinong Rosette ang sinasabi mo?" pagalit pa ring tanong niya.

"Hey! Easy ka lang, bro." Natatawang tinapik siya nito sa braso. "Para kang si Erastus maka-react. Eh, 'di ba totoo naman na maganda at sexy siya? Bakit ba nauunahan ako sa mga magaganda at sexy? Tsk-tsk..."

Pinilit pakalmahin ni Ezio ang sarili habang nakikita kung paano na namang lumalapad ang ngiti ni Jyle habang pinagmamasdan si Xeen. Parang gusto niya tuloy hablutin ang dalaga at itago sa kanyang bulsa. Hindi niya gusto ang ideya na may mga taong kagaya ni Jyle na parang sinusuri ang kahit kaliit-liitang bahagi ni Xeen.

"Come on, Jyle. May diperensya sa pag-iisip si Xeen. 'Wag mo na siyang pagnasaan," aniya sa mas pinakalmang boses.

Mabuting tao naman si Jyle. Sadyang hindi niya lang gusto na nakikitang tumitingin ito ng may pagnanasa kay Xeen.

At masisisi ba naman niya ito? Sa suot ni Xeen na halos walang kalahati ng hita nito ang naka-expose, gusto na lang niya itong takluban ng kumot.

Speaking of dresses. Kailangan siguro niya itong ipamili mamaya. Hindi ganitong mukhang mahuhubaran na ang dalaga.

Kapag naiisip niya kung anuman ang puwedeng nangyari kay Xeen kaninang umaga, gusto na namang mag-init ng ulo niya.

"Nah! Exactly what Erastus told me. Parang kulang daw ng isang turnilyo si Rosette. Pero n'ong bumalik na siya sa serbisyo, hindi naman na niya binanggit iyon. Parang convinced na siya na wala namang problema kay Rosette. Sadyang kakaiba lang 'yong babae. Kagabi nga lang, tanungin ba naman ako kung paano daw akitin si Erastus. Palagay ko naman, hindi na kailangan." Sinundan iyon ng nakakalokong tawa ni Jyle. Parang aliw na aliw sa pagkukuwento.

"Teka nga..." pigil niya kay Jyle. "Sino ba 'yang Erastus at Rosette na sinasabi mo? Hindi ko maintindihan."

Pumalatak si Jyle. "'Yon ngang buddy ko na nakapulot din ng diyosa, kagaya mo. 'Rosette' ang pangalan at kahawig ni Xeen. Wala din 'yong apelido. Wala din kahit anong information tungkol sa kanya. Kung foreigner naman kasi, bakit magaling mag-Tagalog? Ah! Nahihirapan akong intindihin ito. Hindi kaya magkapatid sila?"

Tuluyan nang nahulog ang curiosity ni Ezio sa mga pinagsasabi ni Jyle. Gusto niya tuloy makita ang Rosette na iyon.

"Sigurado ka bang walang kahit anong info tungkol sa kanila? 'Yong picture nila, wala talagang kahawig sa kahit sino sa kahit anong social media sites? Paano nangyari? Imposible naman na wala silang pamilya."

Hinugot ni Jyle ang cell phone at nagpipindot, saka iniharap sa kanya. Naka-zoom in iyon sa isang picture ng napakaganda ring babae na halos blue ang kulay--mula sa buhok, damit at maging sa kulay ng mga mata. Parang si Xeen noong una niyang makaharap.
Except that Xeen was a literally red goddess. Sa kulay kasi nitong halos lahat ay pula, idagdag pang sobrang alluring ng aura. Ang pupula ng mga labi, mukha itong napakainosenteng diyosa pero malakas ang hatak ng sex appeal...

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now