Chapter 13

991 56 0
                                    

"I-IBIG sabihin ba ng tanong mo, naniniwala ka na sa 'kin?"

Halos hindi humihinga si Xeen habang deretsong nakatitig sa mga mata ni Ezio. Gusto niyang malusaw sa init na nakikita sa mga mata ng lalaki. At gusto na niyang matakot sa sarili.

Baka hindi na normal ang lahat ng nararamdaman niya.

Pero ano nga ba ang definition niya ng normal? Ganitong ang lahat ng pagbabago sa kanyang katauhan, lahat ay hindi normal. Pakiramdam niya, napapaglaruan siya ng Batas Ng Kalikasan magmula nang tumawid sa mundo ng mga tao.
Hindi naman siya magiging isda kung hindi dahil sa disequilibrium sa Engkantasya kasabay ng walang dahilang pagtawid niya.

"Matapos ang mga nakita ko, wala nang dahilan para hindi pa rin ako maniwala sa 'yo, Xeen," mahinang bulong ni Ezio.

Patuloy pa rin ito sa paghaplos sa mukha niya. At habang tumatagal, nagugustuhan na niya ang pakiramdam. Gusto niyang ipikit ang mga mata para mas maramdaman ang mainit na kamay nito, pero pinigilan niya ang sarili. Mas gusto niyang panoorin ang kaguwapuhan ni Ezio. Ang pagkislap ng mga mata nito sa tama ng liwanag ng papalubog na araw.

Gusto niya ang pagsikat ng bagong umaga. Pero mas gusto na yata niya ang liwanag ng araw kapag papalubog iyon. Mas nakadagdag sa malakas na dating ng mga mata ni Ezio.

"So... ano ang pinag-usapan ninyo ni Lukan?"

Natigilan si Xeen sa tanong na iyon. Gusto na niyang sabihin kay Ezio dahil alam niyang nangungilila ito sa ina. Ramdam niya iyon habang nakikipag-usap ito kay Hugh. Pero...

May agenda rin naman siya. May mahigit tatlong linggo pa siya para subukang isalba rin ang buhay. Gusto niyang ipakilala kay Ezio ang totoong sarili at baka sa ganoong paraan, mahalin siya nito.

Hindi naman na kasi sana big deal sa kanya kung mamatay siya sa pagbabalik niya sa Engkantasya dahil may paraan naman para mabuhay ulit siya. Kapag nagkaanak si Ezio.

Kaya lang, hindi niya gusto ang ideya na iyon. Na may iba itong mamahalin at magkakaroon pa ng anak sa ibang babae. Hindi niya alam kung bakit, all of a sudden, bigla siyang nakaramdam ng possessiveness sa binata.

Siguro dahil alam niya na kahit nagsusungit ito ay pinoprotektahan pa rin siya. Inaalagaan. Hindi siya nito iniwan kahit sa napakaraming pagkakataon na kaya at puwede nitong gawin iyon.

He was still a great man. Dahil siguro doon kaya hindi na rin mahirap para sa kanya na magustuhan si Ezio. She was seeing him in a new light.

Ah. Yes. Siguro mabuting ganoon muna niya pangalan ang damdaming nararamdaman niya ngayon. Nagugustuhan niya si Ezio dahil... sa kabila ng pangit na ipinapakita nito, alam niyang mabuting tao ang binata. Mabait ito. At hindi nagbabait-baitan lang.

He was an angel hiding in horns.
Napabuntong-hininga si Xeen, saka ito nginitian.

"Patawarin mo na ang papa mo," aniya.

Bumaba ang kamay nito mula sa pisngi niya. For a moment, her warm cheeks felt abandoned. Parang ayaw na ng balat niya na hindi nakadampi ang kamay ni Ezio. She wanted his warmth.
She felt safe and treasured and beautiful while he was holding her and he was looking straight in her just like that.

"Iyon ba ang sinabi sa 'yo ni Lukan?" wala nang siglang tanong ni Ezio. Parang nagtanong lang ito dahil kailangan nitong magtanong.

"Hindi. Madami siyang sinabi pero wala iyan sa lahat ng iyon. Galing sa 'kin 'yan," matapat na sagot ni Xeen. "Kailangan mong matutunan na patawarin ang papa mo para gumaan na rin ang pakiramdam mo."

Tumalikod si Ezio at dumeretso sa may balustre ng veranda. Lubog na ang araw at kumakalat na ang dilim.

"Ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sarili mo, Ezio."

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu